Tahimik at maganda ang panahon, masarap na nagpapahinga si Myle sa duyan sa harapbahay habang si Yaji ay abala sa loob na gumagawa ng meryenda. Ilang araw na ang lumipas, hindi sila nagpapansinan ni Irene at hindi rin pinagpiilitan ang sarili. Naiinis siya sa kaibigan, hindi makuhang maging masaya kung saan siya mas sasaya at naging unreasanble sa inaasta. Alam niya na gusto nito maging masaya at ayaw masaktan ngunit ang ipagpilitan ang taong hindi niya gusto ay ibang usapan na. “Mahal, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo.” Iniabot ni Yaji ang cellphone—isang unknown number ngunit kilala niya ang taong nagmamay-ari. “Hindi mo ba sasagutin? Baka importante.” aniya. Umiling siya, kinuha ang cellphone sa nobyo at pinatay. “Huwag mo na pansinin, hindi importante ang sasabihin niyan.” Bu

