Kanina pa nabubugnot ang dalaga sa walang tigil na pagpasok ng mensahe sa cellphone niya. Magmula ng sumikat ang araw ay panay ang tawag at pagpapadala ng mensahe na ka-klase ni Irene sa kanya. Ilang beses niya na itong sinabihan na hindi siya interesado ngunit sadyang presko ang lalaki at hindi tumatanggap ng pagkatalo. Ayos sana kung may maipagmamalaki ito ngunit wala! Lahat ng lumalabas sa bibig na kayabangan ay pinaghirapan ng magulang at proud na proud pa maging batugan sa kanilang tahanan. Kung andito lang sana si Yaji ay walang magtatangkang manggulo sa kanya at sana kung hindi bugaw ang kaibigan ay patuloy ang tahimik na buhay. “Sagutin mo na kaya, hindi iyan titigil hanggat hindi mo sinasagot ang tawag niya.” Payo ni Irenena kakapasok pa lamang ng bahay niya. “Kakarating mo pa

