Chapter 12 – The Mother in Law

2626 Words

“Magandang gabi rin hijo!” magiliw na bati ni Tiya Lumen kay Dylan pagkaupo nito sa sofa. “Kumain na ba kayo ng hapunan?” si Tita. Todo istima si Tiya Lumen sa aming dalawa; ipinaghain niya kami ng ulam at kanin para sa aming hapunan. Panay ang pangangamusta ni Tita kay Dylan tungkol sa trabaho nito sa Avaya samantalang ako naman ay kanina pa walang imik. Parang gusto ko na lang tumakas at magtatakbo papunta sa kwarto ko. Hindi ko na nagawang galawin ang mga lamang pagkain ng aking pinggan. Kumpara kay Dylan na mukhang kalmado at nakakailang subo na rin sa kanyang pagkain. “Tita may sasabihin nga po pala kami sa inyo ni Audrey.” Tila nakikipagkarera sa bilis ang paraan ng pagpintig ng aking dibdib. Dagling napawi ang ngiti sa labi ng aking tiyahin. Seryoso niya kaming tinanaw ni Dylan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD