Ang Pagkikita
April 2, 2015
Tunog ng cell phone ang gumising kay Ma. Janella de Jesus, or MJ sa mga mas nakakakilala sa kanya.
Nakapikit ang isang mata na tiningnan ng dalaga kung sino ang nagtext at kung ano kailangan sa kanya ng nagtext gayung Huwebes Santo at plano lang niyang humilata lang maghapon sa kama, without even thinking what to eat kahit kumakalam na ang sikmura niyang kahapon pa huling nalamnan.
"Emjiiiiiii!!!!!! Anong oras ka pupunta sa bahay? Pwede after lunch na lang? Ang gulo kasi ng bahay, ang kalat ng mga bata. Hindi pa ko nakapaglinis. Saka after lunch din daw dadating yung iba." -Kharlyn
Napatapik sa noo si MJ. Oo nga pala, pupunta pala siya ng bahay ng kaibigan niyang si Kharlyn.
Si Kharlyn, isa sa mga piling malalapit na kaibigan niya. Nakilala lang niya ang single parent na kaibigan sa pinagtatrabahuhan niyang mall. Sa Fairview Terraces Ayala Mall kung saan magkatabi lang ang store na binabantayan nila. Nung una ilang siya sa babae, ganun talaga siya sa umpisa dagdag pa na mas matanda ito sa kanya ng ilang taon, feeling niya hindi sila magkakasundo pero nung lumaon close na close na sila at halos alam ang bawat agenda ng isa't-isa magkasama man sila o hindi. Basta laging updated sa whereabouts ng bawat isa. At dahil sobrang close na niya dito, masyadong concerned citizen si Kharlyn sa zero love life niya. Though alam naman nito ang reason kung bakit til now na 25 years old na siya eh running to be an old maid ang drama niya.
Nasa phase kasi siya ng healing, moving on kumbaga. Galing lang siya sa isang masakit na love affair na ewan din niya kung matatawag bang affair gayung hindi naman naging sila ng lalaking dahilan kung bakit siya nagmomove on mag-isa for several months now.
Yun din yung rason kung bakit binubuliglig siya ng mga kaibigan magboyfriend na at humanap ng ibang pag-uukulan ng pag-ibig. Lalo na si Kharlyn.
Ang kulit nito at paulit-ulit na inaaya siya at ipapakilala daw sa mga lalaking kaibigan nito. Which is super absurd on her beliefs nung una. Kasi hindi naman siya desperada magkanobyo. For her, 25 years is still a young age, walang dapat ipagmadali kasi baka masilat na naman siya at masaktan. But for her friends, ayun nga running to be an old maid nga ang tingin ng mga ito sa kanya. Kulang na lang iparaffle siya ng mga ito. Kaya ayun kakakulit-kakakulit napapayag din siya ni Kharlyn sa idea nitong ipakilala siya sa mga kaibigan nito mapa-babae man o lalaki para lang lumawak naman din daw ang circle of friends niya. Wala naman mawawala sa kanya, win-win situation kumbaga kaya napa-oo na din siya.
At ngayon ngang Maundy Thursday gaganapin ang isa sa mga inorganize ni Kharlyn na get-together ng mga friends nito including her sa bahay nito sa Fairlane, Quezon City. At nakalimutan niyang ngayon pala yun. Nawala na naman sa isip niyang puro trabaho at bitterness ang laman.
Naghihikab na bumangon ang dalaga. Kailangan na niya kumain, napagdesisyunan niya. At pagkaisip niya ng pagkain lalong nag-alburuto ang sikmura niya.
Dumiretso siya sa maliit na kusina ng inuupahan niyang bahay. Tiningnan kung ano ang pwede niyang almusalin. Napasimangot ng makitang puro instant noodles ang laman ng cupboard.
"Haist, noodles na naman?! I guess ikaw lang talaga ang natitirang loyal sa buhay ko." Pagkausap niya sa hawak na noodles na akala mo sasagutin siya nito. Sabay napangiti siya sa sarili niyang hugot line.
Nakakangiti na siya ngayon. Good thing. Nasaktan din talaga siya ng husto sa last affair niya. Ipinilig niya ang ulo wari bang pag ginawa niya yun ay mabubura sa alaala niya ang masakit na sandali ng buhay niya ilang buwan na ang nakaraan.
Niluto na niya ang noodles. Nagpakulo ng tubig para makapagtimpla din ng gatas. Oo, gatas nga. Sa edad niyang beinte-singko anyos ay para siyang bata na dumedede pa din ng gatas. Iniinom nga lang niya sa baso at hindi na nakatsupon, yun ang pagkakaiba. Hindi kasi siya pinapatulog ng kape. Kaya no choice, gatas ang lagi niyang iniinom pampainit ng sikmura.
Hinarap na muna niya ang cell phone. Binuksan ang f*******: account niya. Wala naman siyang particular na taong finafollow sa sss, random lang ang lumalabas sa news feed niya. Napangiwi siya ng makita ang post ng isang dating kaiskwela niya na very proud sa kaiingles, grammatically incorrect naman kadalasan o di kaya ay misspelled words ang nagagamit. Puro asoge din ata ang laman ng utak nito at pulos pagyayabang lang din naman ang alam ipost. Puro travel out-of-town, bagong gadgets at bagong loan na sasakyan. Kundi pa niya alam na lubog ito sa utang kung hindi lang nakilala ang matandang Hapon na kinabitan umano nito. In fact pinaretoke nga daw ng sugar daddy nito ang ilong niya na dating parang palipadan ng eroplano sa pagkaflat. Magtatype sana siya ng comment sa post nitong "b***h is my life" with matching photos na halos luwa na ang kaluluwa sa suot na bikini, background nito ang dagat. Nagbago ang isip niya. Sa halip inunfollow na lang ang profile nito para di na lang niya nakikita ang mga posts mula dito. Baka makikita pa siya ng kaaway, dagdag gulo lang sa magulo na niyang buhay.
Tumunog ng "click" ang heater. Kumulo na ang pinainit niyang tubig. Sa wakas makakapag-almusal na siya. Hindi kumpleto ang umaga niya kapag walang gatas. Feeling niya nanlalata siya. Sumimsim siya ng bahagya nito at nagsimula ng kainin din ang niluto niyang instant noodles. Wari ay sarap na sarap sa kinakain niya gayong halos araw-araw naman ay ganun ang nasa hapag-kainan. Naisip niya, buhay single.. Ganun talaga, tamad magluto ng totoong mga pagkain dahil mag-isa lang siyang nangungupahan sa isang maliit na bahay sa Quezon City. Nasa Bulacan kasi naninirahan ang pamilya niya. Ang parents niya at ang dalawang kapatid na lalaking mas nakababata sa kanya. May dalawa din siyang kapatid na babae na mas nakatatanda naman sa kanya. Yung isa nasa Bulacan din nakapag-asawa ng maaga at naninirahan ito hiwalay ng bahay sa parents nila kasama ang bayaw niya at pamangking lalaki na supling ng mga ito. Ilang barangay ang layo ng mga ito sa bahay ng parents nila. Ang isa naman niyang kapatid na dalaga din tulad niya ay sa Antipolo naninirahan dahil dun napaassign ng trabaho.
Kakaisip niya sa pamilya at kakabrowse sa f*******:, lumipas ang mga oras ng di niya namalayan. Pasado ala-una na pagtingin niya sa oras sa hawak na cell phone. Napangiwi ulit siya. Naging habit na niya yun kapag wala sa ayos ang pakiramdam niya. Hindi kasi niya alam kung tama ba ang desisyong pumunta sa bahay ng kaibigang si Kharlyn.
Tumayo na siya para iligpit at hugasan ang mga pinagkainan niya na kanina pa nakatengga kakabrowse niya sa f*******:.
No choice siya. Kailangan niyang pumunta sa bahay ng kaibigan or else magtatampo ito at ayaw naman niya yun mangyari. Sinalansan niya ng tama ang mga pinagkainan sa lagayan. Dinampot ang cell phone at nagtipa ng mensahe para sa kaibigan.
"Ok po, see you later ate Kharlyn. Sensya late reply. Maliligo lang po ako at goràbells na ko sa mansion mo.." nakangiting biro niya dito sabay pinindot ang send button.
Pumunta na siya sa kwarto at naglabas ng susuotin para mamaya. Kinuha ang nakasabit na tuwalya sa hanger at dumiretso sa banyo para maligo. Yes, she decided to go on with the flow. She's really going to Kharlyn's house later.
Alas tres ng hapon.
"Hello 'te?! Nasa FCM na ko, ano nga ulit yung sasakyan kong tricycle papunta sa mansion mo?" Pabirong aniya kay Kharlyn na nasa kabilang linya ng telepono.
"Jaguar St. Daang Malibu, sabihin mo sa driver. Abangan kita sa gate gaga ka. Maka-mansion ka naman. Tunog yayamanin naman ako dun!" ganting biro nito.
Sinunod niya ang direksyong sinabi ng kaibigan. Tinetext niya ito habang nasa byahe. Mukhang wala na naman signal ang phone nito kaya late ang mga reply. Tiningnan niya ang tinatahak na lugar. Mahirap na. Hindi niya kabisado ang paligid at wala din siyang tiwala sa itsura ng driver ng tricycle. Mukha kasing di papahuli ng buhay ang lalaki. Napangiti siya sa naisip niyang kalokohan.
"Miss,nasa dulo na tayo." hininto nito ang sasakyan.
Luminga siya sa paligid. Nabasa niya ang street sign na Jaguar St. Kaya napanatag siyang di siya pinaglololoko lang ng driver. "Kung dulo na ito, malamang nalampas ako kilala ate Kharlyn", aniya sa sarili.
"Manong, pakibalik po sa pinanggalingan natin." Utos niya sa lalaki. Umaasa siyang nasa labas na ng gate si Kharlyn at makita niya bagong pa man siya dalhin ng driver pabalik ng FCM.
Hindi naman siya nabigo sa pag-asang matanawan sa labas ang kaibigan. Ilang minuto palang at nakita na niya itong nakaabang sa labas ng isang gate na sa palagay niya ay tinitirhan nitong bahay.
"Manong, pakihinto po sa tapat nung babaeng nakaputi." At hininto nga nito ang sasakyan sa tapat ni Kharlyn.
Siningil siya ng trenta pesos ng lalaki. At nakangiti pang kumindat sa kanya bago umalis. Nakita naman ni Kharlyn ang kakatwang kinilos ng driver na umalis.
"Gag* si manong, m******s! May pakindat-kindat pang nalalaan. Magkano siningil sayo?" Tanong ni Kharlyn sa kanya habang iginigiya siya papasok ng bakuran.
"Trenta 'te. Naligaw ako ng konti eh napalampas." aniyang napakamot sa ulo.
"Tamo, over pricing pa siya. Disi-sais pesos lang dapat kahit magbalikan ka.." anito.
"Hayaan mo na 'te. Ang importante nakarating ako sayo ng maayos."
"Hay naku! Ikaw talaga pinaandar mo na naman yang pagiging rich kid mo. Halika na sa loob at mainit dito sa labas." anyaya nito.
Tama nga ito sa pagsabing mainit. Ramdam nga niya ang init maging sa loob mismo ng bahay nito. Naninikit ang puting T-shirt niya sa tagaktak ng pawis niya sa likod gayong nakatutok naman sa kanya ang bentilador. Good thing she didn't wear any make up. Pulbos lang at lip gloss kundi sa init ng panahong pang Semana Santa, malamang humulas na ang ganda niya kasama ng tagaktak ng pawis.
Ilang minuto na siyang nakaupo sa salas ng maalala niyang salimpusa nga pala siya supposedly sa get-together nito at ng mga matatalik na kaibigan nito pero ni isa wala siyang nakitang bisita. Ang tanging kasama lang niya sa salas ay ang dalawang anak nito na sina NC at Eli. Kunot-noong napatingin siya kay Kharlyn. At mukhang nabasa naman nito ang tanong niya kahit di pa man niya naisasatinig.
"Naku. Nagsipagcancel ang mga friends ko. Si Elaine daw at Roswald na lang ang magpupunta pero baka mamaya pa yun." salag agad nito sa itatanong palang niya.
Pinagkibit-balikat na lang niya yun. It's not like she's too excited to meet her friends. Ok lang naman sa kanya kahit si Kharlyn lang at mga anak nito ang makasama sa unang pagbisita niya sa bahay nito. Nakinuod na lang siya ng t.v. habang naghahain ito ng merienda sa coffee table. Biscuit at soft drinks.