Chapter 5

1430 Words
Gusto kong isipin na hindi totoo ang pag alis namin dito sa Pilipinas. Kaya lang, naging mabilis ang paglipas ng mga araw at bukas na ang flight namin. Pareho na kaming tumigil ni Kuya sa pag-aaral. Medyo nag uusap na rin naman kami kahit papaano, hindi nga lang katulad ng dati. Alam ko naman tutol pa rin siya sa pagkakagusto ko kay Johnny. Hindi naman sikreto sa ‘min ni Kuya ang balak ng mga magulang namin na tumira kami sa States. Hindi ko lang akalain na sobrang bilis ng naging desisyon nila. Ang buong akala ko nga’y papatapusin muna nila ng kolehiyo si Kuya. Kaso, si Daddy na lang kasi ang naiwan dito sa Pilipinas. Kaya naman gusto ni Lola na doon na kami manirahan. "Bessy Angelica! Mamimiss kita…" hagulgol ni Jessica. Nandito siya ngayon sa bahay namin. Simula nang tumigil ako sa pag-aaral, palagi siyang pumupunta rito. "Naku naman, bessy! Uuwi pa rin naman kami dito. Hindi ko lang alam kung kailan. Tsaka, huwag kang mag alala, ikaw parin ang bessy ko!" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Talaga, bessy?" ma-dramang tanong niya habang sumisinghot pa. "Oo naman! Kung gusto mo, mag video call pa tayo araw araw!" "Pero…" humagulgol ulit siya. "Wala na ‘kong kasama palagi! Loner na ‘ko. Love na love kita, bessy!" "Kaya mo ‘yan!" pagpapalakas ko sa loob niya. "Makipag kaibigan ka sa iba! Huwag ka kasing masyadong mataray." Pinunasan ni Jessica ang kanyang mga luha pagkatapos ay niyakap ako. "Basta pag umuwi kayo rito, huwag mong kalimutan yung mga pasalubong ko, ah…" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oo. Ikaw talaga, hindi pa nga kami umaalis tapos pasalubong na agad ang hinahabilin mo? Hindi ba pwedeng ingat muna?" iling ko. "Isa pa… baka abutin pa ng ilang taon bago kami bumalik dito." Nakasimangot na humiwalay si Jess sa yakap. "Advance lang… para hindi mo makalimutan," nag ayos siya ng upo at hinawakan ang mga kamay ko. "Hmm… si Kuya Johnny pala, nakausap mo na?" Panandalian akong natigilan sa tanong na iyon. "H-hindi pa. Hindi naman kasi ako makaalis," sagot ko nang makabawi. "Bantay sarado kasi si Kuya sa ‘kin." Tumayo siya at nagmamadaling ni-lock ang pintuan ng kwarto ko. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. "Ba’t mo sinarado ang pinto?" litong tanong ko. Umupo ulit si Jess sa tabi ko. "Gusto mo ba tulungan kitang makausap siya?" bulong niya. "H-ha? Paano?" Gusto ko ang ideya niya, dahil syempre, gusto ko naman talagang makita si Johnny. Kaya lang, delikado ito. Baka malaman na naman ni Kuya. Malalagot na talaga ako sa kanya at baka tuluyan na ‘kong isumbong kay Mommy at Daddy. Pag nagkataon, baka habang buhay na talaga akong manirahan sa States. "Basta. Akong bahala." "Teka. Anong gagawin natin?" Pumunta siya sa closet ko at kumuha ng damit. "Magbihis ka na. Aalis tayo," aniya sabay abot ng dress na kinuha niya. "Saan tayo pupunta?" "Kay Kuya Johnny," simpleng sagot niya at tinulak na ako papunta sa bathroom para makapagbihis. Nagmamadali kaming bumaba ni Jessica nang makapag ayos na ako. Panay ang lingon ko sa paligid, lahat ng tao dito sa loob ng bahay ay abala. Wala si Kuya ngayong araw… hindi ko alam kung saan siya pumunta. Samantala, ang mga magulang ko naman ay masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila. Ni hindi nila napansin ang paglabas namin ni Jess. Mabuti na lang talaga at kasama niya ngayon ang driver nila. Mas mabilis ang pagtakas namin dahil may sasakyan kami. Hindi na namin kailangan pang mag taxi. "Bessy, nasa bahay ngayon sina kuya Johnny…" masayang balita ni Jess pagpasok namin sa loob ng kotse. "Totoo, bessy?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Anong ginagawa nila dun?" "Wala… tumatambay lang sila dun. Madalas nga sila sa bahay, eh… silang mga soccer team. Kaya naisipan kong tulungan ka… para man lang makausap mo siya bago kayo umalis. Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. The best talaga itong best friend ko! "Bessy, sabihin mo naman sa driver mo na pakibilisan," pabulong na sabi ko. "Kuya Rey, pakibilisan daw po ang pagda-drive." Mabuti na lang at agad na kaming nakadating ni Jess sa bahay nila. Pagpasok pa lang namin, narinig na namin ang malalakas na tawanan sa pool area. Malamang ay sina Johnny na ‘yun. Hinila kaagad ako ni Jess patunong pool area. At tama nga ang hinala ko, nandito si Johnny kasama ang iba pang soccer players at iilang mga babae. Nilingon nila kami ni Jess nang maramdaman ang presensya namin, ngunit nanatili ang mga mata ko kay Johnny. Natigilan siya at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Mabilis siyang nag iwas ng tingin at binalingan ang babaeng katabi niya. Sino ang babaeng ‘to? At bakit nakapatong ang kamay niya sa hita ni Johnny?! "Ohh, Jessica nandito pala kayo…" natauhan ako nang magsalita ang Kuya ni Jess. "Oo, Kuya," iniwan niya muna akong nakatayo sa may pintuan at nilapitan ang kapatid niya. May binulong siya rito na ikinakunot ng noo ko. Tumango tango lang ang Kuya niya. "Ahh, sige. Ako nang bahala d’yan." Nilapitan na ulit ako ni Jess at hinigit patungong living room. "Anong binulong mo sa Kuya mo?" nagtatakang tanong ko pagkaupo namin sa sofa. "Malalaman mo rin," sabay kindat niya sa ‘kin. Hindi na ako nagsalita pa. Maya maya'y nagpaalam siya sa akin na aakyat muna siya sa kwarto niya. Tumango na lang ako bilang pagsagot. "Angge," parang nanigas ang buong katawan ko ng may magsalita sa likuran ko. Alam kong si Johnny ‘yun. Humarap ako sa kanya. "H-hi…" bati ko at sinubukang ngumiti. Isang pekeng ngiti. Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. "Kumusta ka na?" "O-okay lang. Ikaw b-ba?" hindi ko maintndihan, pero naiilang ako sa sitwasyon namin. "Mabuti rin…" Hindi ko na kayang tiisin pa ang nararamdaman ko. Tutal naman aalis na kami bukas, gagawin ko na ang gusto kong gawin sa mga oras na ito. Mas lalo akong lumapit kay Johnny at niyakap siya ng mahigpit. Nagulat naman siya sa ginawa ko, base sa reaksyon ng kanyang katawan. Mukhang hindi niya inaasahan ang biglaan kong pagyakap sa kanya. "Johnny, miss na miss na kita. Ayokong umalis… ayokong mapalayo sa ‘yo…" hindi no na napigilan pa ang mga luha ko sa pagtulo. Ang tagal ko siyang hindi nakita… "A-angge," humiwalay siya sa pagkakayakap. "Don’t do this, please." Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "Bakit, J-johnny?" nanginig ang boses ko. "Sorry sa ginawa ni Kuya sa ‘yo. Kasalanan ko naman kasi talaga ang lahat, eh. Tapos… ikaw pa ang sinisi niya. Pinaliwanag ko naman sa kanya pero—" "Shh…" pigil niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at naramdaman ko kaagad ang init ng palad niya. "Tama lang ang ginawa niya sa ‘kin. I deserved it. Ako ang mas matanda… at hindi ko naisip na magiging ganun ang mga mangyayari. Hindi naman talaga maganda na naabutan tayo ng Kuya mo sa ganoong estado." "Pero… aksidente nga ang nangyari," pilit ko. "Hindi naman natin ginusto na mangyari ‘yon." Napayuko si Johnny at muling bumuntong hininga. "Kahit na… mali pa rin ‘yon. Hindi magandang tingnan," niluwagan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na kayang pigilan pa itong nararamdaman ko. Alam kong masyado pa akong bata para sa bagay na ito. Pero… sigurado ako sa kung anoman at sinoman ang gusto ng puso ko ko. Hindi na lang ito isang simpleng paghanga sa kanya. Nasasaktan ako ngayon dahil mahal ko siya. Mahal na mahal… "Mahal kita Johnny," lakas loob na pag amin ko. "H-ha?" litong lito siyang bumaling sa ‘kin. "Sabi ko, mahal kita!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at isinigaw na ang mga salitang ‘yon sa kanya. "M-may girlfriend na ako, Angelica…" Masakit malaman ang katotohanan na iyon, ngunit gusto ko pa rin umamin sa kanya. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ito "Mahal pa rin kita! Huwag kang manhind, Johnny!" "Sorry…" nag-iwas siya ng tingin sa ‘kin. "…pero masyado kang bata para sa akin. Kapatid lang ang tingin ko sa ‘yo, Angge." Parang gumuho ang mundo ko sa mga sinabi niya. Noon pa lang, ramdam ko naman na ganyan talaga ang tingin niya sa ‘kin. Ayoko lang itong pansinin dahil gustong gusto ko siya. Pero ngayon… ang sakit pala kapag sa mismong bibig na niya nanggaling ang mga salitang ito. "Johnny—" sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero tumayo na siya. "I’m sorry…" aniya lang at iniwan na akong tulala at luhaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD