Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Tumayo ako at mabilis na lumayo sa kanya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ng ganito kabilis! And, hell… looking at him now, he looks more matured. Mas lalo rin naging matikas ang pangangatawan niya. Damn, why am I even thinking about that? Dapat ay nag pa-panic na ako ngayon! Mukhang nagulat din si Johnny at hindi makapaniwala na nakita niya ako ngayon. Nang makabawi ako, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Hindi ko na dapat pang ipahalata sa kanya na hanggang ngayon… meron pa rin talaga. Kahit sampung taon na ang lumipas, siya pa rin talaga. "Hey," I faked a smile. "Kumusta?" "I-I’m good," napakurap siya. "Umuwi ka pala… kasama mo ang Kuya mo?" "No, nasa States pa si Kuya. I’m with a friend," nilingon ko ang cart ko. "I need to go no

