Para makaiwas kay Andrew ay tumatambay na siya ng library kasi napapansin nyang lagi na din ito sa canteen kaya nakakailang na lalo't wala naman itong ginawa kundi tingnan sila ng masama ni Nate. Kanina pa siya nakatunganga sa Accounting na libro pero wala namang pumapasok sa utak nya. Naramdaman nyang may tumabi sa kanya pero hindi siya tumingin dito. Hinahampas-hampas nya lang ang ballpen sa libro na para bang maso-solve lahat ng iyon sa isang kumpas lang. " I think you need my help on that," nabigla pa siya nang marinig ang boses ni Andrew sa tabi. Napatingin siya dito. Ibinalik din naman agad nya ang tingin sa libro. " Hindi rin ba mahilig sa Math iyong boyfriend mo?" tanong uli nito nang di siya umiimik. Napakunut-noong nanatiling nakatingin lang siya sa libro na kunyari ay nagko-

