MEG Kinaumagahan maaga kaming umalis para pumunta sa simbahan. Naiwan ang tatlong madaldal sa bahay ni Laura dahil pinili namin na gawin ito na tanging ako, si Gray at Laura lamang ang nakakaalam ng totoong pakay namin dito. Naiwan si Jonas sa sasakyan na sinabihan ni Gray na maging alerto dahil hindi namin alam ang maaaring maging resulta ng pagpasok ko dito. "Anong nararamdaman mo?" tanong ni Laura na kasabay kong naglalakad malapit sa pintuan ng simbahan. "Pakiramdam ko ay ang gaan ng katawan ko at lumutang-lutang ako sa hangin," sagot na mahigpit na nakakapit sa mga braso ni Gray. Ayaw kong bumitaw kahit saglit kaya kahit halos mabali ang mga daliri ko ng pagsalikupin namin ni Gray ang mga palad namin ay tiniis ko ang sakit. Sa unang subok ko para humakbang sa pintuan ay nasapo

