"Sana huwag mong masamain, pero, may gusto sana akong itanong." "Ahm, ano po iyon?" Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Hindi lingid sa amin kung paano ka tratuhin ni Amanda. Kaya nagtataka ako kung bakit ganiyan pa rin ang turing mo sa kaniya." Ilang segundo siyang natulala rito bago nakapagsalita. "Ah..." Ngumiti siya tapos ay tumingala sa kalangitan na nababalot ng mga makikinang na bituin. Minsan na rin niya itong naitanong sa sarili. She have always wanted to please her. Kahit na masakit ito magsalita sa kaniya, ginagawa pa rin niya ang lahat para mapasaya ito. Bakit nga ba? "Si mama, madalas niya akong pinagmamalupitan," saad niya habang nakatingala pa rin sa kalangitan. "Hindi ko maintindihan noon kung bakit ganoon na lang niya ako tratuhin. Parang galit na galit s'ya sa akin

