CHAPTER 1

2069 Words
Kumakamot ako ng aking ulo habang nagmamaktol sa harap ni Dad. Simula ng manatili si Ara sa iisang date nito kay Jaime naging maluwag na si Dad at Mom sa kanya. Ni hindi na nga nila ito sineset up sa mga date. Hindi gaya ko na talagang sinadya pa nilang puntahan dito sa apartment. "How long will you hide here, Mira?" Mom asked me and hold my hand. "See? Ara is happy now and starting to realize what she's missing, long time ago. Bakit ikaw, anak? Napag iiwanan ka na ng kakambal mo." Nanatili akong nagmamaktol dahil pinipilit talaga nila akong makipagdate ngayong gabi. "Hindi na masasalo ni Ara ang mga nakalaan na dates mo, Mira. Simulan mong sanayin ang sarili mo dahil kilala mo kami ng Mom mo. We won't stop until you find someone that can treat you like a queen and love you unconditionally." Dad said. Nakaupo ito sa harapan namin ni Mom. I get what's their point, but I don't have plans for that. I'm happy being me. " But I don't need any man, Dad. Kayo pa lang at mga kapatid ko sapat na. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba para masatisfy ko ang aking sarili o kung sinuman, Dad. I'm happy with all of you." Seryosong saad ko at tumingin sa kanila. " You can't stay this way forever, Mira. Kapag nakita mo ang taong para sa'yo at nakatadhana---baka bawiin mo yang sinasabi mo. Just give it a try." Pagsusumamo ni Mom na ikinabuga ko ng hangin. Nakakafrustrate naman ang ganito. Porke't nagkaroon ng love interest si Ara, kailangan ako din? Hay naku naman. "Let's make a deal." Napatingin ako kay Dad sa sinabi niya. Kinabahan ako bigla. "Ayan ka na naman sa deal na iyan, Dad. Kinakabahan ako sa lalabas sa bibig mo. Promise, Dad." Tumatango pang saad ko at tumingin kay Mom. Nanghihingi ng tulong pero nagkibit lang ito ng balikat. "Give it a try---" I cut Dad words off. "It's a---" ako naman ang napatigil nang isenyas ni Dad ang kamay nito para patigilin ako. "Let Dad finish, then you can say whatever you wanted to say. Okay?" I sighed. "Okay, Dad." I have no choice but to agree and listen. Hinihiling ko lang na huwag namang grabe ang deal na gustong mangyari ni Dad. "Siputin mo ang mga dates na ibibigay namin. One month, Mira. One month of dating at wala kang nahanap---hahayaan ka na namin sa gusto mo. Sa isang buwan na iyan---you have to free yourself from your safe haven. Lumabas ka din gaya ng ginagawa ng kambal mo. Sumama ka sa kanya. Enjoy your life. Maraming magagandang bagay sa labas na pinapalagpas mo, Mira. And we as your parents---nanghihinayang. We just want to make you happy and start your life outside. Sana naiintindihan mo kami." Paliwanag ni Dad na pilit kong pinagkakasya sa utak ko. Tila hindi pa nagsisink in ang sinasabi ni Dad sa aking utak. And when it reaches my brain---hindi makapaniwala akong nakatingin kay Dad. One month? At kapag wala akong nahanap---I'm free? So, kailangan ko lang magtiyaga para makalaya sa mga ginagawa nila? "So, it means---kapag wala talaga akong nahanap in a month. Hahayaan niyo na ako sa gusto ko?" Paglilinaw ko na tinanguan ni Dad. At nang mapatingin ako kay Mom ay nginitian niya lang ako. "Hindi kayo nagbibiro?" paninigurado ko. Hindi talaga kasi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. "Yes, Mira. But---there's a big but bago ang lahat ng iyan." Dad said and paused. "You have to let us take care of everything. Hindi ka pwedeng tumanggi or ipasalo sa kambal mo ang mga dates na dapat para sa'yo. See what happened, one-time na sinalo ka niya?" Napangiwi ako kasi naalala ko ang nangyari. Nagkagulo sa mismong restaurant dahil sa selos ni Jaime. Aba malay ba namin kasing makikita siya ni Jaime doon. Nagkaila pa kasi siyang hindi niya kilala ito. Ayon tuloy---mas lalong nagkagulo. And that time---nakita ko ang takot sa mukha ni Ara. That's the first time na hindi man lang ito nakialam. All she could do that time is to stop Jaime. "Hindi naman kasi namin iniexpect na magkakaganoon, Dad, eh. Masyadong seloso lang talaga ang Jaime na iyon. Tapos hindi din nito alam na nagpanggap siya bilang Mira for the nth time." Palusot ko pa. "How many times, Mira? Hindi ko na nga mabilang ang mga sakripisyo ni Ara para intindihin ka. Sinalo niya lahat ng dates mo. Kahit isa Mira wala kang pinuntahan. Inisip mo ba ang pagod ni Ara?" Natahimik ako. "Sinadya naming sunod sunurin ang mga dates para sa inyong dalawa and see if she'll gonna make it. Pero nakaya niya lahat ng hindi mo man lang naisip na nahirapan din ang kambal mo." Ani ni Dad na ikinayuko ko. Bigla akong napaisip. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon? Bakit pinaako ko lahat kay Ara samantalang ako---nagkulong lang dito sa bahay. Am I being selfish? Am I that naive not to think of it? Hindi talaga sumagi sa isip ko na napapagod ito. Kasi kapag nagkikita kami ay nakangiti lang ito at masayang nagkukuwento. O ako lang talaga ang manhid dahil hindi ko naramdaman iyon? "I'm sorry, Dad, Mom." Nakayuko pa ding hingi ko ng tawad. Ngayon ko napagtanto ang sinabi nila. Naging inconsiderate ako na i-asa lahat kay Ara. Akala ko ay ayos lang sa kanya. "Wala kang narinig kay Ara kahit isang salita, Mira, dahil ginusto niyang saluhin lahat ng dates mo kahit hindi mo pa hilingin. Ni isang reklamo---wala kang narinig sa kanya. She's happy to see that you're not in that kind of position. Kahit kami Mira, ayaw namin itong gawin. But it's the only way to let you see what's life outside. It's your choice, Mira." Malumanay na saad ni dad sa akin. Hindi umiimik si Mom pero panay ang hagod nito sa aking likuran. Naiiyak tuloy ako dahil ngayon ko narealize ang lahat. Narealize ko na naging makasarili ako. Ni hindi ko man lang naisip na napapagod din pala ang kambal ko. "Okay, payag ako." Pagpayag ko sa deal na sinabi ni Dad. Maybe it's time for me to follow what they wanted. "One month, Mira. Isang buwan na dates at sundin ang mga gusto namin ng Mom mo. If it fails---you're free to do whatever you wanted to do. Hindi na kami mangingialam pa." "Then, when will it starts?" Tanong ko agad. "Tomorrow will be the start. And you can't say no to us. Walang reason na hindi ka makakapunta sa date mo. And if we see that you find someone---we'll stop arranging dates for you." Halatang nakahinga si Dad at Mom nang maluwag. Wala namang mawawala sa akin kung papayag na ako. Ara find his true love now. Siguro kung nakatadhana sa akin ang maging matandang dalaga---so be it. Hindi ako tatanggi. If that what's God planned for me. I'll gladly accept it. "Is that a promise?" Naniniguradong tanong ko sa kanila na tinanguan nila. "Gusto mo bang gumawa kami ng Mom mo ng kontrata at pirmahan natin para may panghawakan ka?" Biro ni Dad na ikinaroll eyes ko. "Hay naku, Dad. You're being a joker na naman. Pumayag na ako and I know you don't want me to take back my words. Kayo pa ba?" Tuluyan ko na silang inirapan. Knowing them, kapag napapayag ka na nila---you will never gonna back out. At wala naman na akong balak magback out pa. Gusto ko namang bigyan ang sarili ko ng pagkakataon and let destiny rolls it. I know na mahihirapan ako dahil ilag ako sa mga lalake, but I have to trust my parents. Saka, natagpuan na din ni Ara ang lalakeng makakasama niya habang buhay. Marami mang pagsubok ang nangyari sa buhay niya---she's happy now. Siguro panahon na din na bigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon. Kapag wala akong magustuhan---it's okay for me. Hindi dapat pinipilit ang love, mas maganda kung kusa iyong darating sa buhay mo. "So, we have a deal now?" Masayang tanong ni Dad sa akin na ikinabuntong hininga ko at inabot ang kamay ni Dad. Si mom naman ay nakangiti din sa tabi ni Dad. "It's good to hear that you're trying, my princess. We are happy now at hindi na kami mag iisip pa." Mom smiled. "Sa totoo niyan, you have a date tonight." Wait! Did just Mom say tonight? May pangiti ngiti pa ako tapos mayroon na pala? Ibig sabihin---bago pa kami mag usap ay may naiset na sila. It means---hindi sila aalis dito sa apartment nang hindi nila nakukuha ang oo ko. Hay naku... " Tonight na ba talaga? I thought tomorrow pa ang umpisa?" They jist smiked at me. No words. I sighed, "wala man lang bang pa excuse na bukas na or whatsoever? Binibigla niyo naman ako." Nakangiwing pahayag ko. As in binibigla kasi nila ako. At alam kong wala akong choice. "No declining and no excuses, right?" Kuntodo ang ngiti nila. Abot hanggang tenga. Napabuga na lang ako ng hangin habang naiiling. "May magagawa pa po ba ako?" Tanong ko na sabay nilang inilingan. Wala na talagang atrasan ito. "All set na lahat, Mira, all you have to do is be there and meet your dazzling date." Dad said and winked at me. "Oo na po, mamayang gabi, seven sharps at?" Tanong ko para alam ko kung saan ko pupuntahan ang sinet nilang date. Saka gust ko na silang itaboy paalis ng apartment, baka kung ano pa ang madagdag sa mga balak nila. Jusko! Baka hindi na kayanin ng brain cells ko. Hindi naman ako ganoon kamaintindihin gaya ni Ara kaya as much as possible dapat makaalis na sila. "Sa restaurant ng Tito Steve mo. Para naman maging kampante ka kahit papaano. He agreed on the dating place, so, wala kang magiging problema. Saka, nandoon ang Tito Steve mo to monitor you. Just in case, something went wrong. Isang sigaw mo lang doon, your Tito will be at rescue, okay?" Nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi nito. Hindi ko na kailangan pang kabahan na baka may gawing masama ang makakadate ko sa akin. Atleast, I know that I am safe. "Okay, Dad and Mom, you can go now. Kinakabahan ako kapag nanatili pa kayong dalawa dito sa apartment. You know what I mean---" nakangusong saad ko na tinawanan nilang dalawa. "Okay, okay, hands up na kami ng Mom mo. Pagpayag mo palang, ayos na kami. There's only one thing we want---" napatingin ako sa mata ni Dad. Bumalik ang kabang nararamdaman ko. Susko! Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh. "Bakit parang kinakabahan ako?" Lumunok pa ako bago ngumiwi. As in, kinakabahan talaga ako. Pumayag na ako sa una nilang pakiusap and I don't know if I can for the second time. O mahindian ko nga ba sila? Hay naku! Nakangiti silang dalawa sa akin samantalang kabadong kabado na akong nakatingin sa kanila. "Huminga ka naman, anak. Hindi naman mahirap ang ipapagawa namin. Just like your twin---iisa lang ang gusto namin. Mahanap mo ang tamang tao para sa'yo. Oo, at minamadali namin kayong mag asawa, pero not to the extent na pumili kayo ng taong hindi niyo mahal. Be honest with us---kung wala kayong mahanap, that's okay with us. Kahit papaano ay masaya kaming malaman na sinunod niyo kami. All we wanted is for you two, to be happy. Kahit ganoon lang---happy na din kami. You all know how much we love you. " Hinawakan ni Dad ang kamay ko samantalang si Mom ay nakahawak naman sa braso ni Dad. Yun lang naman pala ang sasabihin nila. "Gagawin ko ang lahat, Dad, Mom. Don't worry about me. Kapag nahanap ko na siya, kung sakali---hindi ko kayo bibiguin. Hahanapin at ihaharap ko sa inyo ang mamahalin ko. At wala akong ibang ihaharap sa inyo na lalake kung hindi ang magiging asawa ko. I love you so much. " Lumapit ako sa kanila at yumakap. A hug that they can feel how much love I can give to them. At hinding hindi iyon maaalis ng kahit na sino. Nang matapos ang usapan namin ay masaya ko silang inihatid sa may sasakyan nila. Kahit papaano ay napasaya ko sila sa konting pagsasakripisyo ko. Tama nga si Ara, hindi masamang sumubok. Pag alis nila ay pumasok na din ako sa bahay para magpahinga. Maaga pa ako mamayang gabi sa date na sinet nila sa akin. And hoping that it will be okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD