Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ng kanta. Palihim kong sinulyapan si Johnny. Mariin ang hawak niya sa manibela habang nakakunot ang kanyang noo. Sa palagay ko, pareho kami ng iniisip ngayon… na ang tadhana na mismo ang nagsasabi na hindi talaga kami para sa isa’t isa. "J-johnny…" nauutal kong tawag sa kanya. "Hmm?" "Sa tingin mo ba… pinagtagpo ulit tayo ng tahdana para tuldukan na ang lahat sa pagitan natin?" Tutok ang mga mata ko sa kanya, inaabangan ang kanyang sagot. Tipid muna siyang ngumiti bago sagutin ang tanong ko. "Hindi tinutuldukan ang isang bagay na hindi naman nagsimula, Angge." Natigilan ako sa kanyang isinagot. May punto siya… Paano nga ba bibigyang katuldukan ang isang bagay na hindi naman nagsimula kahit kailan? Noon pa man, hindi na pwede a

