Dahan-dahan na nagmulat ng mga mata si Lesley nang magising sa mahinang pagtapik ni Bangs sa balikat niya. Agad niyang tinakpan ang hubad niyang katawan nang tuluyang magising ang diwa. "May parating," sabi nito tapos ay mabilis na tumayo saka kinuha ang mga damit niya at inabot sa kaniya. Nagkusa na itong tumalikod para makapagbihis siya agad tapos ay nagsuot na rin ito ng damit. Pinagpagan at piniga pa niya ng maigi ang kaniyang pang-itaas dahil medyo basa pa at malamig sa balat. "Baka sila Kuya Dan na yung parating," aniya tapos ay sabay silang naglakad papuntang bukanan ng kweba. Inalalayan siya nito dahil paika-ika siya at mabigat ang kaniyang pakiramdam. Ilang saglit pa ay may narinig silang kaluskos hanggang sa lumabas si Dan mula sa malalagong halaman hindi kalayuan. Kasunod ni

