Ngayon lang uli siya nakatungtong ng gym. May practice ng araw na iyon si Andrew. Sinadya nyang pumunta na tapos na ang practice kasi alam nyang lagi itong nahuhuling umalis dahil naliligo pa ito. Nakita nga nyang wala ng tao dun pero andun pa ang mga gamit ni Andrew sa bench. Kinakabahan siya sa gagawin pero hindi rin naman siya matahimik kung hahayaan nyang lokohin ni Trixie si Andrew. Umupo siya sa tabi ng gamit nito gaya ng dati. Na-miss nya iyon lahat. Na-miss nya iyong silang dalawa. Nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang lumabas si Andrew. Nagpupunas pa ito ng towel sa buhok nang matigilan ito pagkakita sa kanya. " Fancy seeing you here," parang masaya ito nang makita siya. Agad na tumayo siya. Hindi nya alam kung saan magsisimula. " Ahmmm, m-may sasabihin sana ako sa'yo," napalu

