Ang original na plano ay dun sila magpapalipas ng gabi at maglalagay lang ng tent kaso parang may senyales na sasama ang panahon. Kinumpirma din ito ng katutubong guide nila. Nagmamadaling nag-ayos na sila ng gamit para makababa na bago bumuhos ang ulan. Mahirap kasi ang daan kung maputik na ito saka delikado. Oh my God...Ito na naman kami. Nasa huli pa rin siya. Si Andrew naman ay hinayaan na ang guide na mauna. Nagpaiwan ito malapit sa kanya. Hindi naman nya masabihan ito na iwan na lang siya kasi natatakot din syang mapag-isa. Ang layo na kasi ng distansiya ng mga kasama nila. Hindi na nga nila makita ang mga ito. Mahigpit na hinawakan nya ang bag nya para hindi ito makuha ni Andrew. Hindi naman nya maaatim na magkandahirap ito sa mga gamit nila habang siya naman ay walang dala. Hinih

