"B-bangs, tumalikod ka. K-kailangan kong t-tanggalin ang mga b-basang damit ko." Hindi ito kaagad sumunod na lalo pang tumitig sa kaniya. Pinaningkitan niya ito ng mata tapos ay tumalikod na rin. Paisa-isa niyang hinubad ang mga suot habang bantay-sarado ang mga mata sa ulo ng binata sakaling lumingon ito. Matapos mahubad ang lahat ng suot, piniga niya ang mga damit para mas madaling matuyo saka ipinatong sa ibabaw ng mga bato. Umupo siyang muli sa pwesto kanina habang yakap ang mga tuhod. Nanginginig pa rin ang katawan niya sa lamig. Liningon niya ang nobyo na nakatalikod pa rin sa kaniya. "H-hindi k-ka ba gi-giniginaw?" nanginginig niyang tanong rito. Umiling ito. "Bu-buti ka pa ang ti-tibay ng balat mo. Kailan kaya da-darating si K-kuya Dan? Na-nahirapan siguro sila d-dahil sa ula

