Chapter 28: Odd

3213 Words

hapter 28: Odd Matapos ang mahaba’t nakakapagod na araw ay sa wakas naipagpahinga na ni Myle ang balikat. Walang maayos na tulog, laging pagod sa trabaho, att ang mata ay naluluha-luha dahil sa mabusising ginagawa. Hindi porket siya ang may gawa ng desensyo’t kabilang sa team ng nag-aasikaso ay siya na ang masusunod—marami pa kailangan malagpasan, hanggat sa hindi pa kwalipikado ay hindi pa rin papasa ang kanyang gawa. “Bukas na ang dating ni Yaji, wala ka ba balak sunduin o bigyan siya ng welcome back party o ‘di kaya ay paglutuan siya pagdating niya.” Suhestiyon ni Irene na naghahanda ng pagkain. Hindi sila hatid-sundo ni Leal kaya bago umakyat ay bumibili na sila sa karenderya ng pagkain, wala na silang lakas para magluto. Iyon ang negatibo kung walang inang katabi at pagod pa sa trab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD