Ilang oras na ang lumipas ng matapos ang kapanganakan, wala pa rin tigil ang nag-iinuman na sumasabay na sa pag-indak ng musika. Walang tigil ang pagpasok ng alak, may natutulog na sa mesa at ang iba ay sinusundo na ng kanilang asawa sa sobrang kalasingan. Ngunit, may iba talagang matitibay, katulad nga ng sabi ng karamihan ‘basta probinsyano ‘t probinsyana ay matibay’ pagdating sa inuman.
“Irene, tama na iyan, lasing ka na.” suway ni Myle sa kaibigan na walang tigil sa paglaklak ng alak sa harap. Siguradong pagsisihan nito kinabukasan ang ginawang pagpapasobra ng inom. “Bumalik ka na sa bahay niyo at magpahinga na.”
Hindni ito nakinig, bagkus ay pinaton ang ulo sa mesa saka pinikit ang mga mata. Mukhang marami ang matutulog sa lupa sa sobrang kalasingan, ang iba ay hindi pa rin maawat kahit tutumab-tumba na.
“Saan ka magpupunta?” Pinigilan ni Yaji ang pulsuhan ng mapansin ang biglaang pagtayo niya. Namumungay ang mga mata sa kalasingan, ilang bote na rin ang nainom at iba-ibang alak ang pumapasok sa sikmura.
“D’yan ka lang, ihahatid ko lang si Irene sa kwarto niya.” Kahit naman magpaliwanag siya rito ay hindi din nito maiintindihan, walang tigil siya sa pagpapaalala na huwag magpapasobra pero ang dalawa ay kulang na lang maging uod na gagapang sa lupa.
“S-samahan ko na kayo.” Sa bigla nitong pagtayo ay muntik na matumba, mabuti ‘t naalalayan pa niya bago pa bumagsak sa lupa.
“Ako na, lasing ka na kaya manahimik ka.” Puno ng oturidad niyang utos sa binata na pinipilit pa rin tumayo upang gawin ang sinabi nito.
“Nakikita mo ba ang mga tingin nila sa iyo? Kanina ka pa nila tinitignan, paano kung kunin ka nila—hindi ako papayag!” sigaw nito sa dulo ng sinasabi at pilit pa rin na tumatayo.
“Kung may kukuha sa akin, hindi ako magpapakuha. At nasa tapat lang ang bahay ni Irene, makikita mo ‘ko hanggang sa makapasok sa kanila.” pagpapaintindi niya dito saka pinaupo muli ang binata. “D’yan ka lang, huwag kang aalis.”
“Babalik ka?” parang batang tanong saka inub-ob ang ulo. “Bumalik ka ah?” At tuluyan ng pumikit ang namumungay na mata.
Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga, hindi lang isa ang pasaway kundi dalawa na sila. Buong lakas na inalalayan patayo ang matalik na kaibigan, dinala sa bahay at sumalubong dito ang nakakababatang kapatid ni Irene na naglalaro pa online games.
“Hindi na naman to makakatayo ng higaan bukas.” dinig niyang reklamp nito bago tinulungan siya na dalhin ito sa kwarrto. “Salamat, Ate Leng.” Tumango lang siya saka nagpaalam.
Kapatid na kung ituring niya ang nakababata ni Irene, nasubaybayan niya ang paglaki nito magmula sa masunurin na bata hanggang sa naging masakit sa ulo ng mga magulang. Imbis na sa ekswelahan ang punta, lumuliko sa billiaran.
Sunod na binalikan ang binata na iniwan niyang nag-iisa sa pwesto nila ngunit ngayon ay napapaligiran ng mga babae, pilit na kinukuha ang atensyon nito. Napatigil si Myle ng magtagpo ang tingin nila ng binata, akala niya ay natutulog na ito pero mukhang tinutotoo nga ang sinabi nito.
“Excuse me,” usal ng binata sa nakapaligid sa kanya. Pa-suray-suray na lumapit sa dalaga, inakbayan at pinatong ang ulo sa mga balikat. “Sabi sa iyo, kanina ka pa pinagtitinginan ng mga kalalakihan, kung ako ay mainis dudukutin ko mga mata nila.” pagbabanta nito.
“Hindi pa naman sila bulag para magkagusto sa akin.” usal niya saka inalis ang ulo nito, “Umayos ka nga, doon na tayo sa bahay at tawagan mo na ang maaring magsundo sa iyo rito.” aniya rito.
Hindi alintana ang mga mapanghusgang tingin ng nasa paligid. Iyon ang katotohanan, hindi siya ang pinagtitinginan kundi dahil sa katabi niya, marami ang pilit na gustong mapalapit dito at sa dami ng alak na dinala nagyong gabi ay siguradong mabubutas ang bulsa nito kinabukasan.
“Kumapit ka, madadapa ka na oh!” irritable niyang suway kay Yaji ng mauna itong maglakad na walang alalay.
Nilinon siya nito saka umiling. “No. Ang balikat mo, bawal iyan ma-pwersa.” Hindi pa rin nito makalimutan ang sitwasyon ng balikat niya kahit hindi na makapag-isip ng tama.
At kahit lasing o hindi, di siya mananalo rito dahil gagawin at gagawin pa rin nito ang gusto. Hindi na nila nakuhang magpaalam kay Mang Artur na gumigiling sa gitna, binuksan niya ang pinto at dirediretso na pumasok ang binata sa loob.
“Hoy, lalaki, may pwede ka bang tawagan sa inyo para masundo ka?” Hindi maari na matutulog ito sa bahay ko, marami ang nakakita sa pagpasok, bukas ay siguradong malaking issue ito, at baka isipin ng iba ay isa akong bayarang babae.
Mahigpit na ang yakap sa unan at masarap na ang tulog ng binata. Muli niya itong tinapik sa balikat upang gisingin ngunit walang epekto. Wala na siyang magagawa kundi ang hayaan na lang ito matulog sa salas kesa ang matulog ito sa kalsada, baka ano pa ang mangyari sa mahal na prinsipe.
Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagpakawala ng malalim na hininga si Myle saka pumasok sa banyo, kumuha ng towalya at basin upang punasan ang binata. “Wala ka talagang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko at gumawa ng kalokohan.” reklamo niya saka buong lakas itong hinubaran, hindi siya nahirapan dahil ito na rin ang nagkukusang maghubad sa kabila ng mahimbing na pagtulog.
Hindi ito ang unang beses na makita niya wala itong suot ang-itaas ngunit talagang namamangha pa rin siya sa ganda ng katawan nito. Walang kahit isang pekas ang katawan, di nakaranasan ng paghihirap sa buhay at dinaig pa ang kutis ng babae na alaga sa kanilang mga katawan.
Ilang beses na napalunok ng magdampi ang kanilang balat, marahan na pinunasan ang braso hanggang sa tiyan. Isa talaga sa kahinaan niya ang magandang katawan, mapababae o lalaki man. Ayaw tignan ngunit ang kanyang mata ay nanatiling nakatitig sa braso nito.
“Ate Leng, pinapatanong ni nanay kung nakauw—” hindi matapos ang sasabihin ng kapatid ni Irene ng makita ang binatang natutulog sa sofa. “Mukhang dito na nga siya matutulog, sasabihin ko na lang sa kanila.” hindi na ito naghintay pa ng sagot niya.
“Sandali, Sean!” pigil niya rito ng akmang lalabas, “Maari ba makahiram ng sando at short mo, tulungan mo na rin akong palitan ng damit ang lalaking ‘to, hindi ko kasi kaya ito mag-isa at ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon.” pakisuyo niya rito.
“Sige po, Ate Leng, kukunin ko muna sa bahay ang kailangan niyo.” Walang kahit anong pagrereklamo saka tumakbo palabas ng bahay. Ilang minuto ay bumalik ito, tinulungan siyang magpalit ng short ng binata na natapunan ng alak kanina.
“Salamat sa pagtulong mo, Sean, ako na ang bahala sa kanya. Magpahinga ka na rin at siguraduhin na hindi magkakalat si Irene dahil siguradong ikaw ang paliligpitin.” biro niya rito.
“Isa pa ‘yon si Ate Irene eh.” reklamo nito, nagpaalam na uuwi na sa kanila para bantayan ang nakatatandang kapatid. Madalas na magtalo ang dalawa pero kahit ganon ay sila pa rin ang nagtutulungan sa bandang huli mas lalo na kung isa sa kanila ay mapapagalitan ng mga magulang.
Nang malabas si Sean ay pinagptuloy ni Myle ang pagpupunas sa katawan ng binata, pati ang hita nito ay kanya na rin idinamay. Gusto niya mainis dito, bumabaho ang loob ng bahay at nakakasangsang ang amoy ng alak ngunit di niya rin magawang magreklamo dahil naalala niya ang binata ang naglilinis nito.
“Sa susunod na bayaran ng kuryente ay sisingilin na kita.” pagkausap niya saka tinapat ang elctricfan, kumuha ng kumot sa kwarto at pinatong sa katawan nito. “Pati tuloy ako ay amoy alak na katulad niyo.” pahabol na reklamo saka pumasok ng banyo.
Pinupunasan ang mukha, handa na sa pagpasok sa kwarto Kinakailangan na maagang magising upang bumili ng gamot, nakakahiya naman sa dalawa na kanina pa siya binibigyan ng sakit sa ulo.
“No, hindi, please, huwag mong sabihin iyan.” nagtataka na nilingon niya si Yaji, mariin itong nakapikit at binabangungot.
“Yaji, Yaji, gumising ka.” tinapik-tapik ang pisngi ngunit ayaw gumising. Mas lalong nataranta ng makita ang luhang dumadaloy sa gilid ng mga mata, walang tigil na pakikiusap at takot sa naririnig.
Nang imulat ang mga mata ay agad itong naupo, sapo-sapo ang ulo, at wala pa rin tigil sa paghikbi. Takot na takot, ang mukha’y puno ng kalungkutan at pagsisi sa buhay, ito ang kauna-unahan niyang makita ang ganitong side ng binata. Sa tuwing seryoso ang mukha ay walang kinatatakutan, kayang gawin ang lahat kahit pabagsakin ang kung sinoman. At madalas ay sakit sa ulo, madalas na nang-aasar na nakikipagtalo pero sa loob-loob ay mukhang mabigat ang pinagdaraan.
“Uminom ka muna ng tubig.” Pilit na inabot ni Myle ang tumbler, “Binabangungot ka, ikalma mo na muna ang iyong sarili bago bumalik sa paghimbing.” aniya.
Patuloy ang pag-agos ng luha na tinanggap ang tubig na inaabot niya, nakatingin direkta sa binata at hinihintay na kumalma. May dumaan na anghel sa pagitan, walang may gustong magsalita hanggang ang binata na mismo ang bumasag sa katahimikan.
“Hindi ka ba magtatanong kung ano ang napanaginipan ko?” mukhang nasa tamang wisyo na ang isip, wala na ang impluwensya sa utak nito. “Talaga bang wala kang pakealam kung ano ang nangyayari sa akin?”
Umiling siya. “Ayaw ko manghimasok sa iba. Umiiyak at nagmamakaawa ka kanina, isa lang ibig sabihin non—masakit na aalala ang humahabol sa iyo.” Paliwanag niya saka kinuha sa kamay nito ang tumbler na wala ng laman. “Hindi sa wala akong pakealam sa nakapaligid sa akin, ayaw ko maging insensitibo na magtatanong ng bagay na ayaw mo ng sariwain mo.”
Hindi makaimik si Yaji sa naging sagot sa kanya ng dalaga. Ang alaala na kay tagal niyang kinikimkim at hindi mawala sa isipan, di niya alam kung bakit tila hinahabol na naman siya ng nakaraan matapos ang araw ng pagsabog.
“Her name is Mica. At hinayaan ko siyang mamatay sa mismong harap ng aking mga mata.”