KABANATA 22

3498 Words

Nagising siya sa malakas na yugyog ng katawan nya. Nang idilat nya ang mga mata nya ay nakita nya ang nakangising si Sophia. Pupungas-pungas na bumangon siya. Tiningnan nya ang oras, mag aalas-otso pa lang ng umaga. " Kaw, ha? Di mo naman sinabing may gwapo kayong kusinero," nanunuksong sabi nito. Napakunot-noong nakatingin lang siya dito. Parang tulog pa ang diwa nya. " Saan ba siya natulog? Dito sa bed mo?" tuloy-tuloy na naman ang bibig nito. " Ano ba'ng sinasabi mo?" tanong nya na humiga uli tapos bumalikwas din agad ng bangon nang maisip na si Andrew ang tinutukoy nito. " Andiyan pa si Andrew?" nawala na nang tuluyan ang antok nya. " Wala na, noh. Umalis na siya nung dumating ako. Actually, tinawagan nya ako na samahan ka muna kasi nga uuwi muna siya sa kanila kasi may pasok pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD