Maagang umalis si Andrew kinabukasan dahil uuwi pa ito sa bahay nito para maligo at makapagbihis. Nauna siyang nakarating ng opisina. Hindi pa man siya nakakaupo ay agad na bumukas ang pinto at pumasok si Daryl na parang nanalo sa lotto. " Ashley, is it true?!" agad na tanong nito na niyakap pa siya. " Ang?" nagtatakang tanong nya. " You're pregnant!" tumitiling sabi nito. " Kanino mo nalaman?" nagtatakang tanong nya pero nakangiti na rin. " Eh, kanino pa ba? Kundi sa excited na "Daddy-again" to be!" parang kinikilig na sabi nito. " Sinabi ni Andrew saiyo?" mas lalong nagtataka na tanong nya. " Yes, tinawagan nya ako kanina na baka pwede ba daw mag-extend muna siya ng stay sa company dahil nga buntis ka. Gusto nyang nababantayan ka nya lagi. Di talaga ako makapaniwala. Ba't di ka

