KABANATA 46

1392 Words

Tulog na tulog na si Andie nang makarating sila ng condo nya. Day off ng yaya nito kaya dumiretso na siya sa kwarto ni Andie at inayos muna iyon bago ibaba ni Andrew ang anak. Si Andrew na ang nag-ayos ng kumot nito nang maibaba sa kama ang anak. Nauna na siyang lumabas ng kwarto. Kumain na sila sa labas bago pa man sila umuwi. Tiningnan nya ang oras, mag-aalas nuebe na ng gabi. Nakatayo lang siya dahil akala nya ay aalis na din agad si Andrew. Nagtaka pa siya nang pabagsak na umupo ito sa sofa at parang pagod na pagod na isinandal ang ulo sa upuan at pumikit. " I'll stay here for the night cause I'm too tired to drive. Isa pa, wala kayong kasama dito," sabi pa nito na nakapikit pa rin. Tututol sana siya pero alam nyang medyo malayo pa ang lugar nito at nakita nyang napagod talaga ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD