Naalimpungatan si Myle sa ingay ng paligid, dalawang oras na magmula ng makarating sila ngunit ramdam niya pa rin ang pagod, mas lalo na ang balikat na napwersa ng mamalengke sila. Bumangon na siya, hindi na siya makakabalik pa sa pagtulog mas lalo na’t ganon kaingay ang nakapaligid sa kanya, mas mabuti na umpisahan ang nakatokang gawain para sa kanya.
“Ano ang ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ni Myle sa binatang bumungad sa kanya, suot ang pink na apron at abala abala ito sa pagbabalat ng mga sangkap sa mesa. “Apron ba iyan sa bahay ko?” ng makilala ang apron na suot nito.
“Hiniram ko muna,” nginuso nito ang suot, “hindi ka ba talaga nakikinig sa sinasabi ko kanina, tutulong ako sa paghahanda dahil inimbitahan din ako katulad mo.” dagdag pa nito.
“Alam ba ni Maling Merna na pinakekealaman mo ang kusina niya?” Kilala niya ang ninang, ayaw na ayaw nitong pinakekealaman o may ibang pumasok sa loob ng kusina niya na walang pahintulot.
“Syempre naman, siya pa nga ang naglagay sa akin dito dahil maraming sumusunod at umaaligid kung sa labas ako magluluto. Hayst, minsan, ito ang hindi magandang bagay sa pagiging lapitin.” Iiling-iling at problemadong turan nito. Bakit nga ba niya kinauusap ang isang ito?
“Leng, pinabibigay sa iyo ni tatay!” Ibinababa ni Irene ang mga bukas na buko at ang nakababatang kapatid nito ay inilapag ang sabay na mula rito. “Ang dami ng pinaluluto, sabihin mo sa akin kung kailangan mo ng panghalo nasa labas lang ako at paikot-ikot para sumunod sa mga utos.”
Hindi rin nagtagal ay lumabas na ito ng kusina, muli silang naiwan ni Yaji na abala pa rin sa ginagawa. Nag-umpisa na rin siya sa pagkakayod ng buko, hinahanda ang lahat ng sangkap na kakailanganin bago mag-umpisa magluto.
“Ang daming pagkain at putaheng inihanda, sabi ni Mang Artur ay wala naman silang inimbitahan. Sa tingin mo ay may kakain nitong lahat mamaya kung wala naman silang inimbitahan na iba?” nagtatakang tanong ni Yaji. Oo nga pala, nagmula ito sa syudad na may ibang paniniwala at kinalikahan sa paligid.
“Asahan ang hindi inaasahan. Sa tuwing may kainan ay siguradong dadayuhin ng iba kahit hindi pa inimbitahan—walang inimbitahan, kusang kakalat ang balita patungkol sa handaan. Kaya kung magkakaroon ng celebrasyon ng kaarawan o kahit ano pa man ay siguraduhin na makakain ang lahat, kahit hindi pa bisita iyan.”
Iyon ang kaugalian na hindi mawawala sa mga tao sa probinsya, ang lahat ay tinuturing nilang pamilya at kahit gaano pa kahirap ang buhay ay hindi ka nila titipirin sa pagkain. Kaya kahit hindi imbitado, bukas palad na tinatanggap ang mga dumarating.
“Hindi ba sila nahihiya? Like, hindi naman sila imbitado peo kusa silang nagpupunta.” nagtatakang tanong nito, mukhang inosente sa mga nangyayari sa paligid. “Kung nasa syudad ay iisipin ng iba na party crasher.”
“Bakit naman sila mahihiya magpunta kung halos araw-araw ay magkakasama sila. Ikaw ba, kung birthday celebration mo, kailangan mo pa ba bigyan ng papel na invitation ang mga kaibigan mo—”
“Yes. Hindi sila papasukin kung wala silang maipakita.” Putol nito saka mahinang natawa. “Pero sa lahat ng birthday parties ko ay iisang kaibigan lang ang andoon, puro mga ka-negosyo ng pamilya ang bisita at sadyang ginawang sangkalan lang ang kapanakan ko para magkabuo sila ng negosyo.”
Kailan nga ba siya nagkaroon ng birthday party na sila-sila lang ng mga taong importante sa kanya, ang huling natatandaan niya ay noong seven years old lang siya ngunit ang mga magulang nila ay nag-uusap pa rin patungkol sa negosyo hindi sa kaarawan niya.
“Iba dito,” nakaramdam ng pagkaawa ang dalaga rito. “Makikita mo mamaya kung gaano kasaya sa tuwing may salo-salong nagaganap, kung ang videoke ay hindi na matigil ngayon, mas lalo na kung dumating na ang mga bisita.” pagmamalaki niya.
Parehas na tinuon ang atensyon sa niluluto, matapos ang dalawang tatlong oras ay parehas na rin silang natapos. Puno ng pawis ang katawan ng dalaga, isa talaga sa pinakamhirap na parte sa ginagawa niya ay ang pagbibilog ng giniling na malagkit.
“Ano ‘to? Ngayon lang ako nakakita ng ganito.” manghang usal ni Yaji bago tinikman ang minatamis na bilo-bilo na niluto niya. “Ang tamis.” sunod-sunod ang pagsubo nito.
“Tapos na ba kayo?” tanong ni Aling Merna. “Magpahinga na muna kayo’t magtanghalian, nakahanda na ang mesa at kayo na lang ang hinihintay dalawa.” usal nito.
Mahabang mesa ang bumungad sa kanila, naupo siya sa tabi ng matalik na kaibigan at nakupo sa kaliwa niya ang binata. Nakaupo ang lahat ng mga tumutulong sa paghahanda, ang mga kapit bahay ay nasa ibang mesa na kumukuha ng pang-ulam para sa kanilang mga pamilya.
“Kainina na.” Malakas na usal ni Irene ng matapos ang pagdarasal sa hapag. Ang lahat ay nagkakasiyahan, punong-puno ng kwentuhan at tawanan ang buong tanghalian, hindi rin maawawala ang asaran, at syempre ang mga baabeng titig na titig sa binatang katabi niya.
“Tama ka, kumpadre. Lumabas pa ako upang marinig ng maayos ang pagkanta niya sa videoke.” panay ang panunukso ng mga matatanda sa binata dahil sa situnado nitong pagkanta kanina. “Kahit pala ang magandang lalaki ay may kahinaan din.” dagdag pa nito.
“Ano ka ba, pare. Basta ay naniniwala ka sa sarili mong kakayahan ay maayos din niya ‘yan, tignan mo nga ang ibang artista—hindi naman ganon kagandahan pero magmula ng humarap sa TV ay gumanda, may iba na trying hard kumanta pero tignan mo ngayon, masarap na pakinggan ang boses nila.” pagtutol ng isa saka bumaling kay Yaji. “Kaya, hijo, huwag kang susuko, gaganda din ang boses mo.”
Pigil na pigil sa pagtawa si Myle, ang binata ay nakangiti at nakikipagsabayan sa biruan ng mga kapit bahay ngunit ng tignan siya nito ay agad na tumalim ang mga mata. “Sa susunod ay ilalayo ko na rin ang aso para wala ka ng ka-duet.” pabulong niya.
Inabot ng isang oras ang tanghalian, tinulungan niya ang matalik nakaibigan na mag-ayos ng pinagkainan at itapon ang plastic na ginamit ng lahat. “Kaninang umaga, iyon lang muli kong nasilayan at narinig ang pagtawa mo. Nagkakagusto ka na ba kay Yaji?” pang-ookray nito.
“Tumawa lang, inlove agad? Hindi ba pwedeng natatawa lang ako sa sintunado niyang boses.” inirapan nito ito bago kinuha ang plastic sa kamay. “Tigilan mo nga ‘yang pagbibgay ng malisya sa bagay na ginagawa ko, kaunti na lang ay makukutusan na kita.” aniya.
“Oo na, oo na, nagtatanong lang naman ako.” humaba ang nguso ng kaibigan bago nagpaalam na babalik sa gawain niya.
MAAYOS na ang lahat, tapos na ang paghahanda at ilang oras na lang ay darating na ang mga bisita. Nagpaalam na si Yaji na babalik sa Hacienda, umuwi na rin si Myle sa bahay niya upang magpahinga sa mahabang araw niya.
Matapos ayusin ang sarili ay hindi mapakali, nang tignan ang repleksyon sa salamin ay kita ang pamagang balikat. Bago pa lumalala ay pinakisuyuan niya ang kaibigan na tawagin ang manghihilot upang magamot ang iniinda.
“Wala kang kailangan ipag-aalala, Leng. May naipit na ugat lang sa balikat mo kaya namaga at masakit kung i-pwesa, sa ngayon ay huwag ka na muna magbabasa mas lalo na ang pilitin na magbuhat ng mabigat.” Paalala sa kanya ng manghihilot bago muling pinasuot ang pang-itaas niyang damit.
“Maraming salamat po, nay.” sinuot niya ang damit at inabot ang wallet, “Ito po, tanggapin niyo, pag bili ng bigas at kung anong pangangailangan sa loob ng bahay.” ibinigay nito ang pera sa matanda.
“Hija, hindi ako nagpapabayad—” pagtanggi ng matanda saka inayos ang langis na pinangpahid sa katawan nito. “Itago mo na ‘yan, maas kailangan mo iyan mas lalo na’t ikaw lang ang bumubuhay sa sarili mo.”
“Hindi naman po ‘to bayad, ibinibigay at tulong ko po sa inyo kaya tanggapin niyo na po. Kilala niyo po ‘ko, kung di niyo tinanggap ito ay may iba kayong matatanggap sa bahay niyo.” pangungulit nito.
“Oh, s’ya, ikaw na naman ang panalo. Kung may kailangan ka ay ipatawag mo na lang ako, huwag mong pwersahin ang Balikat mo ah.” paalala nito.
“Oh, may kasama ka pala sa bahay mo, Leng.” usal ng matanda na nabigla nang bumungad ang binata. “Mauna na ‘ko, nag-iisa lang ang apo ko sa bahay.” muling paalam nito.
Hinatid niya ang matanda hanggang sa labas ng bahay, sinundan niya ito ng tingin hanggang mawala na ito ng tuluyan sa paningin niya. Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti ‘t hindi malala ang kalagayan ng braso niya, marami pa naman siyang gagawin at tatapusin ang susuotin ni Legina.
“Ano ang nangyari sa braso mo?” Anito na nagdidikit ang kilay. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na may masakit sa iyo?!” kitang-kita ang pagkaasar sa mukha nito, pinagmamasdan ang balikat na kanyang hawak.
“Bakit ko sasabihin sa iyo? Sino ka ba?” Anang ng dalaga. Wala itong karapatan malaman kung ano ang nanagyayari sa kanila, hindi niya ito kaibigan o kung ano pa—pakiramdam nito ay sobrang malapit silang dalawa kahit hindi naman.
Natigilan si Yaji sa tanong niya bago napayuko. “S-sorry.” paghinging paumanhin.
Napangiwi si Myle ng subukan na ikutin ang braso, andoon pa rin ang sakit sa tuwing ginagalaw o pweinepwersa ito. Sunod-sunod siyang bumuntong hininga, naupo sa tapat ng binata at tinitigan ito.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalala nitong tanong saka sunod-sunod na bummuntong hininga. “Tara, sumama ka sa akin, dadalhin na muna kita sa doctor para matignan ang balikat mo. May oras pa naman bago mag-umpisa ang celebration.” anito saka tumayo.
“Hindi na, magsasayang pa ng pera at oras, nagbigla at may naipit lang na ugat sa balikat ko kaya ganito.” Lahat ng problema niya sa katawan ay nakukuha sa hilot, madalas tuwing nilalagnat o nabibigla ang katawan sa trabaho. Healthy ang katawan niya, baka mamaya kung bumisita pa siya at magpa-check up ay magkaroon pa siya ng gamot.
“Hindi—“ hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita. “Pagpupunta ako doon, bibigyan nila ako ng gamot at magkano pa ang gagastusin ko, baka mas lalo pa lumalala ang kalagayan ko kung ibibig deal ko ito. Hindi na ito bago sa akin, Yaji, laging ganito ang sakit ng mga magsasakang katulad ko.” aniya rito.
Walang magawa ang binata kundi ang tumango-tango. “Narinig kong ng matanda na hindi ka na muna magbabasa at huwag ipwersa ang balikat kaya dito na muna ‘ko sa tabi mo.” Sus. Palusot.
“Gusto mo lang mag-stay dito sa bahay ko.”
“Isa na rin ‘yon.” ngiti-ngiti nitong pag-amin. Sabi na nga ba!
Isang oras ang lumipas bago nila napagpasyahan ang lumabas, marami na ang tao at aligaga na rin ang karamihan sa kapitbahay sa pag-aayos sa patuly na pagdagsa ng mga bisita.
“Tutulong na ako, dumidito ka na muna—” “No. Kasasabi pa lang sa iyo kanina na ipagpahinga mo ang balikat mo, ako na ang tutulong sa kanila o magpapadala na lang ako ng mga kasambahay na mag-aayos ng lahat para wala ng problema pa.” putol nito sa kanya.
“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin.” pigil niya rito at walang magawa. “Tawagin mo na lang si Irene, sabihin mo na kuhaan ako ng pagkain.” utos niya dito.
Walang rekla-reklamong sumunod si Yaji sa kanyang sinabi, nanatili siyang nakaupo sa gilid, pinagmamasdan at minsa’y kinakausap ang mga bisitang napapadaan sa kanyang pwesto. Maya-maya ay dumating na rin si Irene, dala ang paperplate saka inilapag sa harap niya.
“Huwag ka na magpumilit pa na tumulong, kaya na namin ito.” paalala ng matalik na kaibigan saka binalingan ang binata. “Ikaw na muna ang bahala sa kanya, matigas ang ulo niyan kaya huwag mong tanggalin ang tingin mo sa kanya.” paalala nito.
Parehas silang naiwan dalawa. Ilang minuto ay nag-uumpisa na siyang mailang sa mga titig ng tao sa paligid, ang mga kababaihan na nagpapa-cute at ang iilan na panay ang ngiti sa pwesto nila. Atensyon, iyon ang pinaka-ayaw niya sa lahat pero natural na ata sa katabi niya na makakuha nito kahit walang ibang ginagawa.
“Lumayo-layo ka sa akin, baka kung ano ang isipin nila sa atin.” pasimpleng bulong niya.
“Hayaan mo sila kung ano ang gusto nila isipin, hindi mo mapipigil ang mga tao.” Mukhang tuwang-tuwa pa ang loko. Sabi na nga ba ay wala siyang aasahan dito kundi puro gulo at sakit sa ulo.
Tsk! Wala siyang magagawa kundi ang hayaan na pagtinginan silang dalawa, siguradong lalaki lang ang hinaa ng mga ito kung aalis siya dahil susundan at susundan siya ng loko kahit saan pa siya magpunta. Oo, para itong buntot niya na panay ang sunod at kawag pagdating sa kanya.
Habang kumakain ang iba, bumirit at nagpapakitang gilas sa pagkanta ang mga bisita mas lalo na ang mga dalaga na gustong makuha ang atensyon ng binata. Samantala, nakatingin lang si Myle sa mga ito, mas lalo na kung naabot ang tono ng hindi sumisigaw sa pagbirit sa micropono.
“Sir Yaji, maraming salamat sa isang sakong bigas at mga naitulong mo sa amin nakaraan, malaking tulong na po iyon mas lalo na sa anak ko na nag-aaral.” Anang ng matanda na lumapit sa kanilang pwesto at nagpapasalamat.
“Responsibilidad ko po kayo, hindi niyo kailangan magpasalamat dahil kasalanan ko iyon dahil pinabayaan ko na magkaganon.” tukoy nito sa pagsabog. Kung hindi siya nagkakamali ay isa ito sa naging sugatan, hindi malala ngunit kailangan magpahinga ng ilang araw sa pagsasaka.
“Maraming salamat pa rin sa tinulong niyo.” pag-uulit nito. Maya-maya ay dinumog na ang pwesto nila ng mga tao, ang babaeng bumibirit ay napatigil sa pagkaalang may nagkakagulo.
Mabuti na lang at lumapit si Mang Artur sa kanilang pwesto upang suwayin ang mga ito. Sumunod ang lahat, bumalik sa kanikanilang pwesto hanggang sa makuha ng isang matanda ang mic at doon nagsimula.
“Bilang pasasalamat, hayaan natin na bigyan ng pagkakataon si Sir Yaji na humawak ng mic.” pigil ang tawa ni Myle sa sabihin ng matanda. Mukhang wala ito ng kumanta ang binata kanina, ang iba ay umasim ang mukha at ang iba naman ay nanabik na marinig ang boses ng binata.
“Maraming salamat po pero ayaw ko na muling ipahiya pa ang sarili ko,” pagtanggi niya bago nilingon ang dalaga na nagpipigil ng tawa. “Bakit hindi nalang si Binibining Rae ang pakantahin niyo—Rae, kantahan mo naman, ito lang ang pakiusap ko.” bumaling ang lahat ng atensyon sa dalaga.
Napawi ang ngiti ni Myle, masama ang titig sa binata na malaki ang ngiti. “Bumabawi ka ba?” tanong niya rito.
“Gusto ko lang marinig ang boses mo.” pang-aasar na himig nito saka nakikiusap na tumingin sa matandang may hawak ng mic.
“Sige na, Leng. Pagbigyan mo na si Sir Yaji, handugan mo na siya ng kanta.” pagpupumilit ng lahat sa kanya, mas lalo naman tumalas ang tingin ng mga dalaga sa pwesto niya.
“Si Yaji na po, pagnarinig niyo ang boses niya ay siguradong matutuwa kayo.” pagtanggi niya saka bumulong. “Handa na ang mg aso para sabayan ka, huwag ka na mag-inarte at maki-duet sa kanila.” bulong niya rito.
“Rae, minsan lang naman ito, hindi mo ba talaga ako kayang pagbigyan?” pagpapaawa nito.
“Sige na, Leng, isang kanta lang.” Segunda ng karamihan sa mga bisita.
“Okay.” Walang magawang usal, wala na rin siyang ibang pagpipilian dahil ang lahat ay pinagkakaisahan siya. Inabot sa kanya ang mic, pinatapos ang nagplaplay bago sunod-sunod na bumuntong hininga.
Noong bata siya ay nakahiligan niya ang pagkanta, madalas siyang sinasama ng mga magulang sa patimpalak at madalas na manalo sa baryo, ngunit matagal na iyon—unti-unti ng nabubura sa isipan niya ang mga araw na iyon sa bawat araw na lumilipas.
“’Wag kang makulit by Kim Chiu?” natatawang bulaslas ni Irene ng mabasa ang title kasabay ng beat ng kanta. “Mukhang nanadya ang tadhana ah?” dagdag pa nito.
Nginitian niya ang kaibigan. Madalas itong kantahin ni Irene noong nasa sekondarya sila, sa tuwing may nanliligaw rito at kung may gustong patamaan sa classroom. Hanggang ngayon ay kabisado niya pa rin ito at tono—mabuti na lang at ito ang susunod.
“Para sayo ‘to.” aniya kay Yaji na mas lalong lumaki ang ngiti ng sabihin niya ang tatlong salita na iyon, mukhang walang kamalay-malay sa kakantahin niya.
‘Pwede bang tigilan mo ako? Di naman sa ‘di kita gusto’ sa unang salita ay napatanga ito at agad na sumenyas sa taong malapit sa videoke na i-next ang kanta.
“Hindi ko gusto ‘yon. Iyang susunod na lang ang kantahin mo.” Pagrarason nito. Natawa siya sa inasal ng binata at pinaghandaan ang sunod na kanta.
“Stone cold, stone cold.” Agad na naghiyawan ang mga manunuod, sa malamig at buong boses ni Myle, ang mga kababaihan na masama ang tingin sa kanya kanina ay wala sa sariling pumpalakpak.
Samantala, si Yaji ay nanatiling nakatingin sa serysong dalaga, walang kahirap-hirap na naabot ang nota sa kinakanta at mukhang sanay na sanay ito. Nakatingin lang siya rito, hindi namalayan na tapos na ang kanya at parehas na nagsalubong ang mga tingin nila.
“Wow!” Puri niya saka pumalakpak. Inirapan lang siya ng dalaga, binalik ang mic at nagpatuloy sa pagkain ng dessert na nasa mesa. “Hindi mo sinabi na magaling ka palang kumanta.”
“Hindi ka naman nagtanong.” Aniya rito saka inirapan ang binata. Nagpatuloy ang pagkanta ng mga bisita, panay ang dal ani Irene ng pagkain nila sa mesa at siya na lang mag-isa ang kumakain dahil busog na ang binata.
Maya-maya ay may dumaan na kalalakihan sa pwesto nila, kung hindi siya nagkakamali ay halos kasing edad niya lang ito at mukhang totoy na totoy pa. “Leng, crush ka daw niya. Pwede ba niya makuha ang number mo?” tanong ng isa sa mga kasamahan nito.
“Salamat pero hindi ko pinamimigay ang number ko.” diretsang usal niyas, hindi iniisip kung mapapahiya o ano ang iisipin ng mga ito. Mas mabuti na rin ‘yon ng hindi na umasa ang mga ito.
Wala sa isip niya ang pumasok sa relasyon, hindi niya nakita ang sarili na masaya kasama ang ibang tao. Iyon ang tumatak sa kanyang isipan, sa una lang masaya ang lahat pero sa bandang huli ay magkakasawaan din.
“So harsh.” komento ni Yaji rito na ngingiti-ngiti sa ginawa. “I like it.”
Inirapan niya ito. Nagpaalam na babalik na muna sa bahay niya upang palitan ang salonpas na nasa balikat, hindi niya na maramdaman ang init nito. Hindi namalayan na nakasunod sa kanya ang binata, parehas silang pinagtitinginan.
“May relasyon ba sila?” Dinig niyang tanong ng isang babae na di kalayuan sa kanila at nag-umpisa magbulong-bulungan.
Masama ang tingin na hinarap niya ang binata. “Huwag ka ng sumunod, kung ano-ano ang iniisip ng ibang nakakakita sa akin. Bantayan mo nalang ang pwesto natin.” aniya rito.
“No. Baka pasukin ka dito ng mga lalaki na ‘yon kanina, mas mabuti ng makasigurado.” anito na panay ang dikit sa kanya magmula ng may umamin sa kanya kanina.
“Ikaw lang ang naiisip kong tao na papasukin ako.” pagbabalik niya rito saka binuksan ang pinto, dumiretso sa kwarto at naiwan ang binata sa salas.
Kahit papaano ay alam nito ang limitasyon habang nasa loob ng bahay, hindi niya pa ito nakitaan na pumasok sa kwarto niya kahit madalas siyang pumupuslit papasok at kulitin siya. Paglabas niya ay naabutan niya ito, seryoso na nakikipag-usap sa cellphone. Nang makita siya ay agad nitong pinatay ang tawag.
“Tara na, bumalik na tayo doon.” pag-aaya niya rito. Hindi namamalayan na nagiging mabait na siya sa binata, hinahayaan sa mga ginagawa nito, at pinagtitiisan ang ginagawang kalokohan ngayong araw.
Bumalik sila sa pwesto, mabuti ay walang ibang nakaupo ngunit wala na ang pagkain doon, napalitan ng iba’t ibang alak at ang lahat ay may kanya-kanya ng pwesto. Naupo si Irene sa tabi niya, karamihan ng andoon ay ang mga matatanda at mga dalagang walang sawang nagpapansin sa binata.
“Kayo lahat ang bumili nito?” tanong niya sa kaibigan. Kung bibilangin ay mas malaki pa ang ginastos sa mga alak na nasa mesa kesa sa pagkain na inihanda.
“Hindi no, si Yaji ang may pakana, in-order niya iyan kanina ng nagpapahinga, ambag niya daw sa birthday ni tatay.” paliwanag nito.
Nilingon niya ang binata, ngumiti lang ito sa kanya at kinindatan siya. Heto na naman siya, nagpapasikat sa yaman ng pamilya, at kung lumustay ay parang walang bukas. “Huwag ka gaano magpapakalasing.” paalala nito.
“Sweet.” komento ni Irene na nang-aasar na ngiti, “kayo na ba?” pahabol nito.
“Hindi.” mabilis niyang tugon saka masamang tinignan ang kaibigan na tatawa-tawa habang nagsasalin ng alak sa pitsel na tila bihasa sa pagtimpla. Umiling-iling na lang siya, paano nga ba ulit siya nagtagal sa panunukso si Irene?