Mas gusto nya iyong pakiramdam na natatakpan na ng galit ang kung anumang nararamdaman nya kay Andrew. Mas madali kasing tanggapin ang galit kesa sakit. Dapat na siguro nyang buksan ang puso sa iba. Si Nate ba? Kaibigan lang ang tingin nya dito. Ayaw nyang umasa ito sa wala dahil alam nya ang pakiramdam ng ganun. Nasa canteen siya nun nang lumapit si Nate. " Hi," bati nito bago umupo sa tabi nya. " Hello," matipid na ngumiti siya dito. Wala pa noon si Sophia. Andun silang tatlo kadalasan kapag ganung araw at oras dahil pare-pareho silang walang klase. " I think umuwi muna si Sophia," sabi nito. " Ganun ba?" walang siglang sabi nya. Tahimik na nakatunganga lang uli siya sa notebook nya. " Ahm, Ashley, pwede ba akong bumisita sa inyo?" maya-maya'y tanong ni Nate. Tumingin siya dit

