MATAMLAY si Jasmine sa mga sumunod na araw. Lagi din itong tahimik at laging nag-iisa. Madalas din siyang umiiyak kapag nasa loob na siya ng kanyang kuwarto. Kahit anong pigil niya sa kanyang luha ay patuloy pa rin ito sa pag-agos. Nabahala naman si Nathan sa nakikita niya sa kanyang kapatid. Alam niyang ang pagsasagutan nila ni Dylan ang dahilan ng pagiging tahimik ng kanyang mahal na kapatid. Narinig niya ang usapan ng dalawa noon nakaraang araw. Dahil lumabas siya ng kanyang Opisina at pupuntahan sana niya si Jasmine, nang makita niyang kumakatok si Dylan sa pinto ng Opisina ng kanyang kapatid. Lumapit din siya sa may pinto ng Opisina ni Jasmine, upang marinig nito ang pinag-uusapan nina Jasmine at Dylan. Gusto man niyang ipaghiganti ang kanyang kapatid, ngunit ayaw din niyang maging

