"Are you ready now, Angelica?" my Mom asked.
I just nodded with her question.
Tuluyan na talaga kaming aalis ngayong araw. Wala ako sa mood makipag usap kahit kanino dahil naiinis pa rin ako sa pag-uusap namin ni Johnny kahapon. I’m hurt and I’m really mad at him. Oo, inaamin ko, ramdam ko naman na talagang kapatid lang ang turing niya sa akin. Pero… kailangan ba talaga niyang ipamukha sa ‘kin na hindi kami pwede dahil sa agwat ng edad namin? At, higit sa lahat, kailangan ba talagang sabihin niya na mag girlfriend siya?!
Baka nga talagang tama si Kuya. Wala akong mapapala kay Johnny at masasaktan lang ako sa huli. Mas mabuti pang itigil ko na itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na rin naman ito magsisilbi dahil aalis na kami. Sigurado akong taon ang aabutin bago kami bumalik dito sa Pilipinas. Malamang, marami nang magbabago.
Tumungo ako sa kwarto ni Kuya. Hanggang ngayon ay lugmok pa rin siya sa hiwalayan nila ni Ate Essa. Ramdam ko rin na ayaw niyang umalis kami, dahil nga naman nandito ang buhay na kinalakihan namin. Halos hindi na nga siya natutulog dahil madalas ay madaling araw na siya kung umuwi. Siguro’y patuloy niyang sinusuyo si Ate Essa.
"Kuya…" dumiresto ako sa kama niya at umupo doon.
Abala naman si Kuya sa pag aayos ng mga natitirang gamit niya. Mukha ngang alanganin pa siyang ilagay ang mga ito sa maleta niya.
"Oh, Angelica…" mukhang nagulat pa siya sa pagdating ko.
Hindi niya nalaman ang tungkol sa pagtakas ko kahapon. Wala rin naman akong balak ipaalam ito sa kanya dahil alam kong sasabihin lang niya sa ‘kin na, ‘sabi ko naman sa ‘yo, masasaktan ka lang’. I admit, he’s right. Baka nga masyado lang akong nahumaling kay Johnny. Hindi ko inisip na hindi talaga kami pwede.
"Hindi pa rin ba kayo nakapag usap ni Ate Essa?" maingat kong tanong. "Aalis na tayo. Ayaw ka ba niyang makita?"
"Ano pa bang pag-uusapan namin?" iling niya habang patuloy pa rin sa ginagawa. "Kahit naman mag usap kami, buo pa rin ang desisyon niya na maghiwalay kami."
Nalungkot ako para sa aking kapatid. Alam kong seryoso talaga siya kay Ate Essa. Hindi naman kasi siya magkakaganito kung hindi. Ngayon na lang siya naging matino, pagkatapos ay nasaktan pa siya. Natatakot tuloy ako na baka bumalik na naman siya sa dati… sa pagiging playboy. Baka hindi na niya seryosohin ang mga babae.
I don’t really know what to say to comfort him. Nilaro ko na lang ang aking mga daliri. Tumigil namam si Kuya sa ginagawa niya pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
"She doesn’t want to be with me anymore," he sighed deeply. "I offered long distance relationship… kaso, ayaw niya. Ang sabi niya, hindi rin kami tatagal kapag ganoon kami. Maliban sa malayo kami sa isa’t isa, iba na rin ang oras namin. Kaya… kahit anong pilit ko, ayaw na talaga niya."
"If she really loves you she will understand your situation," sambit ko na lang.
Hindi naman ako galit kay Ate Essa, pero… marami naman kasing paraan para mapatibay nila ang relasyon nila ni Kuya, ‘di ba? Kung mahal niya talaga ang kapatid ko, matatanggap niya na kailangan naming umalis. Kaso, hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdman niya at kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Nagulat ako nang bigla na lang umiyak si Kuya. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito! I tapped his shoulder. Yumuko naman siya at pinilit na pinunasan ang kanyang mga luha.
"This is so pathetic," tawa niya habang umiiling. "Can you fcking imagine? Umiiyak ako para sa isang babae."
We're both hopeless romantic now!
Gusto kong pigilan ang pagtakbo ng oras, pero sobrang napaka imposible naman no’n. Nandito na kami ngayon sa airport. Mabuti na lang nga’t tumigil sa pag-iyak si Kuya kanina, bago pa mapansin ni Mommy at Daddy. Kaya lang, halata ang pamamaga ng kanyang mga mata. Nakasuot tuloy siya ng shades ngayon.
"Kuya, stop acting like it’s the end of the world. Where's the Oh-So-Handsome-Richard-Briones?" I joked, trying to cheer him up. Kaso, mukhang walang talab iyon sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Tumigil na ‘ko dahil baka mairita lang siya sa ‘kin.
Habang naghihintay kami, nag scroll na lang ako sa social media ko. Sa huling pagkakataon, binisita ko ang profile ni Johnny. Pinangako ko kasi sa sarili ko na kapag nasa States na kami, hinding hindi na ako makikibalita pa sa kanya. Ito na ang huli…
Nasa kalagitnaan ako sa pagtingin ng mga lumang uploads niya nang makatanggap ako ng tawag mula sa hindi palilyar na numero. Sino kaya ‘to?
"Who's this?" bungad ko.
"Angge…" I froze upon hearing the voice on the other line. It's Johnny!
Napalunok ako. Nilingon ko si Kuya. Mukhang wala naman din siyang pakialam kung sino ang kausap ko. Tutok na tutok din kasi sa sa cellphone niya.
"Hey," I tried to sound cool. "Napatawag ka?"
"Nasa airport na ba kayo?" mahinang tanong niya.
"Yeah… just waiting for our flight. Why?"
"Uhh, can we talk? H-habang hindi pa kayo umaalis?"
"Sure," I answered directly. "Anong pag-uusapan natin?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
I heard him sighed deeply.
"Tungkol sa pinagusapan natin kahapon…" bumilis ang kabog ng dibdib ko nang ipalala niya ‘yon. "Sana maintindihan mo—"
"Naiintindihan ko," putol ko. "Hindi na natin kailangan pang pag-usapan ‘yon."
Nakita ko ang pagsulyap ni Kuya sa ‘kin. Kumunot ang noo niya. Tila ba gusto niyang alamin kung sino ang kausap ko ngayon. Tumayo ako at lumayo sa kanya.
"Gusto ko lang malaman mo na importante ka sa ‘kin."
"Importante?" sarkastiko akong tumawa. "Pero sikantan mo ‘ko. I confessed, but you rejected me."
"Pagdating ng araw—"
"Bakit mo ba ‘ko tinawagan?" ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin niya. "Hindi ba’t may girlfriend ka na? Hindi mo na ako dapat pagaksayahan pa ng oras."
"Angelica…" maging sa simpleng pagbigkas niya sa pangalan ko ay napapabilis niya ang t***k ng puso ko.
"Sapat na sa ‘kin ang mga sinabi mo kahapon. Naiintindihan ko na hindi talaga tayo pwede at… kapatid lang ang tingin mo sa ‘kin."
Mukhang may sasabihin pa sana siya ngunit nagmamadali kong pinatay ang tawag nang marinig ko ang boses ni Kuya.
"Is there something wrong?" I immediately pushed the end button when I heard Kuya’s voice behind me.
Hinarap ko siya. Ngumiti ako at umiling. "Wala naman, Kuya…"
Maybe, what I’m feeling right now is just pure infatuation. It’ll eventually pass…
I need to accept the fact that Johnny and I can never be together because of our age…