Minulat ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng paulit ulit na katok sa pintuan ng kwarto ko. Nilingon ko ang orasan sa bedside table, 10 PM na. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nagbabasa kanina. Ang binabasa kong libro ay nakalapag sa gilid ng higaan ko, medyo nalukot pa ng kaonti ang pahinang binabasa ko. Sinara ko ito at inilagay na rin sa gilid ng mesa.
May kumatok ulit sa pintuan ko, kaya naman tumayo na ‘ko at binuksan ito. Pagbukas pa lang ng pinto, ang mukha ni Kuya ang agad na bumungad sa ‘kin. Mapungay ang mga mata niya at magulo ang kanyang buhok. Mukhang kakauwi lang niya galing kung saan. Naamoy ko rin ang alak sa kanya.
"Are you drunk?" usisa ko kay Kuya.
"I had a few drinks," he shrugged. "Can we talk?" mas lalong sumeryoso ang boses niya. Kinabahan naman ako bigla.
"Bukas na lang. Late na, Kuya. Matutulog na ‘ko. Maaga pa ako sa school bukas," nag-iwas ako ng tingin.
Isasarado ko na sana ang pinto, ngunit pinigilan iyon ni Kuya. "Let’s talk. May importante tayong pag-uusapan."
Hindi na ako nakapag protesta pa dahil pinihit na niya ang pinto at dumiretso na sa loob. Umupo siya sa kama ko. Tumabi naman ako sa kanya.
"Ano’ng pag uusapan nating, Kuya?" tanong ko, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"It's about Johnny," bigla naman akong napaayos ng upo dahil sa sinabi niya.
"What about him?"
"I want you to stop liking him…" tiningnan ako ni Kuya ng diretso sa mata kaya agad akong napaiwas ng tingin.
"W-why?"
"Trust me, he's not good for you…" he sighed deeply. I can feel his concern, but I don’t really get his point. "I know you like him. Kaya iniiwasan mo ako, ‘di ba? Dahil sa ginawa ko sa kanya. But, I am your Kuya… kaya maniwala ka, alam kong sasaktan ka lang niya."
"Can you at least give me an explanation? Para naman maintindihan ko ang gusto mong iparating…" nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Kilala ko si Johnny," aniya sa ‘kin. "Matagal ko na siyang nakakasama. I’ve seen all his adventures with women… and believe me, you won’t like hearing those things. Hindi ko siya sinisira, Gel. I’m just telling the truth. Ayokong masaktan ka lang sa kanya. You’re just thirteen… he might take advantage of you."
Hindi ako umiik. Pinakinggan ko lang si Kuya sa pagpapatuloy sa kwento niya.
"Noon pa lang, when you were around 10… he’s been asking a lot of things about you. Doon ako nagsimulang magduda sa kanya. Still… I gave him the benefit of the doubt. Pero habang lumilipas ang panahon, nakikita ko kung paano ka niya tingnan."
A part of me was happy… because Johnny may actually like me. Kaya lang, hindi ko rin maiwasan na hindi mapaisip sa mga sinasabi ni Kuya. Magkakilala sila ni Johnny simula bata pa lang sila. Sabay silang lumaki, at tama si Kuya, marahil nakita niya ang mga ginagawa ni Johnny noon pa lang.
Kaya lang…
"Malay mo naman nagbago na siya, Kuya," depensa ko.
"Darating ang araw, maiintindihan mo rin ang lahat," bumuntong hininga si Kuya at nagbaba ng tingin. "Minsan, pinaniniwalaan mo ‘yang fairytale na 'yan. Pero kapag lumaki ka na, malalaman mo na hindi lahat ay may happy ending. I’m just saving you, Gel. Sana’y pakinggan mo ‘ko."
I smiled bitterly. "Is it because of our age, Kuya?"
"Oo," tango niya at muling tumingin sa ‘kin. "At hindi lang tungkol sa edad niyo. Marami pang dahilan kung bakit ka masasaktan sa kanya. So, please… just trust me with this one."
"Trust you kuya? Well, to tell you frankly, I don't even know if you're deserving to gain my trust," malamig kong sabi. Naalala ko na naman ang ginawa niya kay Johnny.
"You don't understand, Gel. You're still young and naive."
"Here we go ago again. It's because I'm too young that's why I can't understand everything. Great! Still treating me like a crybaby!" tumaas nan g kaonti ang boses ko.
"Angelica…" he calmly said but he’s obviously running out of temper.
"Bakit nga ba hindi ko pwedeng malaman ang lahat, Kuya?" I snapped in a sarcastic way. "Ahh, oo nga pala! Ang bata bata ko pa kasi para maintindihan ang lahat. Oo nga naman. Kumbaga, saling pusa lang naman ako sa pamilyang to, ‘di ba?"
Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga bagay na ‘to ngayon. Siguro, dahil matagal ko nang tinatago ang sama ng loob ko sa kanila. Naiinis na ako dahil lagi na lang parang sanggol ang trato nila sa akin. Tingin nila, hindi ko pa pwedeng gawin ang ibang bagay dahil sa mura kong edad.
"Bata kapa kasi, Gel… kaya Hindi mo maiintindihan," batid kong kinokontrol na ni Kuya ang galit niya.
"Yeah right. I’m a pre schooler baby. That's it. Don't expalin everything. Hindi ko rin naman maiintindihan."
"Pagdating ng panahon maiintindihan mo rin ang lahat."
"Kailan, Kuya? Baka kahit matanda na ‘ko, sanggol pa rin ang turing niyo sa ‘kin!"
"Pwede ba, Angelica!" sigaw niya, mukhang hindi na niya napigilan pa ang kanyang emosyon. "Hindi iikot ang buhay mo kay, Johnny! Naiintindihan mo?"
"Ikaw, Kuya, inindtindi mo ba si Johnny nung binugbog mo siya?!"
"Huwag mo akong sigawan, Angelica! Kuya mo parin ako!" napatayo na siya sa sobrang galit. "Masasaktan ka lang kay Johnny! Kaya ngayon pa lang, itigil mo na 'yan!"
"Bakit, Kuya?! Wala kang karapatang diktahan ako kung sinong gugustuhin ko at sinong hindi ko gugustuhin! Oo nga't kapatid kita. Pero hanggang dun lang ‘yun! Wala ka paring karapatan sa mga desisyon ko!"
Lumapit siya sa akin, aambang sampalin ako. Kaya lang, huminga siya ng lalim at piniling ibaba na lang ang kamay niya. "Kuya mo pa rin ako at wala kang karapatan pagtaasan ako ng boses!" sigaw lang niya sa mukha ko.
Naiyak na lang ako dala ng samu’t saring emosyon. Hindi ko talaga maiintindihan ang lahat kung hindi niya ipapaliwanag!
Lumambot naman ang ekspresyon ni Kuya nang makita ang pag iyak ko. Hinila niya ako at niyakap. "I’m sorry for shouting at you," mahina niyang sabi. "Actually, hindi lang naman tungkol kay Johnny ang pag-uusapan natin. I came here to tell you something…"
"W-what?"
"Essa and I broke up," aniya. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Kaya ba naglasing siya?
"Why?"
"We're going to States," sagot lang ni Kuya na ikinalito ko "We're leaving for good, Angelica…"
What?! Tama ba ang narinig ko? This can’t be!