"I promise you, I'll kill you! I'll kill all of you! Every one of you Nobles! You won't get away with it! I promise you!" Muling nagising si Bangs sa bangungot na paulit-ulit niyang napapanaginipan simula nang mailigtas sila ng Crimson Clan at kupkupin sa maliit nitong kuta sa isang liblib na lugar. Umupo siya mula sa pagkakahiga saka sumandal sa pader at tumitig sa kawalan. It has been two days since the last time he saw Lesley. Once again, he is alone and locked up in a small room until the symptoms of his drug withrawal stop. Tadhana na yata niya ang laging makulong. Ngunit mas maganda at mas komportable naman itong bagong kulungan niya kumpara sa malamig niyang ward sa MNA. May malambot na kama, radyo na pumapatay sa buryo niya at mga magasin na may mga litrato ng magagandang babae

