Chapter 5: Bwisita

3387 Words
“Leng, nakita ko na ang lahat kagabi kaya hindi mo na kailangan magsinungaling at sabihin na lang ang totoo sa akin.” Pangungumbinsi ni Irene na seryoso pa rin at ang dalaga ay hindi makatingin. “Hayst.” walang magawa na buntong hininga ng dalaga bago tumingin sa paligid. “Huwag na huwag mong sasbaihin ang nakita mo kahit kanino, panatalihin mo na sa ating dalawa lang ang nakita mo.” Pag-amin niya. Wala na siyang magagawa kundi ang umamin. Alam niya ang pag-uugali ni Irene, hindi ito titigil hangga’t hindi nalalaman ang bagay na gustong alamin at sa lahat ng tao ay ito ang mas nakakakilala sa kanya kaya’t kahit anong pagtanggi niya ay malalaman nito. Nawala ang seryosong mukha, napalitan ng nang-aasar na ngiti at naunudyong tinutusok-tusok ang tagiliran ng dalaga. “Ikaw ah, may mga bagay pala na hindi sinasabi sa akin ah. May paayaw-ayaw ka pang nalalaman na hindi magpupunta pero—” “Huwag advance ang utak mo, Irene. Hindi ko siya kilala, ilang beses ko lang siyang nakita bago ang kasiyahan na iyon, wala nga akong ideya na siya ang anak ng may-ari ng Hacienda na iyon.” Basta ang alam ko lang ay malandi ang lalaki na iyon at gulo lang ang maidudulot sa buhay. “Huwag mo nga ‘kong pinagloloko. Kung ilang beses pa lang kayong nagkita, bakit dinala ka na niya sa Hacienda? Marami ang nakakakilala sa iyo na dumalo kagabi pero hindi ka niya inuwi at pinanatili pa sa bahay nila o baka nama—” napataup-op ng labi si Irene, hindi makapaniwala sa kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip. “Hindi! Impossible. Sobrang impossible talaga!” pangungumbinsi nito sa sarili. “Impossible talaga.” walang emosyon na segunda ng dalaga. “Walang nangyari. Nang magising ako ay dumiretso na ako rito. Huwag mong palawigin ang imahinasyon mo sa bagay na ito, hindi lahat ng babae katulad ng nababasa mo.” Hindi ako madaling makuha ng isang lalaki na ngiti palang ay kitang manloloko na. Tinalikuran niya ang kaibigan, iniwan na nag-iisa at pumasok sa loob ng tahanan, hindi nag-abalang buksan ilaw at basta na lamang nahiga sa higaan. Hindi ko talaga malaman kung ano ang problema ng lalaki na iyon sa akin. Sa dinamirami ng babae rito sa Baryo Macapagal ay ako pa talaga ang naisip niyang asarin at kulitin. Isa pa sa problema si Irene, hindi iyon titigil hanggat hindi nalalaman ang gustong alamin. “Ang tahimik ng buhay ko, bakit sa akin niyo pa siya pinalapit?” reklamo ng dalaga. Ilang saglit matapos ipikit ang mga mata ay bigla itong napabangon, nanlalaki ang mga mata at sinukob ng takot. Hindi lang si Irene ang nakakita sa amin kundi pati na rin ang mayordoma ng Hacienda. Paano ko siya muling haharapin kung nakita niya ang hindi kaaya-ayang posisyon namin? Siguradong kung ano-ano ang iniisip nito. “Aish! Nakakainis talaga ang pesteng lalaki na iyon!” Inis na sigaw at pinagsisipa ang mga unan. Nagtaklob ng sarali, isinisigaw ang lahat ng inis sa ilalim ng unan. Hindi sanay ang katawan na walang ginagawa, naging masarap ang pahinga niya sa Hacienda Nevalga at hindi nakaramdam ng antok. Binuksan ng dalaga ang lahat ng bintana, pinalalabas ang hangin at mapalitan ang hangin sa tahanan ngunit ibang hangin ang dumating—mali, isang mahangin na nilalang na para bang may ipo-ipong dala ang ngiti at dinaig pa ang mahal na mayor sa pagkaway sa mga taong nakasasalubong. “Sir Yaji, ano po ‘t napadayo kayo sa lugar namin?” magalang na bungad ng mga magsasaka na pinalilubutan ang binata. “Nalaman na ba kung sino ang salarin ng malaking pagsabog kagabi?” “Matatagalan pa malaman kung sino ang may pakana. Sa ngayon ay ipagpasalamat na lamang na walang namatay at sobrang na saktan sa pangyayari.” umiiling na tugon na nilibot ang tingin sa paligid. “May nakapagsabi po sa akin na dito nakatira si Myle Rae.” pag-iiba nito ng usapan. “Ah, oo, doon siya nakatira.” itinuro ng magsasaka na sinundan ng tingin ng binata at saktong pagtama ng kanilang mga mata. “Mag-isa lang siya sa kanyang tinitirhan magmula ng inabando na ng kanyang mga magulang.” kwento ng madaldal na magsasaka. “Marami hong salamat.” Baling ng binata na hindi pinapansin ang huling sinabi. Nagpaalam at dali-daling naglakad papunta sa bahay. Samantala, si Myle ay walang sabi-sabi na muling sinara ang tahanan, kahihiling niya pa lamang na ilayo sa lalaking ito ngunit ngayon ay nasa harapan niya na naman. “Sandali lang, Rae!” Hinarang ng binata ang braso sa bintana na papasara pa lang. “Hindi ka ba talaga natutuwa na makita ang isang gwapong katulad ko ngayong araw na ito?” Inirapan ni Myle ang binata na dinaig pa ang buhawi sa kahanginan sa katawan. “Hindi. At mas ikatutuwa ko pa kung hindi ka makita o makausap.” Inayos niya ang pagkakabukas ng binta. Walang rason para isara niya pa ito, nakita niya na ang lalaki at wala ng igaganda pa ang araw niya. “Impossible.” Hindi makapaniwalang sabi at hinawakan ang mukha na nasobrahan sa kojic. “Sino ba naman ang makatatanggi sa gwapo kong mukha. Sigurado na ang mga dalaga na nakasalubong at nakausap ko kanina ay buo na ang araw ng masilayan ang maganda kong mukha.” Kailan ba siya makabubuo ng pangungusap na hindi nagdadala ng sarili niyang bangko? “Hindi impossible.” pagtatapos ng dalaga sa pangangarap nito. “Ako. Hindi ako natutuwang makita ang mukha pero may paraan para mapaganda mo ang araw ko.” may ngiting pagbibigay ng pag-asa sa binata. “Ano?” umaasa na tanong ng binata, “Sabihin mo sa akin kung ano ang magagawa ko para mapaganda ang araw mo at gagawin ko.” Malaki ang ngiti, may pagpapa-cute pang nalalaman ang loko. “Sigurado ka?” tumango-tango ang binata, hindi makapaghintay sa sasabihin ng dalaga. Malaki ang tiwala niya sa sarili, sa gandang lalaki niya ay impossibleng may aayaw na makita ang maganda niyang mukha. “Umalis ka sa harapan ko, huwag ka muling magpapakita o makipapag-usap sa akin.” sarkastikong ngumiti si Myle. “Sa ganong paraan ay mabubuo mo ng masaya ang araw ko.” Inaasahan na babagsak ang balikat ng binata ngunit lalo lamang lumaki ang ngiti nito sa labi na kinaasar niya. “Maliban sa bagay na iyan, Rae.” kumikindat nitong usal at mahinang tumawa. “Pwera biro, andito ako para kausapin ka sa importanteng bagay. Hindi mo ba ako papasukin sa bahay mo, marami na ang nakatingin sa atin na siguradong kakalat sa buong baryo.” Inilibot ni Myle ang paligid, marami na nga ang nakatingin sa kanila at kahit si Irene ay nanlalaki ang mata na ngingiti-ngiti sa labas ng bahay nila. “Para naman may pakealam sa iyo ang mga tao sa buong baryo. Sabihin mo na kung ano ang gusto mo sabihin, walang kahit sino ang pwedeng makapasok sa bahay ko.” walang pakialam na usal ng dalaga. Sa pagkakatanda ko ay wala naman kaming kailangan pag-usapan, bukod sa ilang beses namin na pagkikita ay panay pa iyon pagtatalo at away. “Ano pa ang hinihintay mo, sabihin mo na ang kailangan mong sabihin.” pagmamadali ng dalaga. “Kung ayaw mo ‘kong papasukin sa bahay mo ay makabubuting maghanap tayo ng lugar na walang tao. Hindi nila maaring malaman ang sasabihin ko, mas lalo na’t hindi ko alam kung sino nga ba ang may pakana ng lahat ng ito.” seryoso ang boses, walang kahit anong panlalanding tono ang maririnig dito habang sinisigaw ng mga tingin ang kapangyarihan. “Hindi na kailang, pumasok ka na.” inirapan ni Myle ang binata saka umalis at binuksan ang pinto ng bahay. Hindi maintindihan, napasusunod siya ng binata sa seryosong boses. “Hindi kasing laki ng masyon niyo ang bahay ko kaya pagpasensyahan mo na. Maupo ka, ikukuha kita ng maiinom.” “Maliit nga.” pagsang-ayon pa nito sa sinabi niya saka nag-umpisang maglibot sa loob. Huminto sa mga iginuhit na desenyo ng mga damit, sa gilid ay ang makinang ginagamit at mannequin na may suot na hindi pa natatapos na damit. Hinayaan niya ito sa ginagawa, kumuha ng maiinom at bumalik sa pwesto ng binata. “Hindi ako mabait at mas lalong hindi ako magalang sa mga katulad mo. Maupo ka na rito, sabihin ang gusto mong sabihin ng matapos na ito.” Nang makaalis na rin ang mga marites sa dingding ng bahay na pilit pinakikinggan ang nagaganap sa loob. “Ang ganda ng mga desenyo, hindi halatang ikaw ang gumawa’t gumuhit ng mga ito.” mapanghusga na tinignan mula ulo hanggang paa ang dalaga, sinusuri ang kasuotan nitong nailibing na sa uso. Naupo ang binata sa sofa na gawa sa kahoy, kinuha ang maiinom ngunit napatigil ito saka tinignan ang dalaga. “Wala naman atang lason ang inumin na binigay mo sa akin ‘di ba?” “Masama at bastos lang ang ugali ko pero hindi ako mamatay tao.” walang emosyon na tugon ni Rae bago ininom ang nakalagay sa baso niya. “Namatay ba ‘ko?” sarkastiko niyang tanong dito. “Oh, baka naman gayuma? Maraming may gustong gumayuma sa akin, isa lang naman akong magandang lalaki na nagmula sa magandang pamilya—” sa sumunod na pagkakataon ay pinutol niya ang kahambugan nito, mukhang tatangayin ang buong bahay sa sobrang presko. “Hindi ako isa sa kanila. Mas gugustuhin ko pa lason ang ilagay kesa ang gayuma ng matigil na rin ang ka-preskohan mong hindi umaayon sa mukha.” pangbabara ng dalaga saka pinagkrus ang mga hita. “Sabihin mo na ang importante mong sasabihin, huwag mo sayangin ang oras ko sa kayabangan mo.” Imbis na masaktan, isang matamis na nginiti ang sumilay sa labi nito at ilang saglit ay sumeryoso. Bipolar ba siya? “Hindi lingid sa aking kaalaman na kilala sa baryo, mas lalo na sa lugar ito.” pagtukoy nito sa compound na kinatatayuan ng tinitirhan ng dalaga. “Nais ko malaman kung may nakita kang kakaiba sa mga kilos nila mas lalo na sa pamilya ng babaeng nakatayo sa harap ng bahay nila kanina, ang babaeng tumawag sa iyo ng buong pangalan ng hapon na iyon. Sa pagkakatanda ko ay matalik mong kaibigan.” Natigilan si Myle ng tukuyin si Irene ng binata at bago pa makahalata ay inayos niya ang sarili saka hinarap ang binata. “Sabay kaming nagpunta, parehas na nahuli ng dating, at hindi naghiwalay. Maliban ng dumating ang mga kaibigan niya pero hindi naman siya nawala sa paningin ko ng gabi na iyon at tuluyan kaming naghiwalay, ilang minuto bago ang tuluyan nan pagsabog. Wala siyang kakaibang ikinilos, hindi rin siya umalis sa pwesto ng kaibigan.” kaswal at walang kasinungaling na tugon. Nagtagpo ang kanilang mga mata, nakikipaglaban sa tingin ng isa’t isa, sa huli ay ang binata ang unang nag-iwas. “At ang sa mga magulang niya?” “Nauna silang magpunta kesa sa amin, nagkita kami roon pero hindi ko na sila nabantayan ng gabing iyon.” Abala pa ako sa pagkain ng mga oras na iyon at hindi na napansin ang paligid ko. “Isa ba ang pamilya nila sa pinaghihinalaan niyong salarin ng pagsabog na iyon?” Sa pangalawang pagkakataon ay nagtitigan sila, gamit ang mga mata ay inaalam ng dalaga ang kasagutan ngunit nanatiling walang emosyon at seryoso ang tingi ni Yaji. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito, nawala ang seryosong kausap niya. “Naitanong ko lang. Narinig ko sa mayordoma na malapit ka sa pamilya nila. Syang, hindi ko sila nakausap kagabi para kunin ang kanilang mga loob, mas lalo na sa kaibigan mo.” malanding rason nito. Sumama ang tingin ni Myle, nangangalaiti sa panloloko at pagsasayang ng oras niya. Inis na tumayo, tinanggal ang lahat ng emosyon sa kanyang mukha at mata—bagay kung saan siya magaling. “Lumabas ka sa bahay ko at huwag mo ng sayangin pa ang oras ko sa kalandian mo.” walang emosyon na tugon. “Teka, gusto pa kita makausap at may itatanon pa ‘ko—” pinutol ni Myle ang sasabihin ng binata at nangangalaiting tinuro ang pinto. “Sabi ko lumabas ka!” sigaw niya. Natauhan si Yaji, kita niya ang nangangalaiting galit sa mukha ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali ngunit mas minabuti na sundin na lamang ang gusto nitong nangyari. Nang nasa pinto ay marahas siyang tinulak ng dalaga, nagulat ang lahat sa inasta ni Myle na kita ang galit. “Wala akong oras sa kalandian mo, kung gusto mo lumandi ay humanap ka ng ibang babae na lolokohin at sasayangin mo ang oras. Huwag ako.” mariin na tugon bago malakas na sinara ang pinto. Nilingon ng binata ang paligid, lahat ay nagtatakang nakatingin. Ngumiti at tumalikod, sapat na ang nalaman niya sa araw na ito kahit hindi maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nilang dalawa. Lalakad na ang binata ng may humarang sa kanyang dinaraanan. “May maitutulong ba ako sa iyo?” tanong ni Yaji sa dalagang humarang sa kanyang daraanan. Kilala ng binata ang mukha nito, ang babae nagtatakang tanong ni Yaji sa dalagang humarang sa kanyang daraanan. Kilala niya ang mukha nito, ang babaeng tumawag sa buong pangalan ng hapon na iyon, at ang kanyang rason sa pagpunta sa lugar na ito. “Ano ang ginawa mo para magalit siya ng ganon sa iyo?” Seryosong tanong ni Irene. Sapul sa buwan magalit ang kaibigan, mahaba ang pagtitimpi’t pasensya kaya may hindi magandang nagawa ang binata para mapuno ng sandaling oras ang kaibigan. “Nothing. Binibiro ko lang siya sabay bigla na lamang siyang nagalit.” kibit balikat na tugon ni Yaji. “Kung wala na akong maitutulong sa iyo ay mauuna na ‘ko.” paalama nito. Hindi sumagot ang dalaga, tinignan ang lalaking papalayo sa kanyang kinatatayuan at sumakay ng kabayo. Inilibot ang tingin, ang karamihan sa mga magsasaka na hindi sa compound nila nakatira ay isa-isa ng nag-alisan, dala-dala ang bagong balita na may halong chismis sa kanilang nakita. Huminto si Irene sa harap ng pinto ng bahay, akmang kakatok upang kamustahin ang kalagayan ngunit mas pinili ang ibaba ang kamay at lagpasan. Mas makabubuti na pakalmahin muna ng dalaga ang sarili, magpupunta ito sa kanya kung handa na magkwento sa nangyari. Samantala, nangangalaiti sa galit na bumalik sa pagkakahiga si Myle. Naiinis sa sarili, hinayaan na mapaniwala ng lalaking dinaig pa ang higad sa kati, napadala sa seryosong aura na isa lang paraan para malokohin siya. Pinikit ang mga mata, pinipilit na limutin ang init ng ulo na idinulot ng binata. Ang pagtulog ang nag-iisang paraan upang pakalmahin ang sarili, makakaiwas sa paggawa ng hindi kaaya-ayang desisyon na maari lang kahitnan ng panibagong problema. SERYOSONG pumasok sa loob ng Hacienda Nevalga ang binata, dala ang latigo sa kanyang mga kamay, at hindi pinansin ang mga pagbati ng kasambahay na kanyang nadaraanan. Pumasok sa loob ng kwarto, tanaw ang sunog na tanawin—ang sakahan na nasira sa pagsabog, kanyang hahanapin ang may sala at siguraduhin na pagbabayarin. Kinuha ang kupita sa mesa, nilagyan ng alak. Tinitigan ang papalubog na araw, sa lahat ng pinuntahan ay sapat na ang mga nalaman. Hinawi ang kurtina na nakasabit sa isang gilid, bumungad ang mga larawan ng mga magsasakang dumalo ng pagdiriwang, sa kabilang parte ay mga mukha ng mga taong pinaghihinalaan na may sala. Kinuha ang larawan ni Myle, masama ang tingin sa camera ngunit nangingibabaw pa rin ang ganda ng mga mata. Tumaas ang sulok ng labi, naalala kung paano siya patalsikin sa tahanan nito at ipahiya sa lahat ng tao, ang nag-iisang babae na may kakayahan na tumanggi sa kanya. “Ang ganda ng mga mata mo ngunit pinaalala mo ng mga tingin mo ang demonyon iyon.” Humigpit ang hawak sa larawan, tinitigang ng mabuti ang walang kahit anong koloreteng mukha, at ilang minuto ‘y binalik na ang larawan sa pagkakadikit. Sunod-sunod na katok ang umagaw sa atensyon, sinara ang kurtina upang itago ang mga larawan saka may ngiting binuksan ang pinto. “Sir, nakahanda na po ang hapunan.” paalala ng anak ng mayordoma, si Legina. “Sige, mauna ka na, baba na ‘ko.” nakakaakit na ngiti na tugon niya sa dalaga na pinamumulahan ng mukhang umalis. Mahinang natawa ng maiwan mag-isa, humarap sa salamin at tinignan ang kumikintab na magandang mukha. Sa isang kindat ay nabubuo na ang araw ng kababaihan, walang makakatanggi pagdinagdagan ng salapi. Muling pumasok sa isipan niya si Myle Rae. “Huh! Sa dami ng panget na mukha na nakalipigid ay hindi nasira ang araw niya at ng makita niya ‘ko biglang nasira? Ganon na ba kalabo ang mga mata at ka-sagwa ng panlasa niya?!” Iiling-iling na turan ng binata na hinihimas-himas ang mukha. Ilang kindat at pa-cute pa ang ginawa bago umalis sa tapat ng salamin, sa pagbaba ay nakahilera na ang mga katulong na naghanda ng hapunan. Mag-isa sa mahabang mesa, puno ng pagkain ang hapag ngunit walang buhay ang lahat. “Manang, pakidagdagan niyo ang plates at utensils sa mesa, sabayan niyo na ‘kong kumain ngayong gabi.” baling niya sa mayordoma na nagulat sa tinuran. “P-po? Pero sir—” “Manang, malungkot mag-isang kumain sa mahabang hapag na puno ng pagkain, kesa masayang ay sumabay na lang kayo sa akin.” pag-uulit ng binata. Hindi makaimik ang matanda, sinunod rin agad ang inutos ng binata. Sa ilang saglit ay na puno ang mesa, nagkakahiyaang kumuha lahat kaya’t siya na mismo ang nag-abot ng mga putaheng tapos niya ng kuhaan. “Huwag kayong mahiya, tao lang din ako na kailangan kumain.” anito. Tahimik ang lahat sa hapag, walang maririnig na kalansing ng kutsara, walang nagtatangkang umimik hanggang sa putulin iyon ng dalaga, si Legina ang nag-iisang bata sa hapag. “Ma, kailan uli magpupunta dito si Ate Myle para i-update ang pinagagawa nating gown?” tanong nito sa ina. “Wala pa ‘kong balita, anak. Masyadong naging magulo ang pangyayari, huwag mo munang isabay ang sa debut mo, may katagalan pa naman iyon.” usal ng mayordoma na ina ni Legina. “Gusto ko ng makita. Lahat ay nagustuhan ko, di ako makapili ng nakaraan ng maayos at may naisip akong ipabago.” pagmamaktol nito sa ina. “Maari ko ba siyang puntahan bukas, hindi naman ganon kalayo ang tinitirhan niya mula dito sa hacienda.” pagpupumilit nito. “Legina, huwag dito sa hapag, mahiya ka kay sir.” suway ng ginang sa anak. Bagsak ang balikat ng dalaga, sumunod sa payo ng ina at pinagpatuloy ang pagkain. “Si Myle Rae ba tinutukoy mo?” putol ng binata sa mahabang katahimikan. Tumaas ang tingin, tumango sa amo na nagtatanong. “Siya nga po. Kilala po siya dito sa baryo dahil sa galing niyang magdesenyo at manahi, halos lahat po ay sa kanya nagpapagawa mas lalo na sa gown na susuotin tuwing pista o may malaking pagdiriwang.” paliwanag ni Legina. “Bukas ay mag-uumpisa na muling magsaka, nabibilang siya sa magbibilad ng palay. Huwag ka masyadong mag-aalalaa, pupunta siya rito bukas at kung sakaling hindi ay hayaan mo na ihatid kita sa bahay niya.” bumaling ang tingin ng binata sa ginang. “Kung papayagan ka ng iyong ina.” pahabol nito. “Legina, nakakahiya—“ Pinutol ni Yaji ang sasabihin ng ginang. “Ayos lang iyon, manang. Gusto ko rin maglibot-libot sa buong baryo bukas, mukhang importante rin ang lakad ni Regina kaya’t ihahatid ko na siya roon.” pangungumbinsi ng binata. “Ma, pumayag ka na.” segunda ng dalaga, naghihintay ang magiging desisyon ng ina. “Oh, s’ya, si Sir Yaji naman ang kasama mo basta’t huwag kang gumawa ng kahit anong kalokohan habang papunta kayo roon at huwag mong pasakitin ang ulo ni sir.” paalala nito. Malaki ang ngiti ni Legina, nagpapasalamat sa binata sa pangungumbinsi sa ina. Kumawala ang magandang ngiti sa labi ni Yaji, nagdiriwang sa gagawing pagsama sa dalaga, nakagawa muli siya ng rason upang makita at makasama ang dalaga. “Hayaan mong palinawin ko ang mga mata mo at ayusin ang panlasa mo. Isang gwapong katulad ko ang muling bibisita sa iyo—huwag lang muli mapatalsik palabas ng bahay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD