Gaano Kaliit Ang Mundo?

2876 Words
Di ko kinakaya yung awkwardness. Ramdam ko yung tension sa katawan ni Lian habang sinasagot nya yung mga tanong ng doctor at yung lamig ng kamay nya nung napakapit sya sakin nang hinawakan ni Ryan yung paa nya. And to her horror, sinimulan nyang bendahan yung paa ni Lian. Taking off her shoes and socks. I cringed sa sitwasyon ng kaibigan ko. I just decided to text Killian dahil wala na kong magawa at naka tayo lang ako dito. Me: A doctor is examining Lian already. Kita tayo sa waiting area after nito. Atty. Roxas: Nandito na ko. Hintayin nalang kita. "Okay, Lian I think that should alleviate the pain a little. I'll order an X-Ray for you. It looks like a sprain, but we need to be sure." He smiled at Lian then at me. I can see why nagustuhan sya ni Lian sa club. He looks friendly and nice. Pero kung kasal nga sya or may girlfriend na, he's doing a good job masking his assholeness. He left to talk to a nurse or medical assistant. "You want me to call your dad Li?" I asked her para madistract sya. "I'll call him papunta dun sa X-Ray room. Grabe Stace this is really humiliating." Lian groaned silently. She took her socks and shoe and inipit sa inuupuan nyang wheelchair. Lumapit yung medical attendant to wheel Lian out para makapag pa X-Ray. "You want me to come with you?" I asked her. "No na, samahan mo na si Atty. Roxas." She said as she spotted Killian sa waiting room. "Okay, call your dad. And text me pag may kailangan ka." I sat down beside Killian. "X-Ray?" He asked me. "Yeah. Sabi nung doctor mukhang sprain lang but she needs X-Ray to be sure." I echoed what Dr. Ryan said kanina. I was about to tell Killian about Lian and her doctor nang biglang lumabas si Ryan at mukhang may hinahanap sa waiting area. Tumayo si Killian at nilapitan sya ni Ryan. They high-fived. Omg magkakilala sila. "Attorney, anong ginagawa mo dito?" Ryan smiled at Killian. Tumaas lang yung kilay ko sa kanilang dalawa. "Binibisita kita." Killian joked. "Ulol." Ryan playfully retorted then he looked over to me and lumingon din si Killian. "Ah, friend ko pala, si Stacy. Stace, Dr. Ryan Perez, kabarkada ko." Tumayo ako para makipag kamay sa kaibigan nya because he held out his hand. Ahhh so yung mga Ry sa kwento nya, sya yon. Oh wow. Small world. Super small world. "Nice to finally meet you, Stacy." He smiled widely then Killian lightly pushed him off. I blinked at what he said. Feeling naman netong si Killian di ko narinig yung 'finally'. So, he knows about me? What? How? Why? "Sige na, sige na. Bumalik ka na sa mga pasyente mo hihintayin pa namin yung kaibigan namin." Tinaboy sya ni Killian. "Sya yung doctor ni Lian." I chuckled. "Tangina, kawawa naman si Lian. Baka di na makalakad yon." Biniro nya yung kabarkada nya. Lian would've died kung narinig nyang tinawag sya ni Killian sa first name. "Gago. Sige na." Ryan said with a laugh. He smiled at me and he turned to Killian again. "Sagutin mo naman yung mga pagyaya ni Troy. Kawawa naman." "Ayoko. Inom nanaman yon. Hayaan mo sila Peter na sumagot don." Killian scoffed at him and hinila na nya ko para umupo. "Nice to meet you Stacy." He waved and bumalik na don sa triage to get another patient file. "What's with 'finally'?" I asked as soon as Ryan was out of earshot. Killian scrunched up his face and pumikit. "Nakuha mo pa yon?" At natawa sya ng konti. Dumilat sya "Kwinento ka ni Troy kay Ryan nung nasa club tayo. Niloloko nya ko na may kausap ako sa labas na babae." He explained. "So?" I asked. Ano naman ngayon kung may kausap syang babae non, correction, ano ngayon kung kausap nya ko non? He shook his head as if I completely missed the point. "Akala nila chinichick kita." Then kinagat nya yung lower lip nya para pigilan yung ngiti nya. WHAT THE HELL. I can only nod. f**k I'm sure namumula nanaman ako. Wag kang mag feeling, Stacy. Operative words: AKALA NILA. So, hindi talaga. Tangina why did I even have to ask about that stupid 'finally'?? Nagmukha tuloy akong feeling. Dapat nanahimik nalang ako! "Single ba si Ryan?" I asked curiously. Para masagot na finally yung assumptions ni Lian. And to veer away from my growing embarassment. "Bakit type mo sya?" He quickly asked back. Umirap ako. "Let's say for the sake of my question, oo." AKALA NILA pala ha. Napasimangot sya. "Doctor mga type mo?" "Huh? Kailangan talaga certain profession? And Attorney, you are not responsive to the question." Sinimangutan ko din sya. "Sige, basta sagutin mo din yung mga tinanong ko. Yes, single sya. Your turn." Tuloy tuloy nyang sinabi at tinitigan nya ko. "Type ko sya? Hindi. Kung doctor ba yung mga type ko, no. I mean I don't categorize my 'types' according sa professions. Weird non." I answered him ng nakataas yung kilay ko. "Types? Madami?" Tinaasan nya din ako ng kilay. Ano bang pakielam nya. E sya lang naman type ko ngayon. Well f**k sa pag amin ha. "Konti lang." I bit my lower lip. Natatawa na ko e. Kasi parang naiinis na sya. "Gaano ka konti?" "Iisa-isahin ko pa?" Tinaasan ko ulit yung seryoso nyang mukha pero nakangiti na ko. He's taking this like Lian. Way too seriously. At dahil dyan lolokohin ko pa sya. "Yeah, balita ko matagal yung X-Ray results." He shrugged. "So anong gusto mo malaman exactly? Mga pangalan?" Natawa ako ng konti. Kinamot nya yung tenga nya at kumunot yung noo. "Sige, bigay ka ng pangalan." He crossed his arms sa dibdib nya. "E hindi mo naman sila kilala." "Wala SILA sa law school?" He stressed on SILA. Iniisip nya madami. Well magkukunwari nalang ako para mukha naman akong tumitingin sa mga tao at hindi masyadong recluse. "Nandon. Bakit kilala mo ba lahat ng nasa school?" Di ko alam kung paano ko to lulusutan. I'm just trying to stall. "Hindi. Pero sabi ko naman magbigay ka ng pangalan di ba? Di naman mahirap hanapin yon. So ano nga?" I think nakikita na nyang pinagtitripan ko lang sya kasi medyo annoyed na sya. Parang kapag di nya gusto yung sagot ng kaklase ko. Pag hindi kumpleto. At buti nalang dumating na si Lian! "Kamusta Li?" Binaling ko yung attensyon ko sa kaibigan ko smiling smugly kasi di ko sya kailangan sagutin. Now he really looked annoyed. Napansin din ni Lian, pero syempre wala syang tinanong. Tinulak nung medical attendant yung wheelchair sa tabi ng waiting area chairs sa tabi ko. "Okay naman. Mga 30 minutes ata yung results." She said and discreetly scanned around if nasa paligid si Ryan. "Papunta na din si papa dito. Though baka traffic." "Kain muna tayo." Killian said seriously. Hala sya inis pa rin? Kay Lian lang ako nakatingin. Ginagamit ko yung stiff neck pose ni Lian. "Sige sir, pero dito nalang ako." Lian looked over to him to answer. Nilakihan ko ng mata si Lian. Omg, don't leave me alone with him. "Bilhan ka nalang namin." Killian offered. I finally looked at Killian. "Dito nalang tayo lahat kumain para may kasabay si Lian." Tinaasan nya ko ng kilay. "Gusto mo mag picnic dito sa E.R.?" Yeah, I saw his point. Wala namang ibang kumakain around. Nakakahiya nga kung mukha kaming magpipicnic dito. I was about to say na di naman ako gutom, pero inunahan ako ni Lian. "Kain na kayo, take out nyo nalang ako. Gusto ko na din ng food. Gutom na ko." Inirapan ko sya. Traydor. Di ko muna sa kanya sasabihin na single si Ryan. Kung awkward ako, kailangan sya din. "BK ok lang sayo?" I asked Lian. Nararamdaman kong Killian is rolling his eyes sa mention ko ng Burger King. Fast food para madali kong matakasan yung mga tanong nya. "Yeah kahit ano. Take your time. Matagal pa to." Lian smiled sweetly at us. Inirapan ko sya. Tumayo na si Killian. Bago ako tumayo, bumulong muna ako kay Lian. "Sana lapitan ka ni Ryan dyan." She scowled at me. I walked beside Killian in silence palabas sa E.R. I glanced sideways to try and see kung anong expression nya sa mukha nya. Tinaasan nya ko ng kilay nung nakita nya kong tumitingin sakanya. Sungit. Tumigil sya sa tapat ng escalator to usher me forward para mauna ako without touching me. Pero kahit di nya ko hawakan I can still feel the shiver running down my spine. Ganon ba ko ka kinikilig sa kanya? Pag tapat namin sa BK, ang haba ng pila. Pota. I turned to him. "Gusto mo sa iba nalang?" "Hindi, ok lang. Dito nalang tayo." Hinayaan nya kong pumili kung saang lane pipila. "Wala ka bang PWD card dyan para mauna tayo?" I joked. Pero parang di sya natawa. Ang sungit neto. "Joke lang ang sungit mo." Tinalikuran ko sya. "Nagmamadali ka ba?" He whispered on my ear. Gusto kong matunaw. I can only shake my head. Nasan ako? Sino ako? Buti nalang di pa ko natatanong ng order baka nganga nanaman ako. Pwede kayang lahat ng sasabihin nya sakin ibulong nalang nya sa tenga ko? Sus Stacy, di mo nga kaya! Natutulala ka. Pinagsasasabi mo dyan. After a few minutes sa pila, "Anong order nyo ni Lian? Para makahanap ka na ng seat." nilapit nanaman nya yung sarili nya sa tenga ko from my back, and I felt my body stiffen. Sana di nya napapansin yon. Humarap nalang ako sa kanya. Oo di ko nga kaya pag ganon sya kalapit sakin. Kung ano anong nakakalimutan ko. "Ikaw nalang ililibre ko kasi pinagdrive mo na kami and sinamahan. So, ikaw nalang yung maghanap ng seat." I smiled at him. "Anong ipanglilibre mo sakin?" He looked at me clearly amused. f**k nakalimutan ko yung bag ko sa kotse nya. Yung kay Lian lang yung nabitbit ko sa pagmamadali. "Kukuha ako kay Lian, mahaba pa naman yung pila." I made a face. Inirapan nya ko. "Di na, ako na dito. Anong order nyo?" "Ang bossy mo no." I retorted but I said my order and Lian's and I stalked off to find a seat para saamin. Most ng nakapila mukha namang take out so di ako nahirapan maghanap ng table namin. Nilabas ko yung phone ko habang naghihintay sa kanya. And may text si Lian sakin. Lian: Take your time. ? I quickly typed a reply. Me: Ewan ko sayo Lianna. Lian: Buti di pa lumalabas ulit si Ryan. Omg. I decided to ease Lian's agony. Kawawa naman nalaglag na nga, papatagalin ko pa yung awkwardness nya. Me.: Btw, Killian and Ryan are friends. Lian: What???? Me: Yeah nagusap sila kanina. Pinakilala nya din ako. I couldn't tell you kasi katabi ko lang si Killian e. AND I asked him kung single si Ryan. Oo daw! Lian: Seryoso??? Me: Bakit naman sya magsisinungaling? Lian: Omg sinabi mo bang tinatanong mo para sakin? Me: Hindi crazy. Akala nga nya type ko si Ryan jusko. Lian: Sure ba? E sino si honey??? ? Me: Gusto mo ba tanungin ko? Hahahaha. Me: Killian, kung single si Ryan e sino si honey? Ganon? Or Liar ka Killian, kung single sya sino si honey? Anong mas gusto mo dun? ? Lian: Hahahaha. Pasimplehan mo! Me: Ugggh. I'll try. Pero why don't you just try dating Ryan? Saka girl, close sila ni Killian, kung may girlfriend man or asawa yung tao, malalaman naman nya yon. Lian: ??? Me: Kaya mo yan Lianna! Or if not, e di palagpasin mo nalang yang future boyfriend mo. Pero sayang cute nga sya. Lian: Diba??? Lian: Sige magiisip muna ako dito. As if naman may iba akong mapupuntahan. Lian: Kumain na kayo! Wag kang mag phone! Ang gwapo gwapo ng kasama mo yan lang tignan mo! Me: He's still ordering. Kakahiya wala akong bag. Sya nanaman nag bayad. Lian: Puta sya nag bayad ng ramen nyo???? Me: Yup! Lian: OMG ano ba e di date yon!?!?!!! Me: Gaga. Wag kang magwala dyan. I think I prefer na magkwento kay Lian through text. At least di ako mahihiya at mapapahiya sa mga reactions nya. Lian: Believe me, kung makakatalon lang ako dito, baka nagawa ko na. Me: I'm sure. Me: Di yon date, Lianna. Sabi nya since sya daw nagyaya kaya sya magbabayad. Rule ata yun ng mga mayayaman. Lian: Okay sige hintayin ko nalang na si Ryan yung magyaya sakin sa date. Hahahaha. Me: Wala kang mararating kung di ka maniniwala kay Killian na single yan. Lian: Fine. Me: Sige na, nandito na food. Lian: Sarap ng pagkain mo ah. Abogado pa. Me: Bwiset. Nilapag ni Killian yung tray ng pagkain and Lian's take out sa table and umupo na sya sa tapat ko. I smiled at him. Tinaasan nya ulit ako ng kilay. "Alam mo ang sungit mo talaga." I told him so sinimangutan ko ulit sya. "O bakit?" Nagulat nyang tanong. "E tinataasan mo ko ng kilay e!" I answered him and he chuckled. "You do realize na palagi mo din yang ginagawa sakin? Saka iniirapan mo din ako. Minsan sa klase pa." "Talaga?" Napaisip ako. He shook his head in amusement. Kinuha ko yung sandwich ko and unwrapped it. Ganon din ginawa nya. "So, mabalik tayo, sino yung mga type mo?" seryosong tanong nya. At medyo natawa ako. "Kala ko naka move on na tayo dun e." Kumagat muna ako sa sandwich ko. Bahala kang maghintay dyan. Pinapanood nya lang yung bibig ko as if gusto na nyang nguyain yung pagkain para saakin. Kumain nalang din sya kasi ang bagal ko. "Walang pangalan. Joke lang yon." Di ako makaimbento. Ayoko naman na magsabi ng kung sino sino lang. "So wala kang mga naging type na kaklase?" He looked at me. Hindi sya naniniwala. "Crush meron. Pero dati pa yun. Ngayon wala. Kasi minsan magiging crush mo, tapos malalaman mo na di sila matalino or mayabang pala, so maiinis ka nalang sa kanila kasi di yun yung ineexpect mo. Ayun, ganun lang." He looked at me as if to see if I'm telling the truth. Inirapan ko sya tapos kumain ulit ako. I didn't realize I was that hungry. "So anong type mo? Yung walang pangalan." Tanong nya at natawa nanaman ako. He's clearly not letting this go. I drank my iced tea kasi mamaya may tinga pa ko habang sinasagot ko sya. Di naman ako perfect katulad nya. I placed my left arm sa table and held my chin. Nagiisip. Ano nga bang type ko? I knew I only have to list down his qualities. Gusto kong irapan yung sarili ko. "Matalino, definitely. Sobrang turn on yon." Tinaasan nya ko ng kilay pero di ko pinansin. Mawawala lang yung train of thought ko. "Funny, mabait, gentleman, maalaga, fun kasama, mahilig mag travel, though di ko alam kung makakasama ako, and I guess bonus na din kung gwapo." I chuckled. Yung magaling magpakilig, manlibre ng kape, can stare through your soul, nagdadrive ng itim na Montero, abogado, Killian Roxas. I continued on my mind. "Ay wait. Biased din pala ako sa basketball players." "Basketball players? Kala ko you don't categorize yung type mo based on profession." Binalik nya sakin yung sinabi ko kanina. Damn lawyers. "Well not player as in professional. Yung magaling mag basketball. Nung bata ako I wanted a basketball player husband." Natatawa ako sa sarili ko. Di ko alam kung bakit ko to pinagsasasabi sa kanya. I guess friends na nga kami. "Wow parang pinagisipan mo na talaga yan ah." Niloko nya ko. "E tinanong mo e!" Siningkitan ko sya ng mata as I ate my fries. Naalala ko si Lian. "By the way, sure kang single si Ryan?" I asked. Sumimangot sya. "Di ka naniniwala? Type mo yun no?" "Hindi nga. Umm curious lang ako." Palusot ko. Nakasimangot parin sya. Anong problema nya? "Aminin mo nalang kasi. Gusto mo ilakad pa kita." He said monotonously. Omg 'lakad'. It was so old school. "Di ko nga sya gusto, ohmygod." I raised my voice and inirapan ko sya. Tinaasan nya ko ulit ng kilay. "Okay fine, Lian met him dun sa club nung nandun din kayo. I guess they met each other somewhere there. Di ko nakita na si Ryan yon. Tapos your friend had to answer his phone while they were talking and narinig ni Lian before he walked away na he said 'Hi honey' ng palambing. So akala nya may girlfriend or asawa. Kaya we bolted right away. Wag mong sabihin kay Lian na sinabi ko sayo ha and lalu na kay Ryan." I'm so sorry, Lian. Bumalik nanaman yung amused expression sa mukha ni Killian, well at least di na sya naiinis. "Walang girlfriend or asawa si Ryan. So si Lian pala yung hinahanap nyang babae na iniwan lang daw sya bago ako umalis?" Umiling sya natatawa siguro sya na ang liit nga ng mundo. "So sino si honey?" I followed up. Naningkit sya. Di sya sure kung itutuloy nya yung sasabihin nya or not. "It's Ryan's story. Pero wala syang asawa or girlfriend. Matagal na yang single. Let's just let them figure out kung anong meron sa kanila ni Lian." He chuckled. "So, basketball player huh?" He said teasingly. "Yeah why not? Basketball player sya and abogado ako? I think magandang combination yon." Napatingin ako sa taas to think about it and nodded agreeing with what I said. Natawa sya sakin and he shook his head. He finished his sandwich and he rolled his wrapper into a ball. Nagulat ako when he effortlessly shot it and na shoot sa trashcan which was around 10-12 feet away from where we were sitting. Nagulat akong nakatingin sakanya. Kinindatan nya ko. "Show off." I said and finished my sandwich pero gusto ko ng malaglag sa upuan ko. Lord, help. Ibang laglag na ata nangyayari sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD