MEG Pakiramdam ko ay galing ako sa napakahaba oras na pagkakatulog. Nagulat ako ng makita na nababalot ako ng puting tela at nakahiga sa kama na napapaligiran ng maraming nakasinding kandila. Dahan-dahan akong bumangon kahit nanghihina ako. Pakiramdam ko ay umuugong ang pandinig ko at naririnig ko pa ang malakas na ihip ng hangin na tumama sa katawan ko bago nagdilim ang paningin ko at nagising akong narito sa silid na hindi ako pamilyar kung nasaan ako. "Celina," malakas na tawag sa akin ni Gray. Hindi ko alam kung totoo ito, dahil base sa huling natatandaan ko bago ako nawalan ng malay ay narinig ko siyang tinawag ako ng paulit-ulit at sumagot ako. Hindi ako sigurado kung naroon nga ba siya o bunga lamang ito ng imahinasyon ko. Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko. Amoy pa lang

