Chapter 08: Mang-aawit

3549 Words
Nitong nakaraan ay naging magulo ang lahat, ilang pagsabog ang naganap at maraming sugatan. Laking pasasalamat ng lahat na hindi na ito muling naulit pa nitong mga nagdaan, ngunit maraming mga magsasaka ang nawalan ng hanap buhay ng ilang mga araw at ganon din ang malaking nawalang kita sa Hacienda Nevalga na isang naging biktima. Hindi pa tumitilaok ang manok ay mulat na ang mata ng dalaga at ninanamnam ang kapeng baracco habang ang matalik nakaibigay inaaral ang mag sangkap na nasa listahan. Sila ang naatasan na magpunta sa palengke, ang mga matatanda ay nagkakatay ng baboy na siyang magiging sentro ng mga putahe. “Nailista mo na ba ang laat ng mga kailangan mo rito?” baling nito bago tinaas ang papel na hawak. “Baka may nakalimutan ka pang ilagay, isipin mo ng mabuti para hindi na tayo pabalik-balik.” agad na dugtong. “Sa atin dalawa, ikaw ang dapat kong sabihan niyan.” tugon ni Myle bago inubos ang inumin ganon na rin ang tinapay. “Tara na, umalis na tayo, baka naghihintay na si Mang Emman.” aniya bago tumayo. Sumunod ang dalaga, sinigurado ang pera na dala upang hindi maging abala. Sandali silang nagpaalam na aalis na, muling tinanong kung may nakalimutan pa at nang masigurado ng wala sa ika-limang pagkakataon ay saka sila umalis. “Sinabihan mo ba si Mang Emman na maaga tayo aalis ngayong araw?” Kabilin-bilinan niya sa kaibigan na huwag kakalimutan na ipaalala ang oras ng alis nila sa matanda ngunit sampong minuto na silang naghihintay, wala pa rin ang kanilang sasakyan. “Maghintay ka lang, darating din iyon.” kalmadong usal at may ngiti pa sa mga labi nito. Wala siyang tiwala sa tuwing kalmado ang kaibigan, siguradong may binabalak ito o hindi nagawa ang isang bagay na binibilin dito. “Wala akong tiwala sa mga ganyan mo, Irene. Aminin mo, hindi mo napaalala ulit ang oras ng alis natin ‘no?” pagpapaamin niya rito ngunit iiling-iling lang ito at mas lalong lumaki ang ngiti na nakatingin sa malayo. Nilingon niya ang tinitignan nito, bumulaga ang nakakasilaw na liwanag mula rito. Nang buksan niya ang mga mata ay unti-unting naaninag, ang lalaking ala-modelo kung maglakad papunta sa kanilang pwesto. “Ano ang ginagawa mo rito?” nakakunot ang noong tanong niya kay Yaji na maganda ang ngiti saka nilingon ang kaibigan. “Ano ang ibig sabihin into?” tanong niya rito. “Nag-alok siya na sasamahan tayo sa palengke, sayang ang pamasahe kaya pumayag na ‘ko para makatipid. Ito walang bayad, aircon pa ang sasakyan at walang kahirap-hirap.” pagrarason nito. “Good morning.” Malanding bati ni Yaji saka nilingon ang kotse. “Tara na, tayo na ‘t mamalengke.” pag-aaya nito. Walang sabi-sabi ay pumasok sa loob ng sasakyan si Irene, iniwan siyang maisa habang nakatingin sa binatang binuksan ang passenger seat para sa kanya. Walang emosyon ang tingin niya, napilitan na pumasok sa loob at maupo sa tabi nito. “Seatbelt—” akmang ikakabit nito ang seatbelt ng unahan ng dalaga ang pagkakabit sa sarili. Wala sila sa telenobela, kaya niyang magsuot ng seatbelt na mag-isa at sa napapanuod ay alam niya na ang susunod na gagawin nito. “Good.” kinindatan pa siya nito at nag-umpisa na ang pagmamaneho. Sa buong byahe ay nanatili siyang tahimik, samantala ay nag-uusap ang dalawang kasama patungkol sa iba’t ibang bagay. Mukhang magkasundong-magkasundo dahil nagtatawanan pa. Isa ‘t kalahating oras bago makarating sa palengke, dito binabagsak ang lahat ng sangkap na kanilang kakailanganin at binibilhan ng bultahan ng mga negosyante na dadalhin sa iba’t ibang mga palengke. Inunahan niya na sa pagbukas ng pinto ang binata, baka isipin muli nito na gustong-gusto niya ang pinagbubuksan at magdala na naman ng ipo-ipo sa buong lugar. “Irene, mag-umpisa na muna tayo sa pampalasa saka isunod ang iba pa.” baling niya kay Irene at inilahad ang kamay. “Akin na ang listahan ng mga kailangan bilhin ng walang makalimutan.” Iniabot ni Irene ang mahabang listahan, dala ang malalaking ecobag na paglalagyan. “Ang sabi ni tatay, kung may ipapadagdag ka pa raw ay ilagay na rin sa listahan.” anito. Tumango siya saka nauna nang maglakad, hindi pinapansin ang binata na nakasunod lang sa likod nila. Mukhang ito ang unang beses na makapunta sa ganon na lugar, panay ang iwas sa mga nagsisiksikan na mga tao kahit hindi maiiwasan. “Kayo na ang pumasok sa loob, maghihintay na lang ako rito.” usal ni Yaji bago tinuro ang pinto ng palengke na wala gaanong tao. “Bakit kasi nagprepresinta ka pa sumama kung hindi mo gusto ang ganitong lugar.” pagsusungit niya saka ito inirapan. “Siguraduhin mo na d’yan ka lang, wala kaming oras para hanapin ka kung tapos na kaming dalawa.” paalala niya. “Binibini, hindi pa sumisikat ang araw at kakatilaok pa lamang ng mga manok ngunit kumukulo na ang iyong dugo. Ikalma mo ang sarili, hindi ako aalis sa pwesto.” sabay kindat nito. Inirapan ito ni Myle saka hinila papasok sa loob ng palengke ang kaibigan. Mas mabuti na rin ang nagpaiwan, pampasikip lang ito sa loob at baka mamroblema pa siya kung sakaling may gawin na kalokohan. “Ano ba kasi ang naisipan mo at isinama mo pa siya rito?” irritable na tanong kay Irene. “Baka mamaya ay mapahamak pa siya at tayong dalawa pa ang sisihin ng pamilya niya.” dagdag pa niya. “Para makatipid ng pamasahe?” patanong na tugon ng dalaga saka ngumuso. “Nabanggit ko sa kanya ang pagpunta natin rito kahapon ng hinahanap ka niya, nagpumilit siya na sumama sa atin para makatulong, at inalok ang sasakyan. Sino ba naman ako para tumanggi?” pa-inosenteng tono na nagpapaasar sa kanya lalo. “Sabihin mo ay sinasadya mo lang talaga—” pinutol ni Irene ang sasabihin niya. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, sinabi ko na sa iyo ang katotohan. Magtatampo na ‘ko sa isa pang pagkontra na lalabas sa labi mo, tingin mo ata sa akin ay kaya kitang ibenta.” usal nito. Pinakatitigan niya ang kaibigan, sunod-sunod na bumuntong hininga ang pinakawalan, at hindi na umimik pa. Seryoso na ito, pagdating sa pagtatampo ay walang makakatalo kay Irene, hindi niya ito matiis kaya mas maganda na paniwalaan na lang ang sinasabi nito. Hindi na nagsayang ng oras, kinuha at binayaran na ang kanilang mga kailangan. Matapos ang dalawang oras ay malapit na nila matapos ang nasa listahan, parehas na mabigat ang dalahin sa magkabilang kamay kaya’t napagpasyahan na sandaling magpahinga. “Dalhin na muna natin ang mga ito sa lalaking ‘yon ng magkaroon naman ng ambag kahit sa paglalagay lang ng mga ito.” suhestiyon niya bago hinilot ang braso nanakit, mukhang na bigla ito sa pagbubuhat ng mabigat. “Nasaan ba ang isang iyon? Ang sabi niya ay dito lang siya maghihintay sa ating dalawa.” dinig niyang bulong ng kaibigan na hinahanap ng mata ang binata. Hindi na siya umaasa, para naman kayang pumirmi ng lalaking iyon sa isan lugar. Malamang ay kung saan-saan na iyon na papadpad. Magmula ng dumating ito sa Baryo Macapagal ay hindi niya ito nakitaan na nanatili sa loob ng Hacienda Nevalga, bagkus ay madalas ay nasa lamierda at naglalakwatsa, walang iniisip na trabaho basta lang ay makapagsaya. Na kahit ang Mayordoma ay problemado dito. “Yaji, saan ka ba galing?!” Nilingon niya ang binat, natulala sa nakita ng makita ang dala. Isang malaking—"At ano ang gagawin mo d’yan?” nagtatakang dadagdag ni Irene. “Malalaman niyo mamaya,” pa-misteryosong tugon, bumababa ang tingin sa malalaking bag na hawak ng nila. “Akin na ang mga iyan, dadalhin ko na sa sasakyan.” “Hindi kaya mapigtas ang braso mo?” nakataas ang kilay na tanong niya saka inilayo ang hawak na ecobag. “Tara na, dalhin na natin ang mga ito ng matapos na ang lahat ng nasa listahan.” saka naunang maglakad papunta sa kung saan naka-parking ang sasakyan. Samantala, naiwan si Irene at Yaji, nakatingin sa papalayong dalaga na may pagtataka sa mukha. “Ano ang nangyari doon? May ginawa ba akong hindi maganda na hindi niya na gustuhan?” tanong ni Yaji. “Wala naman, baka may dalaw lang kaya kanina pa nagmamaldita.” kibit balikat na tugon nito saka sabay na sumunod sa papalayong kaibigan. Hindi niya talaga maintindihan kung paano mag-isip ang mga babae. Sasabihin ng mga ito na ayaw nila ang isang bagay kahi gustong-gusto nila ito, pagsinuyo ay nagagalit at pagtumigil o hindi sinuyo ay mas lalong magagalit, at magaling ay kung kailan nagtatampo ka ay sasabayan nila—mas galit pa sa iyo. Iiling-iling si Yaji na sumunod sa mga ito. “Masakit na ang balikat at kamay ko sa pagbubuhat, pwede ba magpahinga na muna tayo kahit sandali?” pakiusap ni Irene na nakatingin sa akin na may nagpapaawang mga mata. “Kakaunti na lang ang hindi natin naibibili, hindi na tayo magtatagal kaya magpahinga na muna tayo kahit sandali.” dagdag pa nito. “Mamaya ka na magpahinga, kakaunti na lang ito at hindi na magtatagal kaya mas mabuting tapusin na natin ng makauwi na rin tayo sa atin.” pagpupumilit niya sa matalik na kaibigan na tamad na tamad na nakaupo sa loob ng sasakyan. “Leng, pagod na ‘ko, hindi naman ako sanay sa pisikal na trabaho.” muling reklamo bago binalingan ang binata na nakatingin sa kalayuan, “si Yaji na lang ang isama mo, ikaw na nagsabi na wala pa siyang ambag sa lakad na ito maliban sa pagmamaneho. Pst! Yaji, samahan mo daw si Leng sa para tapusin bilhin ang mga nasa listahan.” tawag nito. “Sure!” walang kahit anong reklamong pagsang-ayon na may ngiti pang nakakaloko. “Wala naman sa aking problema kahit saan pa tayo magpunta basta’t ikaw ang kasama.” pagbanat pa nito. “Oh, iyon naman pala, wala ng problema!” ngiting wagi na usal ng dalaga saka iniabot ang resibo at lalagyanan ng pera. “Enjoy kayong dalawa! I don’t mind kung magtatagal kayo basta hayaan niyo na muna ‘kong magpahinga rito.” anito bago sinara ang pinto na walang kahit anong sabi-sabi. “Irene!” malakas na tawag ni Myle sa kaibigan at kinakatok ang tinted na bintana ng sasakyan. “Tara na, hindi mo na kailangan mahiya. Kung sakaling may lalapit at tumingin sa akin ay ipaalam ko na sa iyo ako.” mahangin na usal nito, inaayos-ayos ang buhok na nakatingin sa sariling repleksyon. “Parang gusto ko naman na malaman nila iyon.” inirapan niya ang binata saka inayos ang hawak. “Pumasok na tayo, tigilan mo ang pagiging mahangin dahil baka ikaw ang paliparin ko.” saka ito nilagpasan. Malaking ang ngiti na pumasok sa loob ng palengke, kakaunti na lang ang tao sa loob kumpara kanina ngunit hindi pa rin maiiwasan ang magsiksikan. Walang siyang narinig na kahit ano mula sa binata, inaalalayan pa siya sa tuwing maraming sasalubong sa kanila. “Dahan-dahan. Basa ang daan baka madulas ka.” paalala ng binata na nanatiling nasa likod. Ini-snob niya ito saka nagbayad, hindi siya nitong hinayaan na magbitbit ng pinamili kaya’t hindi na mas lalo pang sumakit ang braso niya sa pagdadala. Kalahating oras na pakikipagsiksikan ay nakalabas na sila, may kalakihan pa ang pera na natira sa pinadala sa kanya. “Sandali, bibili na muna ‘ko ng makakain at inumin natin.” paalam ng binata sa kanya saka nagpunta sa isang tindahan. Parteng likod sila ng palengke lumabas, malayo kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan. Sa dami ng tao sa loob na naglalabas pasok ay parehas silang nahirapan lumabas kung saan sila pumasok. Maliwanag ang buong lugar, bukas na rin ang mga tindahan magmula sa alahas, palamuti, pangdesenyo ng bahay, at kung ano-ano pa. Nagpunta siya sa gilid upang di maka-istorbo sa daan ng mapansin ang isang alahas na kuumikinang habang natatamaan ng liwanag. “Good morning, ma’am. Gusto niyo po ba tignan?” pag-aalok ng sales lady saka tinuro ang tinitignan. “Ang galing niyo po mamili, siguradong bagay po sa inyo kung nakasabit na sa leeg niyo. Itong kwintas ay nag-iisa lang, ang may-ari ng shop mismo ang gumawa at nagdesenyo. Purong ginto po ito—” “Hindi ako bibili, tinitignan ko lang.” Agad na umasim ang mukha ng babae sa sinabi niya, kita niya ang pag-irap nito sa kanya at bumalik sa kinauupuan. Imbis na patulan ay ngumiti lang siya rito. Una pa lang ay wala naman siyang sinabi na bibilhin niya ito, hindi niya naman sinabi na magdakdak ito ng magdakdak sa harapan niya. “You like it?” Napatalong siya sa gulat ng magsalita si Yaji sa gilid niya. Hindi niya naramdaman ang paglapit at pagdating nito. “Gusto mo nito?” muling ulit nito. Umiling siya. “Hindi, tinignan ko lang.” tugon niya saka umayos ng tayo. “May bibilhin muna ‘kong kakainin, dito ka lang at huwag na huwag kang aalis kundi talagang iiwan kita mag-isa.” aniya rito. “Yes, boss!” saludo nito na parang sundalo. Inirapan niya ito, iniwan mag-isa sa pwesto na iyon, saka nagpunta sa hindi kalayuan na pwesto ng binata upang bumili ng meryenda. Di nagtagal ay bumalik din siya sa pwesto nito, nanatili ito doon sa ganong pwesto at kapansin-pansin ang malaking ngiti ng sales lady habang nakatingin dito. “Ano ang nangyari at ngiting-ngiti ang sales lady? Nilandi mo ‘no.” Naniningkit ang mga mata niyang tanong dito saka muling binalikan ng tingin ang babae na kumakaway pa sa kanila. Sinulyapan ito ng binata. “Kahit sino naman ang makakita sa akin ay ganon ang magiging reaksyon, sa gandang lalaking kong ito ay siguradong kahit sa panaginip ay andoon ako.” Sabi niya nga, sana ay hindi na iya nagtaka pa sa isasagot nito sa kanya. Hindi na dapat kagulat-gulat iyon mas lalo na puro hangin ang katawan at pagbubuhat ng bangko ang tanging alam. Mas magugulat na lang ata siya kung bigla itong naging humble—hindi niya lubos maisip kahit ngayon pa lang. Naabutan nilang masarap ang tulog ni Irene, hindi na nag-abala pang gisingin at tinirhan na lang ng makakain. Habang nasa byahe ay nanatili silang tahimik, malapit na sumikat ang araw at kumakalam na rin ang kanilang mga sikmura. NAKARATING sila sa baryo ng tirik na ang araw, ang lahat ng tao sa compound ay abala na rin sa pagtulong sa paghahanda, at ang mga bata ay bibong sinusunod ang utos ng mga matatanda. “Leng, mabuti naman at andito kayo, ano ‘t natagalan ang pagdating niyo?” salubong ni Mang Artur na tumutulong sa kanila sa paglalabas ng pinimili sa bumber ng sasakyan ni Yaji. Ang mga Marites ay aktibo na rin, ang mga mata ay parang laser na kumikilatis sa kanila. “Masyado pong maraming tao, mahirap sumingit at makabili ng maayos.” paliwanag ni Yaji na akala mo’y siya ang tunay na naghirap sa pamimili. “Gano’n ba? Maraming salamat sa pagtulong mo sa kanila, naabala ka pa namin para ipagmaneho sila hanggang sa bagsakan.” may ngiti na usal ng matanda. “Wala po ‘yon, ako po ang nagpresinta na maghatid sa kanila at tumulong sa inyo ngayong araw.” Inulan muli ng puri ang binata na maganda ang ngiti, masayang-masaya na makuha ang atensyon ng iba. Natigil lang ang mga ito ng may magsalita sa likod nila, si Mang Emman na sakay ang videoke sa karton na dala niya. “Arturo, saan ko ilalagay ito?” tumulong ang iba sa pagbaba ng videoke. Itinuro ng matanda kung saan ilalagay ang videoke, inayos na rin ito kaagad ni Mang Emman na may-ari nito. Kilala si Mang Emman sa kanilang lugar dahil sa mga videoke na pinarerentahan sa tuwing may kasiyahan, may sariling mga motor, karton na kanilang pinagkakakitaan. “Ayos na, pre. Ako na muna ang magbwenamo sa pagkanta.” paalam nito saka namili at nag-umpisa na bumirit sa micropono. “Mang Artur, magpapahinga na muna ‘ko saglit at iidlip.” Pagagaw niya ng atensyon ng matanda. Maaga pa para lutuin ang kanyang parte na hindi naman katagalan gawin. “Mag-umagahan na muna kayo bago magpahinga, tinapay lang ang kainin niyo kanina—” bumaling ito kay Yaji na nasa tabi ng dalaga. “Yaji, sumabay kana kay Leng, ipahahanda ko na kay Leng ang pagkain niyong dalawa.” usal nito. “Salamat po, Mang Artur.” ngiting wagi na usal ni Yaji bago nang-aasar na tumingin sa kanya. “Hihintayin na lang po namin sa bahay ni Rae.” kulang sa lihang usal dagdag niya. “Itabi mo ang sasakyan, masyadong nakakalat sa daan. Mamaya ay iuwi mo ‘yan, maraming bisita at baka magasgasan pa ang mamahalin mong kotse.” Walang kahit anong emosyon na turan ng dalaga kay Yaji, akmang tatalikod na ito ng malakas na may sumigaw sa micropono. “Sir Yaji, kantahan mo naman ang mga kadalagahan na kanina pa sa iyo nakatitig.” pag-aagaw ng atensyon ni Mang Emman. Namutla ang mukha ng binata, hindi ‘yon halata ng iba dahil natural na ang pagiging maputi ng kutis niya. Tumigil sa paglalakad si Rae, kahit ang mga tao na nasa loob ng bahay ay lumabas upang tignan ang kaganapan at ang mga kababaihan ay nagtitilian—kinikilig sa nangyayari. “Pasensya na—” bago pa matapos ang sasabihin ay iniabot na dito ang micropono at songbooks. “Mamili ka kung ano ang gusto mong kantahin, ako na ang maglalagay.” taas-baba na usal ni Mang Emman. “K-kahit ano.” sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Myle ang itsura ng binata na hindi sigurado at hindi nagdadala ng sariling banko. Naupo siya sa pinakamalapit na upuan, interesado siyang marinig ang boses nito mas lalo na’t hindi ito kompyansa sa gagawin. “Go, Pogi!” sigaw ng baklitang kinikilig sa gilid na sinundan ng matinis na tili. Nanatiling namumutla ang binata, nag-umpisa na ang entrada ng kanta at parehas silang nagkalingunanan sa isa’t isa, hindi katulad ng nakasanayan ay di ito ngumiti. “Jopay, kamusta ka na?” At sa unang apat na salita ay naistatwa ang lahat, ang mga nagtitilian ay napatigil at ang mga aso ay nag-umpisang magkahulan. Kagat ang ibabang labi, pigil kumawala ang tawa sa kanyang bibig. Kahit ang aso ay natatakot sa sintunado nitong boses. Nagpalakpakan ang mga manunuod, mas lalo pang bumirit ang binata na mas nagpapatulili sa tenga ng mga manunuod. Hingal itong natapos, may pag-bow pang nalalamana at akmang kukunin ang song book upang pumili ng bawiin iyon ni Mang Emman kasama ang micropono. “Mas mabuti pa atang mag-umagahan na muna kayo ni Lengleng.” usal nito. “Gusto ko pa kumanta—” “Hindi na, give chance to others.” hindi na mapigilan pa ni Myle habang pinapanuod ang dalawang nag-aagawan ng mic. Tuluyan na niyang pinakawalan ang tawa, humahagalpak sa gilid na tuwang-tuwa at halos sumakit na ang tiyan ngunit di niya kayang pigilan pa. “S-sorry! S-sorry!” usal nito at pilit pinakakalma ang sarili. Umalis siya sa harap ng lahat, nagpunta sa bahay at pinagpatuloy ang pagtawa. “Ang saya mo ah?” masama ang tingin na usal ni Yaji. “Baka kabagin ka niyan, magpururot ka pa.” pahabol nito na sumunod sa kanya. Pinakita niya ang gitnang daliri sa binata, tawang-tawa talaga siya sa tuwing naaalala ang mukha nitong todo bigay sa pagkanta, ang mukha ng mga nakikinig, at walang tigil na pagkahol ng aso hanggang sa matapos ito sa pagkanta. “A-ang boses mo—pati ang aso ay natutuli sa sintunadong pagkanta mo.” Muling humagalpak ito ng tawa, pilit na hinahabol ang hininga, ngayon lang muli siya nakatawa ng ganito. “At talagang todo bigay ka pa sa pagkanta habang ang lahat ay napilitan na lang palakpakan ka.” dagdag pa nito. “Makatawa ka akala mo ay maganda ang boses mo.” humahaba ang nguso at masama ang loob na bulong-bulong ng binata sa pwesto nito. Ilang minuto ang lumipas, pumasok sa loob ng bahay si Irene bitbit ang pagkain nilang dalawa. Nang mailapag ang pagkain ay bumaling ang tingin sa binata na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. “Ganda ng boses mo, Yaji, huwag ka na ulit uulit.” pang-aasar ni Irene na mas lalong kinahaba ng nguso ni Yaji, samantala ay muling humagalpak ng tawa si Myle sa sinabi ng matalik na magkaibigan. Hindi na nagtagal si Irene, nagpaalam na itong babalik sa gawain. Pinaghandaan niya ang binata na nanatiling tahimik sa pagkakaupo, bumubulong-bulong na magkadikit ang mga kilay. “Tama na iyang panlulumo mo, siguradong hindi na iyon mauulit dahil di ka na makakahawak pa ng micropono.” pang-aasar ni Myle bago sumandok ng pagkain. Tumalim ang tingin ni Yaji, sunod-sunod na bumuntong hininga at hindi mawala sa isipan ang kahihiyan niya ngayong araw. Oo nga ‘t maganda siyang lalaki, mayaman at ubod ng gwapo pero ang pagkanta ang nag-iisa niyang kahinaan. Tahimik silang kumain, sinigurado na sakto lang ang kanyang kinuhang pagkain. Nang matapos, dumiretso na ang dalaga sa kwarto upang makapagpahinga. Samantala, ay naiwan siya sa salas, balak niya pa naman itong haranahin ngunit huwag na lang—baka ang mga aso pa ang maging singer niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD