"I promise, Angge…" sambit ulit ni Johnny. "Kapag pumayag ka, hinding-hindi na kita guguluhin pagkatapos." Nag-isip muna ako… Matagal ko nang pangarap na makasama si Johnny. Bata pa lang ako, gustong gusto ko na talaga siya. At ngayong nais niyang magkasama kaming dalawa na kahit saglit lang, parang nagkaroon ng kakaibang saya sa aking dibdib. Alam kong mali, alam kong hindi na tama. Pero… pwede bang pumayag sa gusto niyang mangyari? Ito na ang huli… pagkatapos… wala ng susunod. "Y-yes…" sagot ko na halos bulong na lang. "Thank y-you, Angge," hinaplos niya ang buhok ko. "Hindi ako gagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan, pangako…" Umalis din kami sa araw na iyon. Tinawagan ko si Jessica, ang sabi ko sa kanya’y may kailangan kaming puntahan ni Johnny. Sa una, tutol siya sa naging plan

