"What the hell? Where have you been?" Carl asked as soon as I entered his hotel room. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Nilapitan ko kaagad siya at niyakap siya ng mahigpit. I fet his arms wrapped around me. Mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin. Hindi na siya nagtangkang magtanong pa kung ano’ng nangyari. Paulit-ulit lang niyang hinagod ang likod ko hanggang sa kumalma na ako sa pag-iyak. Inalalayan ako ni Carl paupo sa kama. Nakapulupot pa rin ang kanyang braso sa aking baywang, habang ako ay nakasiksik sa kanyang dibdib. "Thank, Carl…" I looked at him. At tila may sariling isip naman ang mga luha ko, dahil pagbigkas ko pa lang ng mga salitang iyon, nag-unahan na naman sila sa pag tulo. Ang tanga tanga ko talaga! Nagpauto ako kay Johnny! Bigla ko tuloy naalala… madalas ay siya

