" Ash...Ash..." mahinang tawag ni Andrew. Pagmulat nya ay nakita nya ang mukha nitong malapit na malapit na sa kanya. Aayos na sana siya ng upo kundi lang haharang-harang ang katawan nito. Oo, naiinis pa rin siya. Dinadaan na lang nya sa inis ang pagkapahiyang nararamdaman nya. " Can you move? Hindi ako makakilos," sabi nyang itinulak pa ito nang bahagya. Hindi ito natinag bagkus ay hinawakan nito ang kamay nya para hindi nya ito maitulak palayo. " Bakit iba naman iyong sinabi mo kagabi?" mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Nag-panic siya nang makitang nasa labas na sila ng bahay nila. Patay talaga siya if makikita sila ng Tita nya! " Makikita tayo ni Tita, ano ka ba?" medyo nilakasan na nya ang pagtulak nya dito. Nagpatulak naman ito at natatawa sa reaksiyon nya. Agad na inayos

