Nasa sala sila ni Andie at sinusuklayan nya ang buhok nito habang busy naman si Andrew sa kusina. Nagluluto ito ng magiging dinner nila. Hindi na siya kumontra. Hinayaan nya na lang ito. Lumabas ito ng kusina. Ang cute nitong tingnan na naka-apron habang nakatiklop ang mga manggas ng damit nito hanggang braso. Napatingin lang siya dito. At may hawak pa talaga itong sandok! Gusto sana nyang matawa pero pinipigilan nya lang. Ibinalik na lang nya uli ang tingin sa buhok ni Andie. " Daddy, tapos ka na po bang magluto?" lumingon si Andie dito. " Yah, bakit gutom na ba ang baby ko?" sagot nito na pumunta sa harap ng anak. " Yes po. I think Mommy too cause inubos nya iyong mangga kanina. I think she's so hungry," tumingala pa si Andie sa kanya. Sabay pa silang napatawa ni Andrew at nang ma

