MEG Parang kasing bilis ng kisap mata na nawala sa paningin ko ang mga magulang ko. Parang tinangay sila ng ihip ng hangin na bigla na lang nawala ng hindi ko namalayan dahil tuluyan na silang naglaho at biglang nagbago ang mga nakikita ko sa paligid ko ng muli ay bumalik ako sa sariling katinuan ko. "Ma'am Celina, ayos ka lang po ba?" tanong ni Clara ng lumapit sa akin na ngayon ay panay ang tapik sa balikat ko. "Yeah," sagot ko. Iginala ko ang paningin ko, normal ang lahat at maging ang mga kasama ko ay mukhang hindi man lang napansin na ang kakaibang nangyari sa akin. "Kanina ka pa po tulala, kumi-kibot-kibot ang labi mo na tila ay may gustong sabihin pero wala naman po akong narinig na kahit ano," paliwanag ni Clara. "Ah, sige, bumalik ka na sa upuan mo. Pupuntahan ko saglit si

