As expected, nahirapan na naman akong makatulog nang gabing iyon. Sa tuwing ipinipikit ko kasi ang aking mga mata ay ang agresibong paraan ng paghalik ni Lawrence ang pumapasok sa gunita ko. Pagtingin ko sa wall clock ay ganap na pa lang alas nuwebe ng umaga; madaling-araw ba naman ako dinalaw ng antok. Pupungas-pungas pa ako nang tahakin ko ang aming sala. Rinig ang maingay na background music ng pinapanood na palabas sa Youtube ni Zaine- ang paborito niyang si Peppa Pig. Nakaluhod siya sa tiled na sahig at nakapangalumbaba sa center table. Natanaw ko na nakaupo sa tabi niya ang aking hipag na si Donna. Mukhang laptop pa nga niya ang ginagamit nilang dalawang mag-tiyahin sa panonood. "Gising ka na pala Ate!" pagbati sa akin ni Donna nang matanaw ako. Kumurba ang ngiti sa labi ko. "An

