Malinaw ang kalangitan at malamig ang paligid, walang nagbabadyang pag-ulan at ang lahat ay nasasabik sa pagdiriwang. Halos lahat ata ay dadalo sa hacienda,mapa bat ‘t matanda mas lalo na ang mga dalagitang nagbabakasaling mapansin ng tagapagmana. Suot ang palada na umaabot sa aking talampakan at ang simpleng puting shirt na pang-itaas ay tumingin ako sa salamin upang ayusin ang pagkakapusod ng may kahabaan na buhok.
“Leng, bilisan mo naman sa pagkilos. Kanina pa nag-umpisa ang kasiyahan at kanina ka pa nag-aayos.” Irritableng ani Irene habang masama ang tingin sa akin.
“Mauna ka na kaya?” Sa totoo lang ay ayaw ko naman talaga sumama ngayong gabi. Marami pa ‘kong gagawin at kailangan tapusin pero ang isang ito ay hindi makapunta mag-isa kahit andoon naman ang kanyang mga magulang.
“Kung hindi pa kita pinuntahan dito ay hindi ka pa mag-aayos kaya alam ko na hindi ka susunod kung mauuna ‘ko.” tumitirik ang kanyang mga mata na usal.
Pilit na lang akong ngumiti at di na nakuha pang sumagot. Wala na din naman akong magagawa, hindi siya aalis dito hanggang hindi niya ‘ko kasama at saktong wala pa ‘kong nilulutong hapunan. Matapos mag-ayos ay dumiretso na kami sa Hacienda.
Malayo pa lamang ay dinig na ang malakas na tugtugin, ang mga tawanan at nagkakasiyahan sa loob nito. Sa pagpasok namin, ang pwesto kaagad ng pagkain ang hinanap ng aking paningin. Ilang litson ang naroon, iba ‘t ibang putahe ng manok at baboy, at mga dessert na minsan lang makita sa kasiyahan.
“Saan ka pupunta?” pigil ni Irene na di mapakali ang tingin. “Hanapin na muna natin ang ang dahilan ng kasiyahan na ‘to at magpasalamat.” Suway niya.
“Sa dami ng tao na andito ay sa tingin mo makikita mo siya?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya.
Ang daming pasikot-sikot dito sa hacienda, ang dami din mga bisita na siguradong pagkakaguluhan ang haciendero na ‘yon. At hindi naman siya ang pinunta ko dito kundi ang mga pagkain at magpakabusog buong gabi.
“Kahit na.” usal niya bago hinila ako papalayo sa pwesto ng mga litson.
Malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko, nanakit na din ang paa ko sa kakalakad at hindi pa din namin makita ang hinahanp niya. Kaya laking pasasalamat ng bitawan at hayaan niya na ‘ko matapos ang kalahating oras na pag-ikot sa maraming tao.
Tahimik lang ako sa gilid habang tinitignan ang paligid, lahat ay nagkakasiyahan at tila walang problema. Hindi lingid sa kanilang kaalaman, ang lalaking kanilang pinagdiriwang ay ang anak ng negosyanteng maglalagay sa kanila sa kahirapan.
“Masarap ba ang mga handa?” isang pamilyar na baritonong boses ang nagsalita sa tabi ko.
Hindi ako nagtaas ng tingin at patuloy lang sa pagkain. Kailangan kong sulitin ang gabi na ‘to, minsan lang ito mangyari at minsan lang magkaroon ng malaking handaan na katulad nito.
“Kanina pa kita hinahanap, akala ko ay hindi ka na talaga dadalo ngayong gabi. Marami akong nakilala pero ikaw ang kanina ko pa hinahanap-hanap at gustong mas makilala.” Hindi ko man siya tignan ay alam ko na kung sino ang lalaking ‘to, sa landi ng kanyang linyahan ay siguradong makikilala kaagad ang isang ito.
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang wala ng laman na platong hawak bago nagpunta sa mahabang mesa para kumuha ng panibago. Ramdam ko ang kanyang pagsunod pero mas ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa aming pwesto.
“Ano ba ang ginagawa mo?!” inis na bulyaw ko sa kanya pero isang matamis na ngiti sa labi ang pinakita niya.
“Sa wakas ay nilingon mo na rin ako. Gusto kita makilala at gusto ko din maayos na magpakilala—“ hindi natapos ang sasabihin nito ng may matandang lumapit sa aming pwesto. Isa ito sa namamahala ng trabahador na nagtratrabaho sa Hacienda.
“Maraming salamat sa gabi na ‘to! Minsan lang magtipon-tipon ang mga tao ng ganitong kalaki at dahil sa iyo ang lahat ng ito.” Lasing na usal nito habang nakaakbay sa lalaki.
Habang abala siya atensyon ng lahat ay tumalikkod na ‘ko at lumayo sa kanya. Halata naman sa kanya na gustong-gusto niya ng atensyon ng l;ahat at kung gaano siya pasalamatan ng lahat ngayon ko lang napagtanto kung para saan talaga ang kasiyahan na ‘to.
Iyon ang magkaroon siya ng pangalan sa lahat at magkaroon ng kapangyahrihan sa lugar na ‘to. Kung tama nga ang hinala ‘ko na ito ay hindi niya ‘ko mapapasunod sa kanyang mga gusto, kahit gamitin niya apa ang lahat ng pera niya ay hinding-hindi niya ‘ko mabibili.
“Leng, kanina pa kita hinahanap!” sigaw ni Irene bago sinukbit ang kamay sa akin. “Hindi mo sinabi na kilala mo ang anak ng may-ari ng hacienda na ito. Paano kayo nagkakilala?”
“Sa hindi magandang paraan.” Maigsing sagot pero sapat na para malaman niyang ayaw ko ng pag-usapan pa. Hindi lang isang malandi kundi ubod din ng hambog ang gag*.
Kaya simula ng makita ko siya ay hindi na mapigilan ang pag-init ng aking ulo. Isa siya sa mga taong nagbibigay problema sa magsasaka ngayon at nagpapauso ng bagong teknolohiya sa lugar na ‘to. At ginawa pa ‘tong malaking kasiyahan na ‘to para sa pagpapabango sa mga tao.
Kung maari lang na hindi na magtagpo ang landas namin pero alam kong impossible dahil kulang na lang ay sambahin siya ng iba. Ganon pagmataas at maraming salapi sa bulsa, mabilis na napapasunod ang iba. Iyon nga lang malas niya dahil hindi sa akin umuobra.
Naagaw ang atensyon ko ng magpalakpakan ang lahat, tumayo ang lalaking iyon sa maliit na entablado at kahit saan tignan ay kumikinang ang kanyang itsura. Kitang anak mayaman na di nakaranas ng kaunting hirap mas lalo na ang kanyang balat.
“Maraming salamat sa inyong pagdalo sa aking paanyaya, alam kong pagod kayo sa trabaho pero nagkaroon pa kayo ng oras para salubungin ako. karamihan sa andito ngayon ay nagtratrabaho at minsan ng nagtrabaho sa Hacienda na ‘to, ang lahat ng ito ay para sa inyo bilang pagpapasalamat sa pag-aalaga ng lugar na ‘to. Bukas na ang entablado sa nais umidak, ang mahabang mesa para sa kumakalam na sikmura, at ang mga alak na gustong makalimot sa lahat. Muli, maraming salamat sa inyong pagdalo, mas lalo na sa isang dalagitang inaabangan ko magmula kanina.” malakas na nagpalakpakan ang lahat na sinigawan ng tilian ngunit ang kababaihan ay tila pinagsakluban ng langit at lupa.
Kahit sa taas ng entablado ay puno ng panlalandi ang kanyang sinasabi, hindiman ako sigurado kung sino ang kanyang tinitukoy pero kung ako ‘yon ay mas lalo siyang kaayawan. Nagsasanto-santo para makakuha ng simpatya ng tao, gumagamit ng salapi upang makuha ang tiwala ‘t mga luho mkula sa iba.
Ano pa nga ba ang dapat asahan sa lalaking katulad niya na mukhang lumaki sa luho. Tumayo na ‘ko sa aking pwesto at tinapik ang balikat ni Irene na ngayon ay nakikipag-usap sa ibang mga bisita.
“Bakit basa ang damit mo?” tanong ko sa kanya ng mapansin ang basang parte nito. “Uuwi na ‘ko, tapos na ang pakay ko dito at may naiwan pa ‘kong trabaho. Magpapadala na lang ako sa iyo ng mensahe kung nakauwi na ‘ko.” aniko.
“Samahan na kita.” Suhestiyon nito. Agad akong umiling at marahan na tinulak siya papaupo, “minsan lang kayo magkita ng mga kaibigan mo kaya sulitin mo na ang pagakakataon na ‘to. Kaya ko ang sarili ko, hindi na ‘ko bata para samahan pa.” dagdag ko pa.
Nagdadalawang isip siyang tumango bago tumingin sa kanyang mga kaibigan. Sandali siyang yumakap sa akin kasabay ng mamayani ang amoy ng gaas sa aking ilong. Sandali kong nilingon ang paligid at mukhang ako lang ang nakapansin.
“Pasensya na, dumikit ata sa iyo ang basa ng damit ko.” paghinging paumanhin nito at doon ko lang na pansin na dumikit nga ‘to sa aking damit.
“Ayos lang.” sagot ko at muli ng nagpaalam.
Nagpaalam na din ako sa mayordoma at nagpasalamat sa paanyaya. Hindi na ‘ko lumapit sa lalaking gumastos ng lahat ng ito dahil puro kalandian lang naman ang sasabihin nito. Tahimik akong lumabas ng hacienda, habang naglalakad ay pansin ko ang iilang magsasaka na naninigarilyo sa di kalayuan at ang karimahan ay nasa loob at nagkakasiyahan.
Sandali akong huminto sa gilid ng mataas ng gate kung saan dinig ang malakas na musika mula sa loob. Nasobrahan ata ako sa pagkain at mukhang magkakaroon ng impasto sa halo-halong kinain ko. Mag-isa akong nagpapababa ng kinain, nagmumuni-muni habang dinarama ang mabagal na tugtugin at malakas na hangin, sinabayan ng kulisap na malayang lumilipad at nagbibigay liwanag sa dilim.
Ilang saglit ay isang malakas na pagsabog ang aking narinig, ramdam ko sa aking kinauupuan ang pagyanig ng lupa at malaking pagtupok ng apoy mula sa kalayuan.
“A-ano ‘yon?!” halos hindi ko na marinig pa ang sariling sinabi ng malakas na sigawan sa loob ang namayani.
Lahat ay nagtatakbuhan papalabas, may ibang na dapa ‘t nasugatan dahil sa pagtutulukan ng mga nag-uunahan sa paglabas ng Hacienda. Ang mga bata at ibang dalagita ay nag-iiyakan, ang mga kalalakihan ay buong loob na nagpunta sa pinagmulan ng sunog, at ako ay hindi makagalaw sa aking pwesto.
Sunod-sunod na pagpasok ng larawan sa aking isipan. Malakas na pagsabog, sunog, saklolo at iyakan ng mga tao. Unti-unting nanghina ang aking mga tuhod, unti-unting nanlabo ang aking paningin bago binanggit ang isang panggalan.
“Irene!” buong lakas na tawag ko sa kaibigan at nag-iisang pamilya na aking itinuring.
“Rae!” Bago pa ‘ko tuluyan na mandilim ang aking paningin ay isang malakas na boses ang tumawag sa akin.
Isang bulto ng lalaki ang tumatakbo papalapit sa akin at sa tuluyan na pagkawala ng aking malay ay ramdam ang malamig na bisig na sumalo sa aking katawan. “Irene.”