Emergency

2509 Words
Nakanguso akong umakyat sa lib para sunduin si Lian sakto, palabas na din sya. "Anong nangyari sayo bakit nakanguso ka dyan at namumula?" She asked me at automatic namang humawak ako sa pisngi ko. "Si Atty. Lopez kasi niloloko ako." I frowned. Di ko na sinabi na pati si Killian din. "Ang baho mo girl." She cringed her nose. Palagi naman nya yung sinasabi saakin kahit na sanay na sya saamin ni Max. We started walking away from the lib. "By the way, nakahiram ako ng notes sa Tax kay Anton. Napressure ako bakit naiintindihan mo na yung mga tinanong sayo sa recit kanina." Tuloy tuloy syang nagsalita. "Turo ko sayo. Di naman din ako sure kung tama yon e." I answered her as we climbed down the stairs. Sorry Killian, tama naman for sure mga pinagsasasabi mo. Parang nasasanay na lang akong magsinungaling. Medyo guilty na talaga ako sa pagtatago ko kay Lian. Naririnig ko parin yung tawanan nila Atty. Lopez sa may smoking area kasi palapit na kami sa last flight. I rolled my eyes. "Ohmygod ahhh!!" Malakas na sigaw ni Lian at medyo napakapit sya ng konti saakin but it was too late, nadulas na sya sa hagdan. Nadulas sya sa buong last flight ng hagdan as I watched in horror. Nagmadali akong bumaba kung saan sya bumagsak. I struggled to help her sit up at nabagsak ko na din yung mga libro ko. "Ohmygod Li! Anong nangyari? Okay ka lang? Anong masakit?" Kumapit sya sa kaliwang paa nya at medyo naiiyak na sya. "Owww." Parang mas lalu nyang gustong umiyak nung dumating si Killian at Atty. Lopez who clearly heard her scream. "Ms. Coronal, anong nangyari?" Atty Lopez's booming voice echoed sa may hagdan. They moved closer. Nakakunot yung noo ni Killian at napaluhod sya sa tabi ni Lian. "Nadulas sya, I think she sprained her ankle." I tried explaining. "Nagagalaw mo ba Ms. Coronel? Makakatayo ka ba?" Killian asked with concern on his voice. Di yata alam ni Lian kung kikiligin sya or may masakit pa sa kanya. "Masakit yung left na ankle ko, di ko alam if kaya kong tumayo." She answered. Both professors took each side of Lian's arm and helped her stand. Napakunot yung mukha ni Lian, clearly feeling pain sa left nyang paa na hindi nya maapak. "Stace, kailangan mo syang dalhin sa ospital, mukhang sprain, pero baka fracture yan. She needs x-ray. Wag mo muna itapak yung kaliwa mong paa, Ms. Coronel." Atty. Lopez turned to me habang sinusuportahan pa din si Lian. I nodded in agreement and gathered Lian's and my books ang bag na kumalat nung nalaglag sya. "Killian, samahan mo sila, mukhang di kaya ni Stacy mag isa." He turned to Killian who was still looking at Lian's foot pero nakasupporta pa din sya sa weight ni Lian. "Sige, attorney." Killian turned to me. "May dala ka bang kotse?" "Yeah." I stood up carrying Lian's things and mine. "Iwan mo na dito, kotse ko nalang yung dalhin natin kasi mas malapit ako naka park." Tumuro sya doon sa faculty parking and tama naman sya na malapit lang yung sasakyan nya. Di na ko umangal. Importante lang madala na namin si Lian sa ospital. He clicked his alarm and binuksan nila yung likod na passenger seat at pinagtulungan nilang dalawa ni Atty. Lopez na isampa si Lian. I dumped all our things sa front passenger seat para makatulong ako. Or not kasi parang kayang kaya nila si Lian. "Tangina, aray." Di napigilan ni Lian, kasi nahakbang nya yung kaliwang paa nya pag akyat sa kotse. "Minumura mo ba kami, Ms. Coronel?" Niloko ni Atty. Lopez si Lian. "Huy, sir hindi. Sorry, masakit lang talaga." Natawa si Atty. Lopez "Joke lang, naiiyak ka na kasi, inaaliw lang kita." Biro nya ulit. "Tinatakot mo e." I chuckled and sinara na nila yung pintuan. "Mag ingat kayo." Nagpaalam si Atty. Lopez saamin and I thanked him. "Start mo na, kukunin ko lang yung gamit ko sa faculty lounge. Mabilis lang ako, wait." Inabot ni Killian sakin yung susi nya. I climbed the front passenger seat pag tapos kong istart yung kotse and turned on the aircon. "Sobrang sakit Li?" I turned around at her. "Oo girl. Gusto kong mamatay sa kahihiyan nung lumapit pa si Atty. Roxas at Atty. Lopez. Iiyak na sana ako, kaso dumating sila." Nagiba iba sya ng pwesto hinahanap kung saan sya kumportable and she squirmed at her every movement. "Buti nga nandyan sila, di natin kakayanin kung dalawa lang tayo. Naka skirt pa ko. Buti nalang di ka naka skirt!" I gave a small laugh. "Girl, ang bango ni Atty. Roxas!" "Yung naiiyak ka na dyan pero kinikilig ka parin? Saka bakit ako bahong baho ka sakin pag nagyoyosi pero sya, mabango? Pareho lang kaming amoy yosi." Inirapan ko sya. Well mabango naman talaga si Killian at ka amoy nya yung sasakyan nya. Actually, yung amoy nya yung rason kung bakit di ko sya nasampal nung binulungan nya ko non sa club. Naamoy ko agad sya kaya I just froze at dahil din sa boses nya. Both felt familiar. Dumating na si Killian agad at sumakay sa driver seat. He handed me his bag. "Umm saan ko pa ilalagay to?" I joked kasi yung bag ko at ni Lian nandun na sa paanan ko ang yung mga libro namin kandong ko. Kinuha nya yung bag nya at lumabas ulit sya. Binuksan nya yung sa door sa gilid ni Lian at nilagay nya yung bag nya don. "Stace, akin na yung mga libro nyo." He held out his hand para iabot sa kanya. I couldn't look at Lian's face alam kong medyo gulat sya (baka gulat na gulat siguro) sa pagtawag sakin ni Killian by my first name at kung gaano kami ka casual magusap. I mentally noted not to call him Killian sa harap ni Lian. He checked on Lian and he also asked what happened kaya di naman kami masyadong tahimik sa kotse. Buti puro si Lian yung kinakausap nya at alam kong kinikilig na yung kaibigan ko sa likod. From time to time din tinitignan nya ko and nginingitian ko lang sya. We drove to Makati Med. "Stace, ibababa ko kayo sa ER ha. Hahanap lang ako ng parking. Sabihan mo yung guard na kailangan nyo ng wheelchair at mag patulong ka din sa kanya, mamaya dalawa pa kayong malaglag." I made a face, he's so bossy. "Okay, sir. Sasama ka pa?" Sinagot ko sya at tinaasan nya ko ng kilay as if to tell me na bakit ko sya tinatawag na sir or kung bakit ko pa tinatanong kung sasama sya. Or both? Pag dating namin, sinunod ko yung sinabi nya at yung guard na yung nagtulak sa wheelchair sakay si Lian. "I'll text you pag nakapag park na ko." Sabi nya at inabot nya sakin yung phone ko before ko sinara yung pinto ng sasakyan nya. Sumunod nako kay Lian. Sinamahan ko si Lian na magbigay ng information nya sa triage, then I pushed her sa malapit na waiting area. "Sooooo...." Simula nya at nginitian nya ko. I rolled my eyes. "So? What? Pilay ka na, chismis pa din gusto mo?" "Gaga anong meron sainyo ni Killian? And don't you dare tell me na wala! Parang ang kumportable nyo bigla sa isa't isa. And he calls you Stace?? Habang ako Ms. Coronel pa din??" Lian told me in an accusing tone. "Selos ka?" Biniro ko sya at kinurot nya ko. "Hoy Stace, maawa ka naman sakin. Ang sakit sakit na ng paa ko kailangan ko ng distraction." Ngumuso sya at inirapan ko ulit sya. "Arte mo. Okay sige. I'll tell you but please promise me na wag kang OA mag react. Wag kang titili, kikiligin, at lalu na wag kang maging weird." Kumamot ako sa ulo ko. Yes, Stace you're doing the right thing. Don't hide this from your friends anymore. "I promise that I won't make you awkward." She said at tinaas nya yung kanang kamay nya for emphasis. I tried to think saan ako magsisimula. "First time nya kong tinawag na Stacy nung nandun tayo sa club. We talked for a while. More of tinanong ko sya kung ilang taon na sya and tinanong nya ko." I started. "Wait, ilang taon na sya?" Lian interrupted. "25." I answered. "Ang bata pa! Pweds! Teka, pwede bang detailed? Ang corny mo magkwento kaya ka napapagsabihan ni Atty. Lopez e." Inirapan nya ko. Sinimangutan ko sya. Arte nitong kaibigan ko na to as if di nya alam kung paano ako magkwento. "Fine, dumating tayo non sa club, then nagshots kami nila Max and nagsayaw kami while naghahanap ka ng boylet." Inulit ko. Umirap sya ulit probably remembering yung boylet nyang sayang. "Tapos after magsayawan, lumabas ako sa smoking area. Nagulat ako kasi bumulong sya sakin nanghihiram ng lighter." Inirapan ko sya kasi napaimpit sya. "Girl, pag ganyan ka magreact di ako magkekwento. You promised." And she finally controlled her face. "Anyway, bumulong nga sya. I literally froze kasi for some reason, alam kong sya yun I think kasi sa amoy nya and sa boses? So yun, sya nga then I gave him my lighter. Sinabi nya sakin na Killian nalang itawag ko sakanya kasi wala naman kami sa school, kaya Stacy na yung tawag nya sakin. Tinanong nya ko kung madalas daw ba ako sa club and sabi ko hindi tapos sabi ko din na di ko sya ineexpect makita sa mga ganung lugar then he told me that he was only 25 and birthday ng kabarkada nya. Di ako makapaniwala nung una na 25 lang sya. Though alam ko bata sya, but di ko inexpect na 2 years lang tanda nya saatin. Siguro kasi pag nasa school sya, prof yung dating nya and yung suot nya sa school is too...professional." Kwento ko kay Lian. "Too gwapo." Lian sighed dreamily and asked me, "Wait anong suot nya sa club non? Di ko sya nakita." "White polo shirt, ripped jeans and chucks lang." I answered. "Omg, I bet ang gwapo nya lalo." She commented and di ko nalang sya pinansin. Kailangan ko nga palang bilisan kasi pag park ni Killian pupunta na sya dito. "Anyway, yon nalaman ko nga yung age nya and kwento ng konti, then lumabas yung friend nya at natulak nya ko papunta kay Killian! Gago muntik akong mapayakap sa kanya." I made a face nung naalala ko. "Medyo natulala pa ko kasi ang bango nya and di ako makapaniwalang ganon sya kalapit saakin and nakakapit din sya non sa likod ko." Di napigilan ni Lian kiligin. "Girl kailangan kong bilisan kasi magpapark lang sya. Pag dating nya dito di na ko pwedeng magkwento kaya mag hunos dili ka dyan." Sabi ko at natawa ng konti si Lian. "Nung umalis tayo, nagtext pa sya. Dapat daw sumabay nalang tayo sa kanya." Nakita ko yung pagsisisi sa mukha ni Lian pero di na sya sumabat, so I continued. "Nung Saturday, nag aral ako sa Starbucks nung pag alis mo, tapos mga around 1:30 ng hapon nandun din sya and ohmygod dun sya sa mesa ko umupo. Magkatapat kami, may ginagawa sya non sa laptop nya. Sinubukan kong maging normal. Nadidistract ako sa pag aaral. Napansin din nya na di ako mapakali kaya niyaya nya ko kumain. Iniisip nya ata na di ako makafocus kasi gutom lang ako." Napangaga si Lian sa gulat. "Ohmygod! Totoo yung ramen no??" Sa said accusingly. I smiled guiltily. "Yeah." "You are such a liar!" Sinimangutan pa rin nya ko. "Sorry. Di ko kasi alam anong sasabihin ko sa inyo ni Max. Di ko nga alam kung anong meron kami. Pero feeling ko naman nagiging friends na kami. Saka naiirita ako when you make a big deal about him being Killian Roxas." I apologized. "Anyway, ano pang nangyari?" She asked pero nilisikan pa din nya ko ng mata. She couldn't believe I kept this from her. Yeah I know Li, ilang araw na din akong guilt trip sa sarili ko. "Kwentuhan ng kung ano ano. Feeling ko kaya napansin mo na medyo kumportable na kami sa isa't isa kasi nakapag kwentuhan na kami like regular people. After ng ramen, bumalik kami sa Starbucks. He continued working and finally nakapag aral na ko. I think dahil din di nako naiilang sa kanya." I finished. "So ano kayo?" She asked and I frowned. "Anong ano? E di wala." Tinaasan nya ko ng kilay. "Alam mo Li, let it go. Maybe we're friends. But maiilang lang ulit ako pag ganyan ka." Inamin ko sa kanya. "So gusto mong maging friends kayo?" "Why not? He's nice. Sya yung nagturo sakin nung Tax." Natawa ako ng konti. I'm so glad di masyadong nakaka awkward yung mga reaction ni Lian. Very un-Lian. Well at least she kept her promise. "Cheater. Sabihin mo turuan din nya ko." "Wow ka. Personal tutor? Nagkataon lang na matatanong ko sya kasi nandon sya nung nagaaral ako ng Tax." I shook my head. Napatigil si Lian mid-ngiti nya then biglang tumingin sa ibang direksyon. "OMG tangina. Mars, umalis na tayo dito. NOW NA." She hissed sharply. "Huh bakit?" Napatanong ako bigla. May nakita ba sya? I looked around. Di parin ginagalaw ni Lian yung ulo nya. "Girl, yung doctor na pumasok na may kausap sa phone, sya si Ryan sa club!" Natataranta nyang binulong. Di nya alam paano sya pepwesto para di makita yung mukha nya. Tinignan ko yung doctor na bagong dating. Gwapo nga as Lian described. He was talking to someone on the phone at medyo narinig namin nung sinasabi nya kasi napalapit na sya saamin while getting patient records sa triage. "Pre, syempre nasa parking ako ng mga doktor. Mag pa valet ka nalang. Tanga syempre meron. Sige na, nasa ER na ko. Hindi, kakatapos lang ng break ko saka ka na mang gulo." Natatawa nyang binaba yung phone nya at sumimangot sya sa nabasang patient record then umalis na papunta sa looban ng ER siguro to check on patients. "Wala na si married Doctor Ryan. Pwede ka na humarap, baka magka stiff neck ka pa sa ginagawa mo." Sinabihan ko si Lian and dumeretcho na nga sya ng tingin. Naka simangot pa rin sya. "Girl, please, umalis na tayo dito." Nagmamakaawa sya sakin. Sakto, tumunog yung phone ko. Atty. Roxas: Papunta na ko sa E.R. "Girl, papunta na si Killian dito. Nakakahiya pag umalis tayo bigla." I worriedly said. Kung kami lang ni Lian I would gladly oblige, pero nakakahiya talaga if bigla kaming aalis e parang nahirapan pa si Killian maghanap ng parking. "Doctor sya?" I asked. "Oo. Pero sabi nya sa Asian Hospital sya nagreresidente. Puta bakit sya nandito? Tangina paano kung sakanya ako mapunta for check up??? Wag mo ko iiwan girl!" Kumapit sakin si Lian. "Oo relax." I nooded. Sakto naman naka flash na yung number ni Lian sa screen ng waiting area. Tinulak ko yung wheelchair papunta dun sa area na naka flash din kasama ng number nya habang nakatungo sya, letting her long hair fall almost covering her face. We went sa isang curtained area. Clearly si Lian sobrang kabado. Kung nakakalakad siguro sya, baka tumakbo na sya palabas. "So, Ms. Coronel, tell me what happened." Nagulat si Lian sa pamilyar na boses na tumambad sa kanya. I just chewed on my lower lip kasi Lian's nightmare just came true. Si Ryan yung doctor nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD