Pagtatagpo

1923 Words
Fascinated siya sa pinapanuod ng anak nitong si Eli. Replays ng isang comedy show tampok si Sharon Cuneta at Jay Manalo na hindi niya alam kung ano title. Hindi naman kasi siya nakakanuod ng t.v. sa bahay dahil wala siyang sariling t.v. doon. Dagdag bayad lang yun sa konsumo ng kuryente at pampapuyat, naisip niya kaya di siya nagpundar. Isa pa sa klase ng trabaho niya sa mall, hindi advisable ang madaming gamit sa bahay dahil palipat-lipat sila ng location ng trabaho. Pwede siyang mareshuffle sa ibang branches anytime at dagdag pasakit ang magbuhat ng mabibigat na kagamitan sa paglipat ng titirhan. Tuwang-tuwa siya sa palabas nung umpisa pero kalaunan nakaramdam siya ng pagkabored at nakornihan na siya sa pinapanuod. Plus naiinitan na talaga siya. Warm-blooded pa naman siya kaya konting init lang para na siyang nilalagnat though hindi naman sumasama ang pakiramdam niya. Mainitin lang talaga siya. Napagpasyahan niyang itali ng gomang nadampot lang sa lapag ang mahaba niyang buhok na abot hanggang baiwang. Medyo nabawasan ang init sa batok niya. Dinalutdot na lang niya muli ang cell phone, tiningnan kung may bago bang nakakatuwang bagay sa news feed ng f*******:. Nakataas ang dalawang paa niya sa upuan, nakasandal sa sofa habang nakatuon ang atensyon sa hawak na cell phone at nasa ganoong posisyon siya ng mabungaran ni Kharlyn at ng isang lalaking singtaas ni John Pratts papasok ng pinto galing sa labas ng bahay. Nilingon niya saglit ang mga ito, ngumiti ng tipid kay Kharlyn at inignora ang presensya ng bagong dating. Pinagpatuloy lang niya ang ginagagawa. Pinalis lang niya ang mga paang nakataas sa sofa kahit papano nakaramdam naman siya ng hiya at inabutan siya ng mga ito na prenteng-prente sa pagkahilig sa upuan. "Roswald, si Emjiiiiiii ay este MJ pala. Ako lang may K tumawag sa kanya ng Emjiiiiiii kasi close kami." Si Kharlyn pinapakilala siya sa bagong dating. "MJ, si Roswald, friend ko." Baling naman nito sa kanya. Iniakma ni Roswald ang palad sa kanya. "Nice meeting you " anito na parang nataranta. O pakiramdam lang niya yun na nataranta ang lalaki. Di pa man kasi ito nakakapasok sa loob ng bahay. Nasa pintuan palang ay bigla itong napaayos ng gulong buhok ng makita siya. Kakatwa. "Ngayon lang ba ito nakakita ng magandang chicks," bulong ni MJ sa sarili. " Lakas ng kumpyansa mo sa sarili girl, " sawata naman ng kabilang panig ng isip niya. "Partida, pulbos lang yan. No make-up look ika nga." Hirit pa niya. Binatukan niya ang sarili sa isip. Puro kagagahan na naman ang naisip niya. Nandito nga pala siya to make friends. "Wag puro kabulastugan ang iniisip, MJ ahh!?" paalala niya sa sarili. Ngumiti siya at tinanggap ang palad ni Roswald. "Hi, same here po Kuya", bulalas niya. Obviously mas matanda ito sa kanya kaya automatic inaddress niya ng "Kuya". Mukhang tatlong taon ang age gap nila kung pagbabatayan ang physical appearance nito. Singtaas nga ito ni John Pratts. Sa taas niyang 5'5" mas matangkad siya dito for sure kung nakatayo siya. Nasa 5'3" siguro ang height nito. "Bawas pogi points," naisip niya. Mas malakas kasi ang dating sa kanya ng matatangkad na lalaki. Feeling niya safe and secured siya kasama ang mga ito, but then again naisip niya. "Oo nga't matangkad yung huling lalaking nakadate niya pero sinaktan lang siya di ba? Nasaan ang sinabi niyang safety and security dun?" Napasimangot siya sa pagbabalik ng alaala. Pinalis niya ang masamang isipin and she continued assessing the guy's physical appearance. Pasimple niya itong pinagmamasdan sa pagkakaupo sa dulo ng sofa'ng inuupuan niya. Nasa magkabila silang dulo ng mahabang upuan. Sakto lang ang distansya para mamasdan niya ito gamit ang peripheral vision. Kahit siguro masdan niya ito ng husto ay hindi na siya nito mapapansin dahil abala na din ito sa panunuod ng t.v. "O, ano ka ngayon? Gandang-ganda ka kasi agad sa sarili mo eh. Tingnan mo nga at hindi ka na pinansin", she mocks herself. Nabawasan ang umaapaw niyang confidence. Hawig ng lalaki si Paulo Avelino, isang aktor sa abs-cbn. Yun nga lang napansin niyang medyo manipis na ang buhok nito kumpara sa aktor. "Anong medyo manipis MJ! Napapanot na siya! Kaya ok lang kahit di ka niya pagtuunan ng pansin! " pang-bawi ng isip niya sa nabawasan niyang confidence. "Isa pa, look at his tummy. Walang bakas ng abs, girl!" Patuloy na panlalait ng maldita side niya na pilit binabangon ang nayurakan niyang confidence. May pagkachubby kasi ang lalaki. Huggable kumbaga. "Huggable ka dyan! Pwede kamong Teddy bear!" Sagot ng nagtatantrums niyang isip. Napangiti siya sa pagtatalo ng anghel at demonyo sa utak niya. Napagdiskitahan pa tuloy niya ang walang kamalay-malay na lalaki. Napasulyap naman ito sa kanya. Muntik na siyang mahuli sa pagkakatitig dito. Nagkunwari siyang may binabasang nakakatawa sa cell phone. Inalis din naman agad ng lalaki ang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung ikatutuwa niyang hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin nito ng mas matagal o maiinis dahil hindi nga siya pinapansin ng lalaki. "Emeged!! Expired na ba ang charms ko at ni hindi man lang ako chikahin ng mokong na ito!" High blood na ang utak niya. " Nasaan ba si ate Kharlyn at iniwan ako sa ermitanyong ito!" Hindi din nakalagpas sa mapanuri niyang nga mata ang balbas nitong hindi naman kakapalan. And there Kharlyn goes. Kunot-noong pumasok ito ng sala hawak ang cell phone na mukhang pinagmumulan ng pagkabadtrip nito. Inangatan niya ito ng kilay. Waring sinasabing, "Ano nangyari?" " Hindi daw makakapunta si Elaine, nag-out-of-town daw siya kasama ni Jude." Anito na kay Roswald nakatuon ang mata. Malakas ang pakiramdam niyang si Elaine ang rason kung bakit nagtungo doon si Roswald. Bumalatay sa mukha nito ang pagkadismaya. Pero bigla din namang nagbago at napangiti. "Sila pa din pala ng panget niyang boyfriend." Sabay tawa nito. "Ok lang yun, wala din kasi kong gagawin sa bahay. Nakakainip, kaya gumala ako dito." ani Roswald na nakangiti, nakatingin kay Kharlyn. Naisip niya kung kailan siya papansinin nito. Nakakainsulto na kasi sa p********e niyang halos tatlumpung minuto nang binabalewala lang at minsan lang tiningnan, saglit na saglit pa. She's not used to it. Kahit sabihin na single siya at walang boyfriend, hindi naman maipagkakaila na may angkin siyang ganda na pinupuri naman kahit ng mga katrabaho sa mall, maging sa labas ng trabaho. Sanay siyang nagsusuplada at hindi ang kabaliktadan na ginagawa ng lalaki sinasadya man nito o hindi. She clenched her teeth. "Haha! Oo, sila pa din ni Jude. Going strong sila. nakangiting anito. Pabayaan mo na nga. Kumain na tayo," anyaya nito sa kanilang dalawa. "Ano bang niluto mo? " Tanong ni Roswald. Tahimik lang siyang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Ngumingiti pag napapatingin sa kanya si Kharlyn. "Puro gulay niluto ko, Maundy Thursday kasi di ba? As respect lang sa inyong mga bisita ko kahit hindi ako Katoliko." Ani Kharlyn. Iglesia ni Christo kasi ang babae. "Parang gusto ko ng manok. May Baliwag lechon ba dito malapit sa inyo?" Si Roswald. "Ah, oo meron. Gusto mo? Halika bili tayo sa labas. MJ sumama ka." Aya ng babae. Nagpatianod siya sa gustong mangyari ng dalawa. Lumabas silang tatlo at naglakad para bumili ng manok na mukhang pinaglilihian ng lalaki. " Come to think of it, ang laki ng tiyan nito. Pasadong buntis. Nagdadalang kanin." Natawa sa sariling isip niya. Napansin niyang iginigiya siya sa gitna ni Kharlyn. Bale nasa pagitan siya ng mga ito habang patuloy sa pagkwekwentuhan tungkol sa mga dating kakilala at kaibigan ni Kharlyn sa Quezon City hall. Dun kasi ito dating nagtatrabaho bilang photocopy assistant. At batay sa mga pinag-uusapan ng mga ito mukhang sa City hall din kasalukuyang nagtatrabaho ang lalaki. Lumipat ng pwesto si Roswald. Nasa kanan na ito ni Kharlyn. At ang kaibigan na ang nakapagitna sa kanila. Napasimangot siya. " As if gusto kitang katabi at kabungguan ng siko!" Antipatiko, mayabang. Unanong bansot! Binabawi ko na! Hindi ka kamukha ni Paulo Avelino!" Naghuhumiyaw na tungayaw niya sa isip. Kung alam lang ng dalawa ang kanina pa niya ginagawang pag-iisip. Baka mapagtawanan siya sa kalokohan niya. Nag-order na ng litson manok sa Baliwag Lechon ang dalawa. Hinayaaan lang niya ang mga itong bumili ng hindi sinasabing allergic siya dito. Ang alam niya kasi nasabi na niya dati kay Kharlyn na allergic siya sa manok and there's no need telling a new acquaintance about it if she's not being asked. Isa pa mukhang nagcrave talaga ang lalaki dito, so why not let him eat what he wants to eat. May nilutong gulay naman sa bahay nila Kharlyn and she loves to eat vegetables anyways. "As if he would care if he knew that you have an allergy on it.", pagbara na naman niya sa sarili. Dinilatan niya ng mata ang sarili sa isip. Inaaway na naman niya ang sarili niya. Puro kalokohan ang alam. "So, siya ba yung ipapakilala mo sakin o yung si Lenie na sinasabi mong friend nyo din at partner ni MJ sa work?", muntik nang masamid sa pagkabigla si MJ sa biglaang tanong ni Roswald kay Kharlyn patungkol sa pakikipagkilala sa kanya. Diyata't may pauna ng introduction ang kaibigan niya tungkol sa kanya sa kaibigan nitong unanong-bansot-na-supladonggorilya-na-hindi-na-kamukha-ni-paulo-avelino!!! She takes note in her mind. Mamaya niya tatanungin ang babae tungkol sa pagbebentang nagaganap ng hindi siya nainformed man lang. Oo nga't pumayag siya na makipagkilala sa mga friends nito pero may deal sila na hindi siya magmumukhang desperada magkaroon ng lalaki sa buhay niya!!! "Ah, eh oo. Siya yun." Nakita niyang bahagyang napapikit si Kharlyn. Mukhang nakatunog ito na magtatanong siya once na nakauwi na si Roswald. Pinabayaan lang niya pansamantala. Hindi pa oras para sumingit sa usapan. Kahit na nagkulay makopa na ata ang buong mukha niya sa kahihiyan. Mestisahin pa naman siya kaya halatang-halata ang pamumula ng mga pisngi. Dagdag pang mukhang siya naman ang inaassess ng lalaki mula ulo hanggang paa. Taas-noong humalukipkip ang dalaga. Wala siyang dapat ipangamba o ikahiya. Matangkad siya, balingkinitan ang katawan, mestisahin, mahaba ang buhok, maganda siya alam niya yun. Madami siyang katangian na gugustuhin ng kahit sinong lalaking nasa matinong pag-iisip at hindi malabo ang paningin. "But then again, let's give the guy the benefits of the doubt. Baka malabo ang mata." Banat niya ulit. Dumaan ang ilang segundong katahimikan. Mata sa mata, walang kumukurap. "Daan tayo sa convenience store. Bili tayong soft drinks, or alak ang trip nyong inumin?", Basag ni Roswald sa katahimikan. Nag-aakusa ang tono. Pinaglipat ang tingin sa kanila ni Kharlyn. Ginawa pa siya nitong manginginom!! "Ah, nope, soft drinks will do." aniya pilit ang ngiti. "Soft drinks din ako. Grabe ka Roswald. Ikaw kaya itong makapag-aya ng inuman sa text!!" Salo ni Kharlyn. Nakabalik sila ng bahay ng kaibigan na halos ang dalawa lang ang nag-uusap. Pinabayaan lang niya magkwentuhan ang mga ito. Catching up for the old times kumbaga. Iniwan ulit sila ni Kharlyn. Malakas ang kutob niya na binibigyan sila ng oras nito na mapag-isa. Hoping for something to spark between two people who just met for a couple of hours. Naging maasikaso naman ang binata sa kanya habang kumakain. Nilagyan nito ng mga pagkain ang pinggan niya. Lalagyan din sana nito ng manok ang pinggan niya pero inawat niya. Kunot-noong napamaang ito. "Allergic ako sa chicken ." kiming salag niya sa kung anuman ang sasabihin nito. "Allergic ka sa chicken?! Hindi ba alam ni Kharlyn yun? Pambihira talaga yang kaibigan natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD