Lumipas ang mga linggo, natapos ang training ni Myle ng mas maaga sa inaasahan ni Leal. Matapos makabisado ang pangunahing kaalaman ay nangako siyang uumpisahan na ang gawaing pinirmahan. At kita sa mata ng dalaga ang pananabik na simulant ang obrang kanyang pakaya. “Leng!” Naagaw ang atensyon ng dalaga ng marinig ang matinis na sigaw ng kaibigan na dali-daling lumapit sa kanilang pwesto at sinunggaban siya ng yakap. “I miss you, sissy!” “I miss you too.” Tinugunan niya ang yakap saka ito humiwalay. “Mukhang tinapos mo kaagad ang lahat ng gawain mo ah? Mabuti naman. Marami rito ang gusto mong kainan mas lalo na ang Korean restaurant na lagi mo pinaglalawayan.” aniya. Nanabik siyang dalhin ang kaibigan at makita ang ekspresyon nito pagpasok nila ng restaurant. Marami rin gusto galaan na

