Sa pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame ang agad na bumungad, ramdam ang pananakit ng aking ulo, at panghihina ng buong katawan. Nang ilibot ang tingin ay napagtanto na nasa loob ako ng isang hindi pamilyar na kwarto at isang lalaki ang prenteng nakaupo sa gilid, nagbabasa ng libro habang nakakrus ang mga hita ‘t sumisimsim ng alak sa kupita.
“Gising ka na,” usal niya bago ibinababa ang librong binabasa. Mula liwanag ng buwan na pumapasok sa salamin na bintana ay naaninag ko ang kanyang mukha. Siya ang haciendero, ang tapagmana ng buong Hacienda Nevalga, si Yaji.
“A-ano ang nangyari? Ano ang ginagawa ko dito?” sunod-sunod kong tanong bago bumangon sa pagkakahiga. Ang huling naalala ko ay malakas na pagsabog mula sa sakahan ng Nevalga, ang mga taong nagsisigawan at nararanta, kasabay ng paglabas ng iba’t ibang larawan sa aking isipan at pagkawala ng malay.
“Nasa loob ka ng Hacienda, matapos mong mawalan ng malay ay dinala kita dito upang maipasuri. Bigla ka na lamang nawalan ng malay sa gitna ng nagkakagulong mga bisita, sabi ng doctor ay nabigla ka sa nangyaring pagsabog at dala na din ng pagod. Ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?” paliwanag niya bago naupo sa gilid ng kama at hindi inaalis ang tingin sa akin. “Sandali, ipapatawag ko ang—”
“Maayos ang pakiramdam ko, hindi na kailangan ng doctor.” Putol ko sa sinasabi niya. Pilit na inaabot ang tubig ng kunin niya ‘to at ibinigay saa akin. “Salamat. Kamusta ang ibang mga magsasaka? Wala bang na saktan sa aksidente?” tanong ko.
“Sa kabutihang palad ay walang ibang na saktan sa mga bisita pero malaking parte ng sakahan ang nasira ‘t nasunog dahil sa aksidente. Sa ngayon ay inaalam pa ng imbistigador ang pinagmulan ng sunod,” seryoso ang kanyang boses, ibang-iba sa lalaking may pilyong ngiti na dalawang beses kong nakita.
“Mabuti naman kung ganon.” Tugon ko. Akmang tatayo na ‘ko sa aking pwesto upang umuwi ng pigilan niya ang aking braso. “Bakit?”
“Dumidito ka na muna. Madaling araw na, wala ng tao sa labas, at masyado ng delikado para sa isang babaeng katulad mo na maglakad pa sa kalsada.” Aniya.
Nang tignan ko ang orasan sa tabi ng kama ay doon ko lang na pagtanto ang oras. Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa aking braaso at muling na upo sa kama. “Bakit hindi mo pa ‘ko diniretso sa bahay at dito mo pa ‘ko dinala?”
Hindi niya ‘ko sinagot bagkus ay pinakita niya ang pilyong ngiti sa kanyang labi. Agad na nagbago ang ekspresyon ko at binalot ang katawan sa kumot. “H-huwag kang lalapit!” sigaw ko.
Umarte siyang walang narinig, patuloy itong lumapit sa akin na hindi mawala ang pilyong ngiti sa kanyang labi. “A-ano ba ang ginagawa mo?!” panay ang atras papalayo sa kanya.
Hindi lang pala malandi ‘t hambog ang isang ito, manyakis din! Naramdaman ko ang paglapat ng aking likod sa kaduluduluhan ng aking pag-atras, mas inilalapit niya ang kanyang katawan hanggang sa ilang bulgada na lamang ang layo namin sa isa ‘t isa.
“L-lumayo ka nga!” sabay malakas na tulak sa kanya ngunit walang epekto sa tibay ng kanyang katawan.
Sandali siyang huminto, nagtama ang aming mga mata. Ilang segudo kaming nagtitigan, nanlalambot na din ang aking tuhod sa lapit namin, ng alalayan niya ang bewang ko, “A-ano ba.” pabulong kong usal.
Hindi na ‘ko mapakali, sobrang lakas na din ng kabok ng aking dibdib. Nang biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagliwanag sa buong kwarto. “Ay jusko! Pasensya na po, sir!” gulantang na sigaw ng mayordoma.
Buong lakas ko siyang tinulak papalayo at tumalon sa kama ‘t nagtalukbong. Dinig ko ang kanyang pagtawa, sandali na kinausap ang mayordoma at nagpaliwanag sa nakita, maya-maya lang ay muli ng sumara ang pinto.
Ilang minuto ako na nasa ganon na posisyon, upang masigurado na wala na siya sa loob ng kwarto. Marahan kong sinilip ang kwarto, wala na siya sa pinto ng magsalita siya pwesto nito kanina. “Huwag ka na magtagpo, nakaalis na si manang.”
“Ay kalabaw!” napatalon ako sa gulat. Narinig ko muli ang kanyang pagtawa kaya masamang tingin ang agad kong binaling.
“Takot kang mahalikan pero tumalon ka sa kama, hindi mo na isip na mas madaling gawin ang bagay sa itaas ng malambot na higaan?” pilyo niyang ngiti saka umiling. “Don’t worry. Wala akong balak na gawin ang bagay na ‘yon kahit ikaw pa ang tipo ko. Gusto ko lang makita ng malapitan ang mata mo at masigurado kung tama nga ang nakikita ko na kulay nito.” paliwanag niya.
Muli siyang sumimsim ng alak bago inayos ang libro na binabasa nito kanina. “Kanina, kalahating oras bago ang pagsabog ay umalis ka sa kasiyahan. Wala ka bang ibang nakita na kahina-hinala?” sumeryoso ang kanyang tinig at tingin.
Umiling ako. “Ilang magsasaka ang naninigarilyo sa hindi kalayuan ng pagsabog, bukod doon ay wala na ‘kong ibang nakita na kahinahinala.” Tugon ko. Hindi ko alam kung may ano sa seryoso niyang boses para sagutin ko at maging seryoso.
Pansin ko ang pagbabago ng kanyang ugali, ang pagiging pilyo at seryoso pero bakit pakiramdam ko mas gugustuhin ko pa ang unang na banggit kesa sa kaharap ko ngayon.
Tumango siya bago tumayo sa kanyang pwesto ‘t lumapit sa akin, seryosong nakatingin sa mata. “Sana ay hindi tama ang aking hinala.” Bulong nito bago ginulo ang aking buhok at muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
“Magpahinga ka na, bukas ay pupunta ang doktor upang suriin ang kalayan mo at ihahatid na kita sa inyo.” Aniya.
Hindi ako makapagsalita at tumango na lamang sa kanya. Tumalikod siya at lumabas ng kwarto. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago binagsak ang sarili sa hinihigaan. Namamahay ang aking katawan ngunit sa hindi malaman na dahilan ay mabilis akong nakatulog sa malambot na higaan.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay gising na ang aking diwa katulad ng araw-araw na nakasanayan. Sa paglabas ng kwarto, inilibot ko ang aking tingin at walang nakita kahit anino ni Yaji. Gusto ko na umalis at makatakas sa kanya.
“Hija, magpunta ka na sa hapag at hinihintay ka na ni Sir Yaji.” Usal ng mayordom ana may kakaibang tingin sa akin.
“Ah, sige po, salamat.” Pasasalamat ko kahit wala akong balak na magpunta.
Dumiretso ako sa pinto papalabas pero bago ko pa ito mabuksan ay may brasong humarang sa aking daraanan. “Saan ka magpupunta? Hindi ba’t sinabi sa iyo ni manang na sabay tayo mag-uumagahan, at darating pa ang—”
“Hindi ko na kailangan ng doctor, ayos na ang pakiramdam ko. At huwag ka nga umastang malapit tayo sa isa’t isa.” aniko.
Sabi ko nga, hindi na naman siya nakikinig sa sinasabi ko at nakatitig lang sa akin. “Mas maganda pala ang mga mata mo tuwing maliwanag.” Puri niya na ikinatigil ko. Napangiti siya ng mapansin niya iyon kaya dali-dali akong umiwas tingin at buong pwersa na tinulak siya.
Dinig ko ang kanyang pagtawa pero hindi ko na siya nilingon pa. Habang nasa daan papalabas ng lupain ng mga Nevalga ay hindi maalis ang aking tingin sa parte na pinagmulan ng pagsabog. Sobrang lawak ng naapektuhan ng sunog, ilang sako ng palay din ang na sayang.
“Bakit po walang nagsasaka ng palay ngayong araw?” tanong ko sa hardinero. Sa ganitong oras ay marami ng tao upang magsaka pero wala akog makita ni isa sa mga ito sa kalayuan ng hacienda.
“Pansamantalang pinatigil ang pagsasaka dahil sa nangyari. Bukas pa muli ipagpapatuloy, ilang imbistagador na din ang nagpunta upang kumuha ng mga ebidensya pero sa hinala ko ay sinadya ang pagsabog kagabi. Iyon nga lang ay mahirap itukoy kung sino dahil sa dami ng tao na labas-pasok dito ng nangyari iyon.” Kwento ng matanda na malayo din ang tingin.
Sinadya. Iyon din ang sa tingin ko na nangyari pero sino? Mabubuti ang loob ng mga tao sa probinsya na sa lugar na ‘to, walang may kayang gumawa non maas lalo na ‘t maaring maraming buhay ang madamay dahil sa pagsabog na ‘yon.
“G-ganon po ba? Sana po ay mahuli na kaagad nila.” Usal ko tsaka magalang na nagpaalam.
Maaliwalas ang buong paligid katulad ng nakasanayan ‘yon nga lang ang mga tao ay kanya-kanyang tumpukan sa kanilang mga pwesto upang magchismisan. Nang papalapit na ‘ko sa bahay ay pansin ko ang tatlong bulto ng tao sa harap ng aking pintuan, si Irene at ang mga magulang nito.
“Leng! Saan ka ba nanggaling?!” nag-aalalang usal ni Aling Merna bago dali-daling lumapit sa akin. “Akala namin ay napaano ka na, matapos ang sunod ay hindi ka na namin nakita. Saan ka ba nagpunta ha? At buong gabi ka hindi umuwi ng iyong bahay.”
“Pasensya na po kung napag-aalala ko kayo.” Paghingi ko ng paumanhin. Mas mabuti ng hindi sabihin sa kanila kung saan ako nagpalipas ng magdamag dahil baka kumalat lang at maging chismis ng bayan.
“Hindi ka ba na saktan?” tanong ni Mang Arturo.
Umiling ako. “Hindi po, Mang Arturo. Malayo po ‘ko sa pinangyarihan ng sunog.” Tugon ko.
Nakahinga sila ng maluwag matapos marinig ang paliwanag at ilang kasinungalingan na ginawa ko. Samantala, si Irene ay nakasunod sa akin hanggang sa makapaasok kami sa loob ng bahay.
“Alam ko na nagsisinungaling ka, hindi ka nagpunta sa lugar na sinabi mo kanina, dahil na saksihan ko,” Seryoso ang boses at tingin nito.
“H-hahah. Ano ba iyang pinagsasabi mo?” pilit akong tumawa ngunit hindi iyon umubra sa kanya.
“na buhat ka niya papasok sa loob ng” sandali itong tumigil bago mas lumapit sa ‘kin.
“Hacienda.” Bulong niya. At tuluyang nagpawala ng pekeng ngiti sa akin labi.