Chapter 07: Argumento

3567 Words
Malayo pa sa Hacienda Nevalga ay dinig na ang sigawan ng mga tao, mga ina na nililikas ang kanilang mga anak at ang mga kalalakihan na tulong-tulong na inaapula ang apoy. Dumiretso ang binata kung saan naroon ang mga trabahador na tumutulong sa sugatan. “Sir! Mabuti narito na kayo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga tao.” Aligaga na usal ng Mayordoma na sumalubong sa binata. “Sunod-sunod ang pagpasok ng mga sugatan sa pagsabog, ang iba ay hindi pa matagpuan na siya pang kaninang hinahanap ng iba nilang kasamahan.” paliwanag nito. “Tumawag na ba kayo ng tulong?” nanatiling kalmado ang binata. Mas maliit ang pagsabog na nangyari kumpara nakaraang gabi ngunit maraming trabahador ang nasa sakahan, hindi ang pagkalugi ang kanyang inaalala kundi ang mga buhay ng trabahador na maaring mawala. “Ang isa sa mga kasambahay ay tumawag na kanina, mamaya-maya ay darating na rin sila kasama ang ambulansya.” Tugon ng Mayordoma na hindi mawala ang pagkataranta habang nakikita sa gilid ng mga mata ang sugatan. “Manang, hintayin niyo ang bumbero at kayo na ang bahala sa mga sugatan pagdating ng ambulasya. Hangga’t maari ay dalhin ang lahat sa hospital para makasiguro na ang lahat ay nasa maayos na kalagayan.” Nanatiling kalmado sa kabila ng nangyayari sa kapaligiran, walang mangyayari kung isa rin siya sa matataranta. Tumango-tango ang Mayordoma. “Magpunta na kayo sa ligtas na lugar—teka, sir, saan kayo magpupunta!?” mas lalong napuno ng pagkataranta ang matanda ng makitang papalapit sa pinangyarihan ng pagsabog ang binata. “Baka mapahamak kayo magpupunta pa kayo riyan, walang nakaalam kung may susunod pang pagsabog ang magaganap.” suway nito. Hindi pinansin ni Yaji ang sigaw ng matanda, walang pag-aatubili na nagpunta sa pinangyarihan. Mula sa kalayuan ay nakita niya ang mga magsasaka na tulong-tulong sa pagsalba sa kanilang mga kasamahan, may ibang ay nakapila mula sa pinakamalapit na sapa at pinagpapasahan ang mag timba ng tubig upang matigil ang pagkalat ng apoy. Hindi siya tumakbo pabalik upang panuorin ang mga nagkakagulo kundi ang isalba ang mga taong apektado, Responsibilidad niya ang mga ito, ang kaligtasan, at masigurado na maayos na makauwi sa kanikanilang mga tahahan. “T-tulong! Tulungan niyo ‘ko!” Napatigil sa pagtakbo ang binata ng marinig ang mahina at may pagsusumamong boses ng matanda. Inilibot ang tingin, napako ang atensyon sa matandang nakahiga, pilit na tumatayo at nilalayo ang sarili sa papalapit na apoy sa pwesto. Mapanganib na ang lumapit, sa kanilang distansya ay hindi na rin kakayanin ngunit hindi na naisip pa si Yaji kung ano ang maaring mangyari sa kanyang sarili. Buong bilis na tumakbo papunta sa pwesto ng matanda na walang tigil na nagmamakawa. “Tulong-tulungan niyo po, sir!” Halos maistatwa ang binata sa kalagayan ng matanda. Isang kahoy ang nakabaon sa hita, lapnos ang ibang parte ng katawan na mula sa pagsabog. “Sir.” pagsusumamo nito. Natauhan ang binata. Hinubad ang damit, maingat na tinakip sa katawan nito. “Tiisin niyo po ang sakit.” Pakiusap niya. Tumango ang matanda, napadaing ng unti-unting buhatin ni Yaji ng buong lakas. Lakad at takb na may halong pag-iingat, ang natitirang lakas ay sinisigaw ng saklolo upang matulungan silang dalawa. Ang mahapdi na sikat ng araw ay direktang dumadampi sa balat, tagaktak na pawis na naghahalo mula sa dugo ng matanda. Nanginginig ang buong katawan ngunit hindi makuhang huminto para sa kaligtasan nilang dalawa. Mabilis ang pagkalat ng apoy mula sa pananim, walang oras upang magpahinga kundi ipapahamak nilang dalawa. “Doon! Doon!” Malakas na sigawan ng mga magsasaka ng makita ang binata at ang buhat nitong matanda. Walang pag-aatubili na nagpunta ang ibang magsasaka at rescuers sa kanilang pwesto, nang makalapit na ang mga ito ay nakasigurado na siya na ligtas na silang dalawa. “Dahan-dahan lang.” marahan na may mabilis na pagkilos na inihiga ang matanda sa collapsible stretcher, halos mawalan na ito ng ulirat at hindi mawala ang padaing sa sakit ng hita. Tulong-tulong sila sa pabubuhat, mabilis na tumakbo papalayo sa apoy nasa patuloy na kumakalat ng masagi ng kanyang tingin ang makina. “Mauna na kayo at siguraduhin na ligtas na nakabalik ang lahat.” Utos niya sa mga magsasaka saka dali-daling tumakbo papalayo. Dinig niya ang nag-aalalang pagtawag, sunod-sunod na mura, at pagpapabalik sa kanya ngunit hindi na niya makuhang lumingon pa. Buong bilis na tumakbo sa tractor, laking pasasalamat ng makita ang susi na nakasalpak pa rito. Walang pagdadalawang isip na sumaka at pinaandar. Ang lahat ng nadaanan nito ay nakakalbo, nahahati ang palay at maiiwasan ang mas lalong paglaki ng sunod. Mabilis ang pagpapatakbo, sa side mirror ay nakita ang mga bumbero na nakasunod sa kanya at pilit pinapatay ng apoy. Nilingon ang kinatatayuan ng Hacienda, walang tigil ang paglabas-pasok ng mga ambulasya na nagdadala ng mga sugatan, at ang mga tao na hinahanap ang kanilang mahal sa buhay. Ilang oras ang itinigal sa malawak na sakahan, nanlalagkit sa naghalong pawis at dugo sa katawan, ang lalamunan ay nanunuyot, at tinitiis ang init sa loob. Mula sa taas ng truck ay kita ang halos kalahati ng sakahan na nasunog, ang kalangitan na napupuno ng maitim na usok. Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ang pinawalan. Kasabay na bumababa ang mga bumbero na napula na ang apoy. “Sir, ayos lang po ba kayo?” tanong ng pinuno ng mga ito na mapansin na nababalutan ng dugo. Tumango siya. “Maraming salamat sa tulong at mabilisan niyong pagresponde. Mukhang suki niyo ang Hacienda Nevalga ngayong buwan na ito.” Pabiro niya sa mga ito. “Walang anuman ho, sir. Trabaho namin ang tumulong.” Usal ng mga ito at tumawa. Nagpaalam ang mga ito ng lumapit sa pwesto nila ang hepe ng pulis at kasunod ang imbistiador. Nilagyan ng Police line Barricade Tape ang parte ng nasunog na sakahan. Sandali niyang kinausap ang Hepe ng pulis at sinagot ang ibang katanungan ng imbistigador bago nagpaalam rito, kailangan niya muna mag-ayos, walang pang-itaas na saplot at puno ng dugo, na kahit siya ay hindi na matukoy ang amoy ng sarili. “Jusko!” bulaslas ng Mayordoma ng makita siya at katulad niya ay may iilang bakas ng dugo sa damit nito. “A-anong nangyari sa iyo? May masakit ba? Nasugatan ka ba? Tara, ikaw na muna ang sumakay sa ambulasya.” sunod-sunod na usal, hindima lang siya hinayaan na sagutin ang mga katunangan. “Huwag po kayong mag-aalala, hindi galing sa akin ang mga dugo na ito.” tinignan ang dugo na kumakapit sa pawis na katuloy tumulo. “Naidala ba ng ambulansya ang lahat ng naging sugatan sa pagsabog?” pagkukumpirma niya. “Ang iba ay nagpupumilit na umuwi na sa kanila at doon na lang gamutin ang mga sugat, inaalala ang gagastusin sa pambayad sa hospital ngunit di kalaunan ay pumayag ng sabihin ko na ikaw ang nagpapadala sa kanila at wala ng dapat alalahanin pagdating sa pera. At ang iba na hindi sugatan ay umuwi na ng kanikanilang mga tahanan.” Problemado na usal ng mayordoma saka sunod-sunod na bumuntong hininga. “Jusko, ano ba ang nangyayari sa lugar na ito at sunod-sunod ang pagsabog ngayong lingo!” komento nito. Tahimik ang buong bahay, ang mga kasambahay ay nasa labas na nag-aasikaso sa lahat. Mabilisan na nilinis ang katawan saka dumiretso sa labas ng bahay upang puntahan sa hospital ang mga trabahador na sugatan. Kinain na ng kadiliman ang araw, ang mga bahay ay nag-umpisa na magbukas ng kanilang mga ilaw ngunit ang malawak na sakahan ay nanatiling umaga sa mga ilaw ng sasaksakyan. Nang makarating sa hospital ay agad na pinuntahan, mga nakahilera na sugatan habang ang matanda na siyang pinaka-napuruhan ay nasa loob pa ng ER. Nang makuha ang mga gamot ay isa-isa na umalis ang mga sugatan maliban sa malala ang kalagayan na kailangan manatili sa hospital. May sasakyan na magdadala sa kanikanilang mga tahanan, walang kahit anong narinig ang binata mula rito kundi ang paghingi ng tulong sa susunod na araw mas lalo na’t hindi makakapagtrabaho sa ganong kalagayan. “Huwag po kayong mag-aalala, gagawin ko ang aking responsibilidad sa pangyayari at sisiguraduhin na maibibigay ang mga kikitain sa ilang araw niyong pagpapagaling. Kasama na doon ang gamot at susunod na check-up upang makasigurado na ang lahat ay nasa maayos ng kalagayan.” Pangangako niya sa mga ito. Hindi na niya maibabalik ang oras, iyon na lang ang nag-iisang bagay na maari niyang maitulong na naapektuhan sa kapabayaan niya. Sinigurado na maayos ang lahat na makasakay, mahigpit na binilin sa nagmamaneho na i-uwi ito sa mismong tapat ng bahay. Sunod na pinuntahan ang kwarto ng matanda, naron ang asawa na nagbabantay rito. Tatlong beses na katok bago siya pumasok at tinignan ang matandang tulog pa rin hanggang ngayon. Laking pasasalamat na hindi wala ibang nangyaring masama dito. “Kamusta po ang kalagayan ni Tatay?” tanong niya sa matnda na hindi na pansin ang pagpasok niya saka ngumiti ng lingunin siya ng ginang. “Magandang gabi po.” pahabol na pagbati. “S-sir, magandang gabi rin po.” natataranta na tumayo saka lumapit sa kanyang pwesto. “Pasensya na, hindi ko napansin ang pagpasok niyo. Maayos na ang kalagayan ng asawa ko pero mukhang matatagalan pa bago siya muling makabalik sa trabaho at kanakailangan na matili pa sa lugar na ito.” naluluhang paliwanag. “Mabuti po kung ganon.” Nakahinga ng maluwag ang binata. “Wala po kayong dapat ihingi ng dispensa, bagkus ako po ang dapat na gumawa non. Pasensya na po sa nangyari, ako po ang dahilan kung bakit siya nakahiga ngayon dito.” “Wala kang kasalanan, hijo. Isa iyong aksidente at biktima ka rin sa nangyari, wala naman may gusto na mangyari ang pagsabog at na ikakasakit ng kapwa nila maliban sa naglagay ng pampasabog.” Usal ng matanda na walang bahid ng galit sa mga mata. “Ang inaalala ko ngayon ay ang kalagayan niya, paano namin mababayaran ang lahat ng gastusin sa araw-araw kung heto siya nakahiga at kailangan magpahinga.” “Sagutin ng Hacienda Nevalga ang lahat ng gastusin, magmula sa gamot, hospital at sa araw-araw na dapat ay kikitain ng mga sugatan. Kaya huwag na po kayo mag-aalala kung magtatagal si Tatay rito, mas makabubuti rin po iyon para mas ma-obserbahan ang kalagayan niya.” paliwanag niya rito. Sunod-sunod ang pagpapasalamat ng matanda matapos marinig ang sinabi niya. Nanatili siya doon ng ilang minuto bago pinagpatuloy ang pagbisita sa iba na kailangan manatili sa hospital. Namalayan niya na lamang ang oras ng kumalam na ang kanyang sikmura, tanghalian pa ang huling pagkain niya at madaling araw na ng matapos sa pag-aasikaso. IBINAGSAK ni Yaji ang katawan, tatlong araw na magmula ang kaguluhan, at hindi pa rin mawala ang pulis sa buong sakahan. May iba na nagpatuloy sa pagtratrabaho, kakaunti na lang ang natitirang palay na kailangan sakahin at mas humigpit sa bawat pumapasok na trabahador. Malalim na ang gabi, kauuwi pa lang matapos asikasuhin ang ibang sugatan na lumabas na sa hospital. Marami ang naging sugatan at pinagpapasalamat na walang ibang binawian ng buhay, ang iba ay bumalik na sa pagtratrabaho ngunit tanging malalakas ang loob lang ang muling pumasok sa Hacienda Nevalga matapos ang mga pangyayari nitong nakaraan. “Hello? What do you want?” sagot niya sa tawag. “If it is not important, huwag mo na ‘kong tawagan. I am a busy person.” iritableng dagdag. “Woah? At kailan ka pa naging ‘Busy Person’?” hindi makapaniwala at nang-aasar na tono sa kabilang linya. Akmang papatayin niya na ang tawag ng muli itong magsalita. “Anyways, bibistahin kita d’yan sa mga susunod na lingo. Make sure na may magandang dilag kang maipapakilala sa akin ng magkaroon ako ng libangan habang andyan ako.” mapaglarong tono. “Bahala ka sa buhay mo.” saka pinatay ang tawag at pinikit ang mga mata. “T-tulong! Tulungan niyo ko!” pagmamakaawang sigaw ng sugatang matanda habang ang nakajas ba apoy ay papalapit sa pwesto nito. Napako siya sa kinatatayuan, hindi makagalaw at nilukob ng takot ang buong katawan. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha, tinitignan ang kaawa-awang matanda na tinutupok ng malakas na apoy na buong lakas na sumisigaw ng saklolo. Sa ilang sandali ay nakita ang batang sarili, puno ng dugo ang katawan, at nasa gitna ng nagkakagulong lugar. Nakatingin sa batang babae na sinisigaw ang kanyang pangalan, sumisigaw ng saklolo upang ito ay tumulungan. Tumakbo siya papalapit rito ngunit kahit anong takbo ang gawin ay tila lumalayo ang sunod—hanggang sa makita sa sariling mga mata ang pagbagsak ng nagbabagong kahoy sa pwesto ng babae. Kumirot ang dibdib sa sakit, walang tigil ang kanyang pagluha ng may magsalita sa kanyang tabi. “Duwag ka, hindi mo ‘ko niligtas, hinayaan mo ‘kong mawala. Duwag ka, kuya! Duwag ka!” may galit ang mata ng batang babae na sinisigawan siya. “No, hindi, please, huwag mong sabihin iyan.” parang baliw na iiling-iling, tinakpan ang tenga saka pilit na lumalapit sa nakababatang kapatid. “Bakit hindi mo ‘ko niligtas? Duwag ka, kuya.” muling usal nito na patuloy sa paglayo sa kanya. “Hindi! Hindi ako duwag, huwag mong sabihin ‘yan.” pagmamakaawa ang tono ng boses niya ngunit patuloy pa rin ang pag-echo ng boses nito sa tenga niya. “Hindi!” Habol ang hininga na bumangon mula sa pagkakahiga, pinunasan ang namumuong pawis sa noo. Madilim pa sa labas, nang tignan ang oras ay saktong alas-diyes pa lamang. Ilang oras din siyang nakatulog, kumakalam pa rin ang kanyang sikmura sa gutom. “Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?” pagak na tumawa, tinangala ang pinakamanining na bitwin sa kalangitan. “Nakita mo ba ang ginagawa ko? Nailigtas ko ang matanda na hindi ko nagawa sa iyo—na mismong kapatid ko.” dagdag pa niya. Nanatiling nakatingala, malungkot na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha. Maya-maya ay pagak na natawa. Tahimik ang buong Hacienda Nevalga, maagang nagpahinga ang lahat matapos ang mahabang tatlong araw na naging abala. Impossible na makabalik pa siya sa pagtulog, hindi siya titigilan ng bangungot kaya’t pinagpasyahan na lumabas na lang. “Sana lang ay hindi pa siya nagpapahinga.” usal niya saka sumakay sa paboritong kabayo. Pasimple at walang ibang ginawang ingay ang binata, lumabas ng gate na hindi nagigising ang ibang nagpapahinga. May iilan pang tao sa labas, may iba na malalakas pa ang volume ng kanilang pinapanuod na drama, at may iba na papauwi pa lang sa kanikanilang mga tahanan. Matiwasay siyang nakapunta sa compound, laking pasasalamat ng walang ibang tao at lahat ay nasa kanikanilang mga tahanan na. “Hindi talaga siya nag-iingat, paano kung pasukin siya ng akyat bahay.” naasar na gagad ng makita ang bukas na binatana ng bahay. May ilaw pa sa loob, mukhang nanunuod pa ito ngunit kahit na! Gabi na, delikado na mas lalo na’t mag-isa lang siya sa tinitirhan. Kumatok sa pinto, ilang minutong pinag-isipan kung san papasok kung sa binata o sa pinto pero sa huli ay naisipan niyang kumatok. Baka hindi pa siya nakakaayat ay mapatalsik na siya kaagad, gusto niya itong guluhin at bagkus ay sinabi niya dito na babalikan pagtapos ng gulo. “Gabi na, huwag mong sabihin na mangbubulabog ka pa?” bungad nito ng buksan ang pinto. “Good evening, my Rae.” pagbati niya saka dirediretsong pumasok sa loob kahit hindi pinapasok ni Myle. “Siguradong masaya at buo na ulit ang araw mo dahil nakita mo na ‘ko. Ilang araw din ‘yon, sigurado akong miss na miss mo na ‘ko—” “Nabalitaan ko ang ginagawa mong pagligtas kay Tatay Jose.” putol ni Myle sa sasahin niya saka sinara ang pinto bago siya hinarap. “Akala ko ay hanggang gandang katawan lang ang meron ka pero walang lakas.” dagdag pa nito. “Aminado ka na maganda ang katawan ko.” Naniningkit ang mga mata, ang ngiti ay abot tenga. “Sinasabi ko na nga ba ay nagpapakipot ka lang para mapansin kita.” bumalik na naman sa pagbubuhat ng bangko. “Hindi ako impokrita para sabihin na panget ang katawan mo dahil maganda naman talaga, mas lalong hindi ako pakipot at nagmamaldita para mapansin mo. Ikaw ang pumasok sa bahay ko na walang pahintulot ko, pilit ginugulo ang tahimik buhay ko.” Pag-amin nito. Ngunit hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ni Yaji, mas lalo ng makita ang iritableng mukha ng dalaga. Sobra siyang natutuwa pag nag-uumpisa na ito magsalita, ang nakakunot na noo, at nagdidikit na mga kilay nito ang talagang nakakaagaw ng atensyon niya. “By the way, kumain ka na?” Ang kaninang galit na ekspresyon ay napalitan ng malumanay na mukha, sinusuyod ng tingin ang kabuohan ng binata. “Ilang araw lang ang lumipas pero masyado ka ng namayat. Kumain ka na muna, may natira akong ulam na binigay nila Aling Nena, sandali at ipaghahanda kita.” Sumunod siya sa kusina, nakitang hinihanda na ni Myle ang pagkain sa mesa. Naupo siya sa madalas na pwesto, tinitigan ang bawat kilos nito. “Hindi ka ba magtatanon kung ano ang nangyari sa Hacienda Nevalga at kung bakit ako natagalan makabalik dito?” siya ang naunang magtanong ng wala siyang matanggap na kahit anong katanungan dito. “Kalat sa buong baryo ang nangyaring pagsabog, kung ano-ano na rin ang haka-haka at nakakatakot na kwento ang ginagawa nila kaya hindi na kailangan pa. Bukod doon, ano naman ang magagawa ko kahit malaman ko pa ang bawat detalye ng pangyayari.” Hindi ko naman ugali na mangealam sa problema ng iba at sa paligid ko. “Sa pangalawang pagsabog, hindi ang makina ang pakay nila kundi manakot.” pag-uumpisa niya magsabi ng obserbasyon sa nangyayari. Hindi katulad ng una, ang tanging pakay ay mawala ang makita at maingat ang pagkakagawa na walang ibang masasaktan ngunit ang nangyari nakaraang araw ay upang makapanakot ng iba. “Marami ang naging sugatan sa ginawa nila, ang iba ay halos hindi na makalakad at muntik ng mabawian ng buhay. Mga wala silang awa.” nangangalaiti sa galit na usal nito. “Mabuti na lang ay nadala ang lahat sa pera kundi ay hindi ko alam kung paano pa mareresolba ang mga ito.” pagmamalaki pa ng binata. Napigting ang tenga ni Myle sa narinig. “Sa tingin mo ba ay makukuha ang lahat gamit ang pera na sinasabi mo?” kalmado ngunit may kakaibang tono sa boses nito. “Ikaw na ang nagsabi na hindi ka impokrita, alam mo na ang sagot sa bagay na iyan kung babase ka sa reyalidad ng buhay. Ikaw, ayaw mo yumaman, maging sikat, at magkaroon ng antas sa buhay?” pagbabalik ng tanong ni Yaji rito. “Bibilang na lang sa kamay ang mga taong hindi bumabase sa pera.” “At kung sabihin kong ayaw kong yumaman, sumikat, at magkaroon ng antas sa buhay, matatawag mo ba akong impokrita?” pagak na tumawa ang dalaga saka nilapag ang pagkain sa mesa. “Gabi na, ayaw kong masira ang araw na ito sa lumalabas na sa salita sa bibig mo.” dagdag pa niya. Karamihan sa mga magsasaka ay kumakapit sa patalin dahil sa kahirapan ng buhay na kahit kailan ay hindi nakita ng nasa itaas, minamaliit pa at sinasabihan na mangmang dahil sa hindi nakapag-aral. Ngunit sino nga ba talaga ang tunay na mangmang sa dalawa, ang magsasaka na patuloy na kumakayod upang may pangtustos sa pang-araw-araw, o mga tao sa itaas—na silang dapat na tumutulong—pero siyang mga naglulugmok sa mga magsasaka, pilit na kinukuhaan ng karapatan, at tunay na walang alam sa hirap sa initan. Isang kahid, isang tuka. Tunay ngang ganon ang karamihan sa mga dukha, kung hindi nila kukunin ang pagkakataon ay kailan pa? Katulad ng mga magsasakang naging biktima ng pagsabog, na mas pipiliin ang manahimik kapalit ng maliit na halaga. “Hindi.” Ngumiti ito. “Alam ko na hindi ka tulad ng iba, kung habol mo ay pera baka ngayon ay ikaw na mismo ang naghubad para akitin ako at mapabilang sa pamilyang Nevalga.” dagdag pa nito. “Ngunit hindi mababago ang katotohanan na ang pera ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay.” pagtayo ng binata sa paniniwala. “Ang ibang doctor ay hindi mo mapapagalaw upang magsalba ng buhay kung wala kang pangbayad—minsan ay pagpasok mo palang sa hospital ay hindi ka na papansinin pa. Pulis na ipagtatanggol at pilit na pagbabaliktarin ang tama at mali dahil angat sa buhay ang may kasala. Ang hustisya na para lang sa may pera at may posisyon sa buhay.” Hindi makaimik ang dalaga, iyon ang katotohanan sa mundong ibabaw. Ang mga taong gagawin ang lahat para sa pera, hindi mapapagalaw kung walang kapalit na salapi, at ginagawang diyos ang may kaya. Ang malungkot na katotohanan na hindi na maiwawaglit. “Hindi lahat—” hindi pinatapos ng binata ang sasbahin niya. “Oo, hindi ko nilalahat. Ang iba ay tunay na may puso at mahal ang kanilang ginagawa.” putol nito sa kanya saka ngumiti. “Sa wakas, sa argumentong ito ay ako rin ang nagwagi.” biro niya. Inirapan lang siya ng dalaga na hindi na muling makaimik. Masaya siya, sa bibilang na tao na hindi nilamon ng pera ay nakakilala siya ng isa—ang dalaga na ubod ng sungit na hindi magpapatalo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD