"Tricia…" Carl gently tapped my hands. "You think—" "No, no… that’s impossible," iling ko kahit alam ko naman sa sarili ko na posible ang bagay na iyon. But, hell! Paano kung… totoo nga? Ano’ng gagawin ko? "I won’t judge you, Trica. I’m just saying… there is a possibility, right? If ever you really did that with him." Hindi ko alam kung dahil ba sa sitwasyon o ano, pero mas lalong gustong bumugso ng damdamin ko. Sobrang natatakot ako dahil hindi ko maipagkakaila na may punto si Carl… at baka tama siya. "I-I want to rest now," nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mabilis kong pinalis ang luhang tumulo sa pisngi ko. "But… you need to eat, Tricia," he sighed. Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano’ng uunahin kong isipin. Aminado akong hindi pa ako handa at wala pa sa pla

