TAHIMIK na naka tingin sa MC ang lahat ng mga bisita at naka focus talaga sila sa mga sinasabi nito. Marami pang pinasalamatan ang MC, bago niya tawagin ang Host ng Party ngayong gabi. Tahimik lang na nakinig si Dylan, ngunit may kakaiba siyang nararamdam sa kanyang dibdib. Tila kinakabahan siya na hindi niya maipaliwanag. "Dude, ang pawis mo." pabulong na wika ni Luke sa kanyang kaibigan. Agad naman na kinuha ni Dylan ang kanyang panyo saka pinunasan ang kanyang noo. Hindi niya alam kung bakit siya pinag papawisan. Meron naman mga giant electric fan ang paligid para hindi sila mainitan sa kanilang kinauupuan. Ngunit iba ang pakiramdam niya, nag-iinit talaga siya. "Ladies and Gentlemen, let's give a big round of applause to Mr. James Del Valle, the well-known Business Tycon of the P

