Nang mapagod sa kaiiyak ay bumangon na rin siya. Kanina pa siya nanlalamig after humupa na ng init. Tumayo siya at binuksan ang cabinet. Maraming damit dun. Gamit ba iyon lahat ni Andrew? Para namang nakatira na ito dun. Kumuha siya ng isang T-shirt at pajama. Nag-shower siya at nagbihis na rin. Hindi na muna siya bumalik sa kwarto ng grupo nina Sophia. Dun na muna siya sa kwarto na iyon. Sinigurado nya munang naka-lock iyon saka nahiga. Hindi rin naman siya makatulog. Baka hinahanap na siya ni Sophia. Pero sa tingin naman nya ay hindi nito mapapansin na wala siya dahil busy ito sa iba. Pilit niyang inaalis sa isip ang nangyari sa kanila ni Andrew. Ganun na ba talaga siya karupok? Akala ba nya kakalimutan na nya ito? Kusa nang pumikit ang mga mata nya nang magmamadaling araw na. Nagi

