Chapter 6: Dugo at Pawis

3485 Words
Chapter 06: Dugo at Pawis Iniisip kung ano ang naging kasalanan, naging mabuting anak, kaibigan, at mamayan ngunit tila siya ay pinarurusahan. Nais niya ng tahimik na buhay, malayo sa gulo na maaring ikapahamak sa bandang dulo pero bakit tila ang gulo mismo ang lumalapit at gustong pumasok sa tahimik na buhay. Masama ang tingin ng dalaga, nang buksan ang pinto at mukha ng binata ang bumungad. Abot tenga ang ngiti at nang-aasar na mga tingin, sa likod ay lumabas si Legina na walang ginawa kundi ang mangulit. Hindi pa nangangalahati ang araw ngunit sinira na ng dalawa. “Legina, bakit ka naaparito?” Baling sa dalaga na tunay na may pakay sa kanya. “Nakakalahati ko na ang pinagagawa mo, hindi na iyon aabutin sa kaarawan mo kung iyo na namang ipababago.” pangunguna niya. Ilang tela at oras na ang nasayang sa pabago-bago ng isipan. Matagal na sana itong natapos kung may maayos na desisyon, hindi na nasayang ang oras at tela. Kung hindi lang mataas ang binigay na presyo at nakiusap ang ina nito ay hindi niya na pinagbigyan. “Gusto ko lang malaman kung ano na ang balita sa ‘king pinagagawa at makita na rin sa personal ang progreso sa paggawa.” Paliwanag ng dalaga na may nagniningning na mga mata. “Maari ba?” paghingi ng permiso. Tumango si Myle. “Pumasok ka na muna, ipapakita ko sa iyo sa loob.” Wag mo lang na isipan pabaguhin dahil kahit malaki na ang nagastos at nasayang na tela ay bibitawan ko ang pinagagawa na ito. Isip-isip ng dalaga, nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Puno ng pananabik na pumasok si Legina sa loob, nakasunod ang binatang hindi mawala ang ngiti at kanina pa nakatingin sa kanya. “Hindi ko sinabing pumasok ka, manatili ka rito sa labas. Di kita tinatanggap na bisita sa pamamahay ko.” Pigil ng dalaga bago pa makapasok sa loob ng tahanan. “Ate, kasama ko si Sir Yaji para makuha ang opinyon niya.” nagtatakang usal ni Legina na nakatingin sa kanilang dalawa na nanatili sa pinto na may tensyon sa mga mata. “Kasama niya ako.” segunda ng binata na may ngiting wagi sa kanyang mukha. “Ah, ganon ba.” Walang magawa na usal ni Myle, inalis ang pagkakaharang sa pinto saka dirediretsong pumasok si Yaji sa loob. Bago makalagpasan ay naka-ilang kindat pa ang kupal. Sarap tusukin ng mga mata. Hindi nagpunta sa Hacienda Nevalga, sinayang ang isang araw na sahod upang di makita ang hambog na binata ngunit andito siya, prenteng nakaupo sa sofa na akala mo ay tinanggap niya bilang bisita. Walang magawa na nagpunta sa kusina, nagtiimpla ng maiinom ng dalawa at inilapag sa gitna ng mesa. “Uminom na muna kayo, pasensya na iyan lang ang mayroon ako. Kukunin ko na muna ang mannequin—” bumaling ang tingin kay Legina na nakatingin. “Kung gusto mo ay sumama ka na upang maisukat at masiguradong sakto sa iyong katawan.” pag-aalok niya. Hindi mahirap kausap ang bata. Tumayo na hindi ginagalaw ang inumin na hinanda, lumapit sa kanya na may kumikinang na mga mata. “D’yan ka lang at huwag susunod sa amin kung ayaw mo sa pangalawang beses ay masipa palabas ng tahanan ko.” pagbabanta niya sa binata. “Take your time.” kinuha ang baso at nagsalin ng maiinom. “Wala ka bang nilagay dito na gayu—” “Makakaasa ka na walang nakalagay na gayuma pero lason—hindi mo sigurado.” Tugon ni Myle na nanakot na tono. Mahinang tumawa si Yaji, ininom ang isinalin na inumin at pang-asar na dalaga. “Akala ko ba ay walang gayuma, bakit tila mas lalo kang naging kahumahumaling sa aking paningin?” naniningkit na mata at may matamis na ngiti sa labi. “Sigurado ka ba na wala ka ibang inilagay sa inumin.” “Sadyang malandi ka lang talaga kaya naging kahumahumaling ang paningin mo sa akin.” tumirik ang mata ng dalaga at iniwan ang binata na mag-isa. Naisandal ni Yaji ang likod, iiling-iling at hindi makapaniwala na may babara sa kanya ng ganon. “Masyado lang talaga akong gwapo kaya sa tingin niya ay malandi ako.” natatawang pangungumbinsi sa sarili. Samantala, tumambad kay Legina ang magagandang kulay ng tela sa mahabang lamesa. Ang kwarto ay napupuno ng mg desenyo ng dalaga, may ibang nakadikit sa dingding, ngunit ang mas nakaagaw pansin ay ang mannequin kung saan nakasuot ng hindi natatapos na obra. “Lagpas na sa kalahati ang natatapos, mas maaga itong maidadala sa inyo para kung sakaling hindi magkasya ay mai-ayos pa.” paliwanag ni Myle bago inilapit sa dalaga ang mannequin. “Nais mo bang sukatin na?” “Hindi na.” umiiling na tanggi ni Legina. “Makakapaghintay pa naman ako hanggang sa matapos. Gusto ko lang makita kung ano na ang nagagawa—alam mo na, 18th birthday ko ito, isang beses lang mangyayari sa buhay ng babae.” “Kung sabagay ay tama ka.” Kahit papaano ay may pag-iintindi rin pala ang isa na ito. “Huwag ka mag-aalala, matatapos ko ito, ilang lingo bago ang araw na iyon.” paninigurado ng dalaga. Parehas na lumabas ng kwarto, matapos ang ilang minutong pag-uusap sa loob. Nadatnan sa sofa ang biinata na prenteng pa rin nakaupo sa sofa. Hindi talaga ito umalis ng sofa habang nasa kwarto ang dalawa, iniiwasan na masipa na naman palabas ng dalaga. “Sir, may iba pa po ‘kong pupuntahan pagtapos nito, hindi niyo na po ako kailangan samahan at tumaloy na kayo sa lakad niyo.” usal ni Legina na bumalik sa pagkakaupo at kumuha ng maiinom. “Hindi pa tapos. Marami ang karayom na nakatusok, kung pipilitin ay baka masira at hindi pa makuha sa tamang oras.” dagdag pa nito. Tumango ang binata. “Mauna ka na, dito na muna ‘ko, mainit pa sa labas para mag-ikot.” hindiman lang humingi ng permiso sa may-ari ng bahay na usal ni Yaji. “Sige po, sir. Mauuna na po ‘ko sa inyo.” walang kahit anong pagtutol na usal ni Legina, hindi mawawala ang malagkit na tingin sa dalaga hanggang sa magsara ang pintong nilabasan. Walang kahit anong lumabas na salita mula sa dalaga, tinalikuran si Yaji at naglakad papalayo sa binata. “Wala kang sasabihin? Hindi ka kokontra sa sinabi kong mananatili muna ‘ko sa bahay mo?” hindi makapaniwala. Inaasahan niya na ang masakit sa tenga na bunganga nito o ‘di kaya ay walang katapusan na pagtatalo. Nilingon ito ni Myle. “Kung sasabihin ko ba sa iyo na umalis ka sa loob ng pamamahay ko ay aalis ka?” pagbabalik ng tanong dalaga na may malamig na boses at matalas na tingin. “Hindi.” mabilis at buong katapatan na sagot ng binata bago sumimsim ng maiinom sa baso. “Kung ganon ay bakit ko pa sasayangin ang oras at lakas ko para makipagtalo pa.” Kung hindi ito matitinag sa pagpapaalis ko, hahayaan ko na siya mismo ang magkusang umuwi at manawa. Hindi na kailangan sayangin pa ang oras sa pakikipagtalo, kahit ano rin naman ang gawin ko hindi ako mananalo. “Nasanay ako na madalas kang makipagtalo sa bawat desisyon o makikita ang gwapo kong mukha. Oh, s’ya, mag-umpisa ka na magtrabaho.” sabay turo ng binata ng pintong papasukan nito. Ngumisi ang dalaga, pumasok sa loob ng kwarto at nag-umpisang magtrabaho. Iniisip niya na magpahinga, matagal pa ang due ng ginagawa, ngunit kung ito ang magiging dahilan para paulit-ulit na masira ang araw niya, sa rason ng binata na makita ang progreso ng ginagawa, ay mas mabuti ng tapusin ng mas maaga. Hindi alintana ang malakas na kalabog, hinahayaan ang binata na gawin ang gusto basta’t hindi pumasok sa kwarto. Alas-dose ng napagpasyahan na lumabas, laking gulat ng makita ang buong salas na malinis at lahat ay nasa tamang lalagyan. “Ang bango.” Dinala sa kusina ang dalaga, bumungad si Yaji na walang pang-itaas na saplot at tanging apron ang tumatakip sa magandang hubog. Hindi makagalaw, nakatutok ang tingin sa magandang katawan at sinusundan ang paggalaw. “Mukhang sa titig pa lang ay busog na ang iyong tiyan, binibini.” natauhan ang dalaga, umayos ng tayo at lumayo ang tingin. “Kulang na lang ay ikaw ay maglaway sa sobrang pagpapantasya sa akin.” hindi mawawala ang pagbubuhat ng sariling bangko. “May alam ka pala sa pagluluto, akala ko ay magaling ka lang sa pagbubuhat ng bangko.” Hindi mawawala ang pangbabara. Lumapit ang dalaga, nag-umpisang magsandok at ihanda ang mesa para sa kanilang dalawa. “Hindi ka magagalit na pinakaelam ko ang kusina mo?” Inaasahan niya na may lilipad na kaldero, makikipagtalo katulad ng kanyang gusto. Mukhang kalmado ito, magmula pa kanina at kung tatanungin ay ganon pa rin ang isasagot. “Walang laman ang kusina kundi puro kaldero, magrereklamo pa ba ako kung hinanda mo na ang makakain ko?” Bukod doon ay wala rin pagkain, siguradong nag-utos o lumabas pa ito upang makabili ng karne na ngayon ay nakahain. “Salamat sa pagkain.” Sumilay ang ngiti sa labi ng binata, nakatitig kay Myle na sarap na sarap sa pagkain. Kinulit niya pa ang kaibigan ng dalaga upang malaman ang paboritong putahe, mabuti na lang ay tinuruan siya ng ina magluto dati kaya maayos na nagawa ang pagkain. “Bakit hindi ka nagpunta sa Hacienda kaninang umaga, masama pa rin ba ang iyong pakiradam dahil sa nangyari nakaraan?” Pag-uumpisa ng usapan ni Yaji. Alam na niya ang isasagot nito ngunit mas maganda na manggaling sa bibig nito. Hindi maintindihan ang sarili, natutuwa siya pagnaasar at naririnig ang galit na boses ng dalaga. “Sinisira ng mukha mo ang buong araw ko.” direktang sagot ng dalaga, tila kaswal na lumabas sa bibig ang mga salita at iyon ang tingin sa binata. Mahinang natawa si Yaji. “Tunay na malabo na nga ang iyong mga mata.” Sinasabi ko na nga ba na iyon ang isasagot niya sa katanungan ko. Tunay nga siyang kakaiba sa lahat ng kababaihan na nakilala ko, mas lalo na ang mga nanlilisik niyang mata sa tuwing nakikita o nararamdaman ang presensya ko. “Sadyang mahangin ka lang talaga.” pangbabara nito sa kanya bago nilingon ang buong bahay. “Salamat sa paglilinis ng salas, hindi ko inaasahan na may silbi ka sa gawaing bahay. Mukha kasing pagbubuhat ng sariling bangko lang ang alam.” pasasalamat at mapanghusgang usal ng dalaga. “Hindi iyong pagbubuhat ng sariling bangko kundi pagsasabi ng katotohanan sa kagandahang lalaki ko. Sadyang malabo lang ang mata mo, o ginagawa mo lang ito para maakit ako.” tila may sakit sa mata na pa-kindat-kindat na usal ng binata. “Malabo ang mata ko pero ang huling parte sa sinabi mo ang malabong gawin ko.” Hindi talaga siya maubusan ng isasagot at pangbabara sa lahat ng sinasabi ko. Isip-isip ni Yaji na hindi na muling nakaimik. Aminado na pagdating sa barahan ay walang maihaharap, baka mainis pa ito at masipa na naman siya palabas. Parehas na walang imik, kinatuwa ng dalaga ang pananahimik ng kaharap, nang mapansin ang isang bagay sa kinakain. “Wala naman atang gayuma ito ‘di ba?” aniya sa paboritong linya ng binata. “Wala. Hindi na kailangan, kahit walang gayuma ay iibig ka rin sa akin sa tamang panahon.” Ngingiti-ngiti na tugon. Ang dalaga ang pagsubok na ibinigay sa kanya kaya gagawina ng lahat para makuha ang pag-ibig nito kahit wala siyang balak suklian. “Ah, okay.” Walang gana na usal ni Myle na binalik ang atensyon sa pagkain. “Bakit parang nanghihinayang ka, gusto mo ba ay lagyan ko?” may panunudyyo sa tono ng binata. “Bakit ito ang putahe na niluto mo?” pag-iwas sa tanong. Kung sasagutin ang katunangan ay mauuwi lang ito sa bagyo sa kahanginan, sa ilang beses na pagkikita ay malapit na siyang tangayin ngunit bago mangyari iyon ay kailangan niya muna ito sapakin ng magising. “Sinabi ng kaibigan mo.” walang halong pagsisinungaling, “nagpunta siya kanina rito, sinabi ko na huwag kang istorbihin. Tinanong ko na rin kung ano ang gusto mong kainin na hindi ako mapapasipa palabas ng bahay.” ipinagmamalaki na pag-amin. “Salamat ulit sa pagkain.” Pasasalamat muli ng dalaga bago inubos ang pagkain sa pinggan. “Tapos ka na? Tapos na ‘ko.” Usal ng binata na hindi pa nakakalahati ang pagkain. “Ako na ang mag-aayos, bumalik ka na sa trabaho. “Ubusin mo ang pagkain, huwag kang magsayang sa pamamahay ko.” iritableng usal ng dalaga na nakatingin sa pinggan. “Dugo at pawis ang nilalaan ng magsasaka para sa kanin na iyong kinakain, huwag mong sayangin.” paalala niya. “Binabayaran sila para umani ng palay, bakit kailangan ko pa sila isipin, at isa pa, binili ko ang bigas sa tamang hala—” “Iyan ang hindi mo maintindihan dahil lumaki ka na may ginintuang kutsra. Hindi mo maiintidihan paghihirap ng mga magsasaka, sila sana ang tumatamasa ng papuri ngunit sila pa ang minamaliit, sila dapat ang pinahahalagahan pero sila pa ang pinapabayaan at ginugulangan. Ang mga magsasaka na nagtratrabaho sa tirik na araw, gumagapas ng palay na inihahain sa hapag kainan, matuto kang respetuhin ang paghihirap nila sa simpleng pag-ubos at hindi pagsasayang ng kanin na nasa iyong harapan.” Hinila pabalik paupo ang binata. “Yaji, isa rin akong magsasaka, respetuhin at pahalagahan mo pinaghirapang ko—ang pagkain na nasa harap mo, kahit nagbayad ka pa ng tamang halaga sa bawat putaheng inihanda mo.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi magawang maasagot ng binata, nakatingin na sinunod ang sinabi ng dalaga. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tiwanag siya sa pangalan, ang seryosong titig nito ang nagpapasunod sa kanya. Parehas silang walang imik, hindi umalis ang dalaga hanggang sa hindi natatapos sa pagkain. Naiilang siya sa titig ng dalaga ngunit walang magawa, baka mapatalsik pa siya kung magsasalita. Parehas na nilingon ang pinto, sunod-sunod ang katok mula rito. Walang sabi-sabi na tumayo si Myle, binuksan ang pinto at iniluwa ang isang matandang lalaki, may malaking ngiti at may hawak na mangkok sa kamay. “Leng, nagdala ako ng ulam, isalin mo na muna.” usal nito. “Maraming salamat po, Mang Artur.” pasasalamat ng dalaga bago kinuha ang hawak. “Pumasok po muna kayo, isasalin ko po muna ito.” pag-aalok niya rito. Pumasok si Mang Artur sa loob ng bahay, sumunod sa dalaga hanggang sa kusina. Hindi na bago sa matanda si Myle, anak niya na rin ito kung ituring matapos iwan mag-isa, nais niya sana itong pag-aralin sa kolehiyo ngunit gipit din ang pamilya pagdating sa pera, inaasahan ang maliit na kinikita sa pagsasaka at pagbebenta ng isda tuwing umaga. “Oh, Leng, may bisita ka pala.” usal ng matanda ng lumapat ang tingin sa pwesto ng binata. “Magandang tanghali, sir. Maraming salamat sa muling pagpapatuloy sa mga tao na muling magtrabaho sa inyong Hacienda pagtapos ng aksidente nakaraan.” “Magandang tanghali rin po.” may ngiti na pagbabalik bati. “Kinakailangan na maani ang mga palay, mahirap na po masobrahan sa araw. Mukhang sa makina ang naging problema kaya sumabog ang malaking parte ng palayan.” Hindi maalis ang ngiti ni Yaji, ang mga mata na nagmamasid sa paligid mas lalo na sa matandang kaharap. Nakakasigurado siya na walang kinalaman ang dalaga ngunit hindi ito ang dahilan upang ibaba ang kanyang depensa mas lalo na sa iba. Hanggat hindi nareresolba ang problema ay wala siyang pagkakatiwalaan kahit na ang dalaga. “Iba talaga ang maidudulot ng makina, napapabilis ang gawain pero lapitin sa disgrasya. Mabuti na lang at walang ibang na saktan kundi hindi makakabalik sa trabaho ang karamihan.” komento ng matanda bago tumingin kay Myle na hawak ang mangkok na bagong hugas. “Salamat po sa tinola, Mang Artur.” iniabot ang hawak sa matanda. “Malapit na po ang kaarawan niyo, nabalitaan ko kay Irene na magkakaroon ng celebrasyon ang araw na iyon. Kung kailangan niyo po ng tulong sa pagluluto ay tawagin niyo lang po ‘ko.” pag-aalok ng serbisyo. Nagbago ang ekpresyon ni Mang Artur, nawala ang tensyon sa mga mata at unti-unting gumaan ang paligid. “Kung ganon ay sa iyo ko na ibibigay ang gawain sa ibang putahe.” bumaling ang tingin ng matanda kay Yaji. “Sana ay makapunta ka sa araw na iyon. Mukhang malapit kayo ni Leng sa isa’t isa para papasukin sa bahay niya, kung hindi ako nagkakamali, maliban sa anak kong lalaki, ikaw ang kauna-unahang lalaki na nakapasok sa bahay na ito.” “Ninong!” suway ni Myle bago binalingan ng tingin ang binata na may abot tenga na ngiti. Sa ngiti pa lang nito ay makikita na ang paglaki ng ulo, sa susunod ay hindi lang bangko at hangin ang dalhin nito kundi ipo-ipo. Tumalas ang tingin ng dalaga, samantala ay kinindatan lang siya ng binata na mukhang tuwang-tuwa sa narinig. “Oh, siya, babalik na ‘ko baka bungangaan na naman ako ni Merna.” Lumabas na si Mang Artur. Naiwan ang dalawa, ang isa ay hindi mawala ang ngiti at ang dalaga na may nanlilisik na mga mata. “Ako ang nag-iisang lalaki na nakapasok sa bahay mo, kay sarap pakinggan ng nalaman ko. Sinasabi na nga ba na sinusungitan at sinasabing ayaw mo ako para makuha ang atensyon ko.” Hindi mawala ang ngiti, tuwang-tuwa sa narinig. “Hindi kita pinapasok, ikaw ang kusang pumasok. Hindi kita pinakain bagkus ay ikaw ang naghanda ng makakain. Huwag kang tumalon sa isang konklusyon na walang patutunguhan, bilisan mo na d’yan at umalis ka na sa pamamahay ko bago pa lumipad sa hanganinan mo.” pagklaklaro niya rito. Hindi niya ugali ang mairita, mahaba ang kanyang pasensya pero pagdating kay Yaji ay nag-iinit ng kusa ang dugo niya. Totoo na maganda ang mukha at katawan ngunit hindi pa rin maipagkakaila na lumaki to na walang alam sa hirap ng buhay. Isangg mahangin, na bawat sinasabi ay hindi mawawala ang pagdadala ng sariling bangko. “Iyon lang.” pagbawi ng binata at mahinang natawa. Nang matapos sa pagkain, si Myle ang naglinis at nanatili sa salas ang binata na nanunuod ng TV. Bumalik sa walag imikan, tinigilan na rin siyang asarin ng binata nang kanyang pagbantaan na sisipain palabas ng bahay. Sa susunod ay sisingilin niya na ito sa kuryente. Buong atensyon ay nasa ginagawa, nang marinig ang tawanan mula sa ilabas. Bumungad ang binata at Mang Artur na nagtatawanan, nasa lamesa ang nilaggang saging na dinala ng matanda para pangmeryenda ng dalawa. “Ganyan talaga si Myle, masungit sa iba pero hindi naman kayang tiisin ang mga tao sa paligid niya. Kunwari na walang pakealam pero pasimpleng sumisilip at tumutulong, kaya huwag kang sumuko sa kanya mas lalo na’t malaki ang diprensya mo sa iba.” Payo ng matanda na mas lalong kinangiti ng binata. “Mang Artur, wala po ba kayong pasok sa sakahan?” nilingon siya ng dalawa, hindi namalayan ang paglabas niya sa masarap na pag-uusap ng dalawa. “Hija, nagdala ako ng nilagang saging.” Pag-aalok ng matanda sa dalaga bago inurong ang pinggan. “Hindi na ako bumalik ngayong hapon sa sakahan, nagpasama si Merna na mamalengke sa bayan.” tugon nito. “Ganon po ba.” lumapit sa pwesto ng dalawa, kumuha ng saging na dala bago nilingon ang binata na panay ang pa-cute sa kanya. “At ikaw, bakit andito ka pa?” pagmamaldita. “Wala pa naman akong gaga—” Hindi natapos ang sasabihin ng patigilin ng malakas na pagsabog kasabay ng pagyanig ng lupa. “Ano iyon?!” tanong ni Yaji saka dali-daling lumabas upang tignan ang nangyayari. Naglabasan ang mga tao, mga bata na nag-iiyakan na nagulat sa mga pagsabog. At mula sa kalayuan ay kita ang malakas na kulay itim na usok an pinagmulan ng pagsabog. Nagtutumpukan ang lahat, nakiki-osyoso sa nangyayari. “Leng! Leng!” sigaw at kumakaripas na sigaw ni Irene na isa sa nagising sa pagsabog. “Ang Hacienda Nevalga—sa Hacienda Nevalga galing ang pagsabog.” “Paano mo na laman?” ang binata ang tumugon sa sinabi ni Irene. Walang pag-aalinlangan na pinakita ng dalaga ang cellphone, isang post sa social media na malapait nakatira sa pinangyarihan ng pagsabog. Walang sabi-sabi na kumaripas ng takbo ang binata, kinuha ang dala na kabayo. Dali-dali na kinuha ni Myle ang mga gamit nito na naiwan sa loob ng bahay at iniabot sa binata. “Ang mga gamit mo.” Tumititig sa kanya ang binata, ngumiti na tila walang problema. “Babalik ako.” Paalala nito. “Kahit huwag na.” Mahinang natawa si Yaji sa sinagot ng nito. Di kalaunan ay sumeryoso ang mukha at mabilis na pinatakbo ang kabayo na dala. Samantala, naiwan na mag-isa si Myle na sinusundan ng tingin ang papalayong binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD