Chapter 18

1377 Words

"No! Hindi ako sasama," mabilis na protesta ko nang akmang hihilahin na ako ni Jess patayo. Buong pagtataka niya akong tiningnan. Ni minsan, hindi namin pinag usapan ni Jessica si Johnny. Hindi ko alam kung iniisip pa ba niya na may gusto pa rin ako kay Johnny, pero base sa reaksyon ko ngayon, mukhang alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Gusto kong ipagkaila kung ano man ang suspetsa niya ngayon. Ngunit pakiramdam ko, hindi ko siya makukumbinsi kahit ano pang sabihin ko. "Don’t tell me… may nararamdaman ka pa rin sa kanya?" buong pagdududang tanong ni Jess at napaupo ulit sa tapat ko. "Hindi!" depensa ko. "Hindi naman sa gano’n, pero…" "Give me a valid reason, then," she raised her brow. "Sa nakalipas na sampung taon, may gusto ka pa rin ba kay Johnny? He’s engaged…" "I know," tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD