Akira's POV.
"Ma'am Akira kumain na kayo ng almusal nyo, ipinagbilin sakin ni Sir Thunder na alagaan ko kayo kapag wala sya" sabi sakin ni yaya habang nakahiga pa din ako sa kama.
"Bakit kailangan nya pa kong ipagbilin, hindi ba sya ang asawa ko? Sya dapat ang nag aalaga sakin pero anong ginagawa nya? Hindi sya umuuwi at parang hangin lang ako kapag nakikita nya" sagot ko.
Umagang umaga napaka emosyonal ko. Pagkagising ko parang gusto ko na lang umiyak dahil lang sa maaga na namang umalis si Thunder at hindi ko sya naabutan. Tsk. Parang hindi pa naman ako sanay pero dahil siguro sa buntis ako e, ang arte ko sa konting bagay lang. Madalas din akong antukin, minsan masandal lang ako tulog na din ako. Aish. Miss na miss ko na si Thunder. Sya ata ang pinaglilihian ko.
Hindi ko pa rin sinasabi kay Thunder na buntis ako dahil obviously busy sya kay Ella. Hindi na ko nagko commute dahil hatid-sundo ako ni Cloud. Pinilit nya yun, para daw safe kami ni baby. Kung si Cloud lang sana si Thunder, e di ang saya ko na.
I'm 9 weeks pregnant.
"Naku Ma'am Aki, wag ka ng magtampo, alam mo namang busy lang talaga yang si Sir Thunder" Busy sa trabaho? Baka busy sa babae! Hmm.
"Panget ba ko yaya? Kaya siguro ayaw sakin ni Thunder dahil panget ako?" sabi ko.
"Ano ka ba hija, ang ganda ganda mo kaya kahit nung bata pa lang kayo ni Thunder kaya nga tuwang tuwa ako ng ikaw ang pakasalan nya" sabi ni yaya.
Umupo ako at lumapit sya at sinuklayan ang buhok ko. Si yaya minda para syang si mom. Gustong gusto nya kong inaalagaan. Kung hindi lang sana sya masyadong faithful kay Thunder e malamang sinabi ko na sa kanya ang totoo.
Pagkababa ko ng sasakyan ni Cloud ay nakaramdam ako ng matinding hilo kaya napakapit ako sa pinto.
"Okay ka lang ba Akira?" nakita kong nakaalalay agad sakin si Cloud. Sobrang worried ng tingin nya sakin.
Unti-unti namang nawawala ang pagkahilo ko kaya nakabwelo ako.
"Okay na ko Cloud, medyo sumakit lang ang ulo ko. Pero ayos na wag ka ng mag alala" sabi ko sa kanya. I gave him a assuring smile.
"Sure ka ha? Kung di mo kaya. Iuuwi na lang kita" suggest nya.
"Kaya ko, at isa pa exam ngayon. Sayang naman yung mga nireview ko" sabi ko.
Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog kagabi, inantay ko pa kasing umuwi si Thunder pero late na syang dumating at worst pagkatapos ay umakyat na sya at hindi na lumabas dun. I missed him.
Nag review na lang ako at kinaumagahan nung umalis si Thunder ay kasalukuyang naliligo ako kaya hindi ko sya nakita.
Hindi ako makatulog ng tuloy tuloy this past few days dahil natatakot ako sa mga posibleng mangyari.
"Hi, mukhang pinapahirapan na ni baby si mommy ah. Sige ka magagalit si Daddy Cloud" sabi ni Cloud habang mahinang nagsasalita.
My cheek turned red. Sobrang natutuwa ako dahil sobrang pag aalaga ang ginagawa samin ni Cloud.
"Thank you" sabi ko sa kanya. Nag smile sya sakin.
"Anong gusto mong kainin?" tanong nya sakin.
Everyday kasi kapag lunch break nya na is pupunta pa sya dun sa italian restaurant para ibili ako ng Mac N Cheese na pinaglilihian ko. Nakakatuwa si Cloud dahil araw araw yun, walang palya.
"Hindi mo na kailangang pumunta pa dun. Naaabala na kita masyado" sabi ko.
"Who said so?" cool nyang sagot. "So I'll take that as Mac N Cheese then?"
"Thank you talaga"
Ginulo nya lang ang buhok ko at nag smile sya sakin.
"Pumasok ka na baka ma late pa tayo" sabi ko at naglakad na. I waived to him. Nakangiti pa rin syang nakatingin sakin. Checking if maayos akong makakapasok sa building.
Nakasakay ako sa elevator ng maramdaman ko ang pagkahilo pero inalintana ko na lang yun dahil bumukas na ang elevator kung nasan ang classroom namin.
Naglakad na ko papasok sa classroom. Nakita ko namang subsob si Sanya sa pagrereview kaya nung nag angat sya ng ulo ay nginitian ko na lang sya at naglakad na papunta sa upuan ko.
Nagsimula na ang klase at exam. 3 subject na ang nagdaan at lunch break na namin. Kasunod nito ay ang klase ni Thunder. Tumayo ako pero napaupo ulit ako dahil parang yumuyugyog ang mundo ko.
Nakita kong nagmamadaling lumapit sakin si Sanya.
"Okay ka lang ba?" nag aalala nyang tanong.
Huminga ako ng malalim at tumango. Tumayo na ko kahit nahihilo ako at pakiramdam ko ay babagsak ako anytime.
Pregnancy is really weird.
Pagkapasok pa lang namin sa cafeteria ay natanaw ko na si Cloud na nakangiti sakin.
Paglapit namin ay tinaas nya yung paperbag.
"Tada! For my princess. Mac N Cheese" masaya nyang sabi.
I laughed. I don't know if it will be considered as one.
"Akira, okay ka lang ba? You look pale" sabi ni Cloud he even placed the back of his hand on my forehead.
"Kaya nga e, kanina pa sya ganyan p-"
Hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ni Sanya dahil dumilim na ang paligid ko pero ramdam kong may sumalo sakin at naririnig ko pa ang pagtawag ni Cloud sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Thunder's POV.
"Babe, let's go out. May alam akong masarap na restaurant nearby. Mamayang gabi dun tayo mag dinner" Ella asked me.
"I can't. I'm busy" I answered her.
I can still hear her saying something but I was drowned by my thoughts.
Actually, I was pretty disappointed to know that Akira is not pregnant.
I was hoping that the child may be the key for us to start anew
But I guess we're not really meant to be together at all, maybe it's Ella that I should spend my whole life with.
Akira will be okay without me, she has that Cloud. I know he loves her and he will take care and love Akira which I failed to do.
And I don't know for what reason. It pinched my heart. Imagining Akira walking down the aisle and that bastard is her groom.
Hindi kami kinasal sa simbahan kaya sigurado akong matutuwa si Akira kung pakakasalan sya ni Cloud roon.
I sighed.
Naramdaman kong malakas akong tinapik ni Ella kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya.
"Babe!" sigaw nya sakin. "Are you listening?" galit nyang tanong.
"Sorry, what was that?"
"Arrgghh! I said lagi ka na lang busy. Pakiramdam ko nagbago ka na sakin ever since the sembreak. May nagawa ba kong masama?" nakita kong lumungkot ang mukha nya
"No. Wala" I answered her. It's me who had done something wrong.
Did I really change ever since Akira and I went to Boracay? Maybe it's the time that I realize that I have this territorial feeling in Akira.
I might not love her, but I don't want any man to have her. I am so selfish.
"Hmm. Sure ka ha? Buti na lang talaga nandyan si Akira. Kung hindi dahil sa kanya, mabo bored na ko"
She and Akira are friends.
Coincidence.
Pero bakit hindi nagsasalita si Akira tungkol sa pagiging asawa nya sakin kay Ella. Alam nyang girlfriend ko ito. I sighed once again. Akira is a very complicated woman.
"May problema ka ba? Nakailang buntong hininga ka na dyan e" pagpuna sakin ni Ella.
"Nothing, so how was Akira as a friend?" I don't know why I asked her that.
"Well she's nice and thoughtful, aside from being beautiful and intelligent, she is a lovely lady" mababakas mo sa mukha ni Ella ang kasiyahan habang nagsasabi sya ng about kay Akira.
Maybe Akira is a really good friend to her, masyado kasing mabait yung isang yun kaya kahit alam kong nasasaktan sya sa situation nya she remained silent and still treated Ella as a friend. I smiled when I remembered her smiles.
"She really is a lovely lady" damn it! Did I just say that?
Nakita ko kung pano tumaas ang kilay ni Ella dahil sa sinabi ko.
"Do you like her?"
I was about to answer when we we're interrupted by a knock and my door opened.
It's Sanya.
Nakita ko kung pano tumaas ang kilay rin nito ng makita si Ella.
Unlike her bestfriend, mukhang hindi sila good terms ni Ella.
"Yes Ms. Delos Reyes? What brought you here in my office?" I asked her.
May inabot sya saking letter.
At tinanggap ko yun.
Date
To whom it may concern,
Please excuse Ms. Akira Sapphire Santos for having fainted this twelve in the afternoon, I hope you give her an excuse to not take the examination today.
Montenegro's University Clinic
Bumalik ang tingin ko sa pangalang in-excuse sakin and the reason why.
"What happened to Akira?" nag aalala kong tanong.
"Well sir, hinimatay sya kaya dinala namin sa clinic tas in advice ng clinic na dalhin na muna sya sa hospital talaga, or pauwiin para mas makapagpahinga. Kaya baka hindi po sya makapag exam" sagot ni Sanya sakin.
"Is she still in the clinic? I need to see her"
"Yes sir, aalis na po muna ako at babalikan sya" pagkasabi nito ay umalis at lumabas na sya.
Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number nung hospital na under sa group of companies namin.
I ordered them to prepare for Akira's arrival.
Pagkababa ko ng tawag ay napansin kong tinitingnan ako ng maigi ni Ella.
Fvck! I forgot she's here.
"What was that Thunder?" tanong nya sakin.
"W-wala. Student ko si Akira. Ako ang may ari ng school kaya pananagutan ko kung may mangyayaring masama sa kanya" I lied. Obviously I am damned worried about that girl.
"Really? Yan lang ba ang rason?"
"Ano bang ini expect mo?"
"Just answer me! Student lang ba talaga ang tingin mo kay Akira? May relasyon ba kayo? Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga tingin mo sa kanya!" galit na sabi ni Ella
But I don't give a damn, I just wanna make sure if Akira is fine.
"You don't want me to answer that" sabi ko. Tumayo na ko para lumabas na sana pero pinigilan nya ko.
"Tell me Thunder. Tell me!"
"Damn! She's my wife! We are in a arranged marriage for 3 years now. Happy?" I said leaving her speechless.
I know I'm gonna regret this later but I just wanna know if she's okay. I'll deal with Ella later on.
Ella's POV.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
What did he just say?
Akira's her wife?
How? Paanong nangyari yun?
Iyak ako ng iyak pero isa lang ang sigurado ko.
Plinano ni Akira ang lahat, alam nya sigurong ako ang girlfriend ni Thunder kaya nya ko kinaibigan.
She's a back stabbing b***h.
Akala ko kaibigan ko sya pero mali pala ako. Malandi sya! Inagaw nya lang ang magiging asawa ko sakin.
If she thinks she has won already. She's wrong! I am not giving up Thunder without giving a fight.
Makikita ng Akira na yan, ako pa rin naman ang mahal ni Thunder at ramdam ko yun.
Humanda ka sakin Akira at matitikman mo ang galit ko.
Mang aagaw.