MEG "Por dios, por santo, bakit namumutla at nanginginig ka?" Kukurap-kurap na lumingon ako. Malinaw na nakikita ko si Laura at nasa mukha nito ang labis na pag-aalala ng lapitan ako pero napaatras ako. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong nito na mabilis na lumapit sa akin at sinapo ang magkabilang pisngi ko. "Diyos ko!" bulalas nito sabay sign of the cross. Sa nakita ko ngayon na ikinilos niya ay sigurado na ako na siya nga ang tunay na Laura. Naghahabol ng hininga at nanghihina na lumapit ako sa kan'ya. Pakiramdam ko kasi ay naubusan ako ng lakas at unti-unting nanghina. "May nakita ka ba na kakaiba?" seryoso na tanong nito. "Oo, akala ko ikaw, pero naghinala agad ako. Gusto niya akong isama at dalhin sa simbahan pero hindi ako pumayag at sumama dahil naalala ko ang napag-usapan nat

