One week ago…
“Hey, guys! Welcome back to Reign's Diaries," ani Reign habang kausap ang camera. Nasa isang sikat na bagong bukas na restaurant siya para mag-vlog.
"And today, we’re here at Backyard Bowls. It’s my first time to be here, actually, and I’ve heard that they serve the best seafood pizza in town!" she continued. "So ayon nga at medyo excited na ako. I'm still waiting for my food so ‘wag na 'wag kayong aalis! Diyan lang kayo at sabay-sabay nating tikman ang famous seafood pizza ng Backyard Bowls!” ang punong-puno ng energy na wika niya.
Mag-isa lang siya sa kaniyang mesa. Actually, she was waiting for another influencer na makaka-collab niya later. Pero habang naghihintay siya, kakain muna siya ng lunch at magba-vlog na rin para ‘di naman sayang 'yong oras.
“OMG! Totoo nga ang chismis!" ang eksaherada niyang wika matapos matikman ang mainit-init pang pizza sa kaniyang harapan. "Ang sarap, guys! Promise. It's ten over ten. No, make it eleven. Eleven over ten. Ganoon kasarap! Walang halong echos!" aniya bago muling kumagat sa hawak-hawak na slice ng pizza.
"Ang sarap nito, promise! And nope, this is not a sponsored vlog. Pero beke nemen, Backyard Bowls. Hindi ako tatanggi," ang humahagikhik niyang wika bago muling nilantakan ang pizza.
"Pero seryuso, ang sarap! Medyo maanghang siya ng konti, saka creamy. Tamang tama lang ‘yong lasa. It's perfect for my taste. Lasap na lasap ko ‘yong seafood flavor. Saka tingnan n'yo naman 'yong toppings! May shrimp, may --- “
“Get lost, you jerk!”
Biglang natigil si Reign sa pagba-vlog nang marinig ang malakas na boses na iyon. Boses babae. Nanggagaling sa mesang nasa kaniyang likuran.
And she didn’t have the turn around to see what was going on behind her. She could see it on her camera’s screen.
Napatutop siya ng bibig habang lowkey na nakiki-chismis sa ganap sa likuran. From her camera’s screen, nakita niyang tumayo ‘yong babae mula sa upuan nito.
“Hindi ko kailangan 'yang 'sorry' mo! If you think that will make you less of a douchebag then you're wrong! Jerk!” ang malakas na wika pa noong babae bago nito sinampal ng malakas ang lalaking nakaupo sa harapan nito. Pagkatapos ay galit na galit itong nagmartsang palabas ng restaurant.
Nanlaki ang mata ni Reign dahil sa nasaksihan. Pakiramdam niya'y para siyang nanonood ng K-drama.
Everyone in the restaurant looked shocked, too. Buti hindi naman ganoon karami ang customers na naroroon ng mga sandaling iyon. Apat na mesa lang ang okupado, kasama na nga siya at 'yong mag-jowang nag-aaway sa kaniyang likuran.
Reign watched from her camera screen as the man stood up a few moments later. He fixed himself before he walk out of the restaurant like nothing happened.
Pero dahil nakatalikod nga ito sa kaniya ay hindi niya makita ang mukha nito.
“OMG!” ang pabulong na wika ni Reign sa camera noong makaalis na ang lalaki. “That was a surprise! Medyo nagulat naman ako doon but, anyway, let’s go back to our seafood pizza here.” And she went on talking about the food and the place.
Oo, inaamin niya, sinama niya sa vlog ang sampalang naganap sa likuran. Medyo off kasi kung i-edit out niya. Saka tinakpan niya naman ng emoji ‘yong mukha ng babae para ‘wag itong makilala. Saka ‘yon nga, nakatalikod naman ‘yong lalaki sa video kaya hindi niya ini-expect na makikilala ito ng mga tao.
It was actually a surprise that the netizens recognized him. Why? Tristan Alcantara is no celebrity!
Oo nga't minsan nitong tinangkang pumasok sa showbiz. He joined a reality TV show when he was in his teens. May hitsura ito kaya madami itong naging fans dati.
He appeared in a couple of TVC after the reality show ended, too. Saka, kung ‘di siya nagkakamali, nagkaroon din ito ng small role sa isang panghapong soap opera.
But that’s it. Hindi na ito nagkaroon ng mga kasunod na projects. And that was like what? Nine or ten years ago?
Ang chika ay mayaman daw kasi ang pamilya nito kaya hindi naman nito kailangang magtrabaho. Saka baka daw umalis ito ng bansa para mag-aral kaya biglang nawala.
Pero just recently, he started appearing on socmed again. Nali-link ito sa kung sinu-sinong artista at models. Saka minsan din itong na-feature sa isang episode ng isang sikat na local talk show sa TV dahil sa mamahaling shoe collection nito.
But that’s it. Hindi naman ito sobrang sikat. That’s why she was surprised that the netizens recognized him in the video. Siya ngang nandoon sa mismong lugar na pinagyarihan ng insidente, hindi niya ito nakilala. Not even after she edited the video!
“Goodbye, 1M views!” ani Reign bago ni-set to private ang naturang video.
Nope, she didn’t delete it. Ni-set to private lang niya para ‘wag nang mapanood ng kahit na sino. She made a mental note on re-editing the said video and reuploading it later.
“Makaligo na nga muna,” aniya bago dinala sa lababo ang mga pinagkanan.
Mamaya na siya maghuhugas ng mga ito, maliligo muna siya nang makapag-IG live siya pagkatapos para sa kaniyang public apology.
Two weeks after the viral video incident…
Reign checked her wristwatch habang mabilis ang mga paang naglalakad papasok ng hotel. Fifteen minutes before eleven in the morning. She’s just in time.
She’s about to meet a fan for a lunch date.
Nope, she don’t normally go and meet fans privately. Ngayon lang. Saka babae naman ‘yong fan na kikitain niya at kung hindi siya nagkakamali, may edad na rin. Kaya safe naman siguro siya.
This fan is very special to her, too, kasi kahit na dati pa, noong hindi pa ganoon kadami ang subscribers niya, lagi na itong naka-support sa kaniya. Lagi itong nagko-comment sa mga posts niya. She would always tell her that she reminds her of her daughter.
Lagi din itong nagpapadala ng kung anu-ano sa kaniya.
And just last week, Reign received an invitation from the said fan. Baka daw pwede siyang ma-invite for lunch. Just the two them. Pa-birthday na lang daw niya dito.
Pano ba naman niya mahihindian 'yon? Saka sa isang public place naman sila magkikita kaya safe naman kahit papano.
Dumeretso siya sa resto ng hotel. Agad siyang tinanong ng receptionist kung may reservation siya. She said yes and gave him her name.
Nagtawag ng waiter ang receptionist para i-assist siya. And the waiter led her to a private dining room.
Aba, bongga. Sa private dining room pa pala talaga, saisip niya habang sinusundan ang waiter.
Mahal na nga ang kumain sa resto ng hotel na iyon, sa private dining room pa kaya?
She started to feel a little worried, though. Parang ang yaman naman yata ng kikitain niyang fan. Parang nakakahiya tuloy.
Pero dagling nawala ang pangamba ni Reign nang ang nakangiting mukha ng isang may edad ng babae ang nabungaran niya sa loob ng kwarto pagkabukas ng waiter. She looked like she’s on her 60s. The woman looked really sophisticated but friendly.
“Naku, sorry po, nauna pa po kayo,” ani Reign pagkapasok niya ng private dining room.
“That’s okay, that’s okay. You’re not late, I'm just early. Napaaga lang talaga ako,” anang may edad ng babae. “Come here! Come here!”
Dali-dali siyang lumapit dito.
“Ako 'yong 'Mommy Cee' na nagko-comment sa YouTube at i********: mo but you can call me Mommy Cora,” anito habang nakipagbeso-beso sa kanya. "I’m so glad to have finally meet you in person.”
“Nice meeting you din po. The pleasure is mine,” Reign said to the older woman before she handed her a bouquet of red and white roses. “This is for you. Happy birthday po.”
“Awww, this is so pretty. Thank you so much, dear,” anang ginang habang inamoy-amoy ang mga bulaklak.
“Salamat naman po at nagustuhan ni’yo,” ang medyo nahihiyang sagot ni Reign.
“Of course. Sit down, sit down,” anito. “Nag-order na ako ng foods, I hope you don’t mind.”
“Naku, thank you po. Don’t worry, ‘di naman po ako pihikan sa pagkain. Kinakain ko po lahat, actually. Basta ba edible," ani Reign bago mahinang tumawa.
“I know, I know. I’m your fan, remember?” anito bago nakitawa sa kaniya.
“Nakakahiya naman po ‘yong 'fan'. ‘Di naman po ako artista,” Reign said as she settled on her seat.
Malakas na natawa ang may edad ng babae. “Kaya kita gusto, eh. You never fail to make me laugh in your videos. Parang ang saya mo lang kasama.”
“Thank you po, ma’am.”
“Don’t call me ma’am. Hindi naman ako teacher,” anito.
Si Reign naman ang malakas na natawa. “Joker din po pala kayo.”
“Kaya magkakasundo tayo, eh. But please call me Mommy Cora.”
“Medyo nakakahiya po pero sige po, M-mommy Cora," ang nag-aalangan niyang wika.
“That’s better.” Malapad ang ngiti ng ginang.
The waiter came with their food. Seafood pasta, grilled salmon, baked king crab, cajun seafood boil, shrimp tempura sushi, at iba pa. Lahat favorite niya!
“OMG! Favorite ko po ‘to lahat, ah!” ang parang batang bulalas ni Reign. Pakiwari niya'y nagkikislapan ang kaniyang mga mata sa labis na excitement.
“I know, right? I told you, I’m a fan. Alam ko kung ano ang mga favorites mo,” anang ginang na mukhang tuwang-tuwa at nagustuhan niya ang mga pagkain.
Reign thought they're having a full course meal pero mukhang seafood feast ang mangyayari. She's not complaining, though. Sobrang favorite niya ang seafoods kaya 'di hamak na mas mai-enjoy niya ito kaysa maghiwa-hiwa ng pagkamamahal na steak.
Mommy Cora is a fan, no doubt. Alam na alam nito kung anong gusto niya at kung saan siya kumportable.
“By the way,” anito noong kumakain na sila. “Someone’s joining us today. I hope you don’t mind.”
“Yung anak n’yo po, Mommy Cora?” ani Reign habang nag-iikot ng pasta sa kaniyang tinidor.
“Sinong anak?” anito.
“Lagi ni'yo po kasing sinasabi na naaalala ni'yo 'yong anak ni'yong babae sa akin,” ani Reign bago isinubo ang pasta.
“Oh. No, not her. She’s no longer here,” anito.
“Nasa abroad po?”
“No, she… she's dead."
Natigil si Reign sa gagawin sanang pagsubo. “I’m so sorry to hear that po."
“That’s fine, that’s fine. Matagal na ‘yon. She died twenty years ago. She was about your age when it happened.” Latay pa rin ang lungkot sa boses at mga mata nito.
Napatitig si Reign dito.
“That’s fine, that’s fine," anito na pilit pinapasigla ang sariling boses. "Here's some seafood pasta. Alam kong favorite mo din ‘to.”
“Thank you po,” aniya bago tinanggap ang plato mula dito.
“Oh, before I forget. I have something for you,” anang ginang bago inilabas ang isang pamilyar na kahon mula sa ilalim ng mesa.
Agad na nakilala ni Reign ang isang sikat na brand ng makeup.
“Wow! Blush Rush! Naku, sobrang thank you po, Mommy Cora. Nag-abala pa po kayo. Isang buong set pa talaga ang binili ni’yo,” aniya bago tinanggap ang kahon mula dito.
“No, I didn’t buy them,” anito.
Natigil si Reign. “You mean to say, kayo po ang may-ari ng Blush Rush?"
“Not really. It’s my granddaughter’s, not mine.”
“OMG! So sa inyo din po pala galing ‘yong unang batch ng Blush Rush products na natanggap ko?” Reign confirmed.
Ngumiti ito. “Yup, I asked her to send you those products. By the way, thanks for making a good product review on those. Na-enjoy ko 'yon. Though you don't really have to feature those in your vlogs. Sapat na sa akin ang malamang nagustuhan mo 'yong products.”
“Oh my… sobrang thank you po, Mommy Cora. Sobrang nagustuhan ko po talaga ang Blush Rush. Sobrang naging hiyang po siya sa balat ko.” That is true. She loved the product so much.
“I’m glad that you like it,” anito.
Grabe, apo pa pala nito ang may-ari ng Blush Rush! Parang nakakahiya naman.
Noon bumukas ang pintuan ng private dining room at laking gulat ni Reign nang iluwa nito papasok ang kahuli-hulihang taong ini-expect niyang makikita dito.
“I’m sorry, I was late,” ani Tristan Alcantara pagkapasok ng room.
Biglang nagliwanag ang mukha ng ginang pagkakita dito.
"Oh, there you are! I'm glad that you made it!" ang excited nitong wika. “Reign, meet Tristan, my grandson. This is Reign, my favorite influencer. But I know you already know her,” ang pagpapakilala ng ginang sa kanilang dalawa.
Hindi agad nakahuma si Reign. To say that she was surprised is an understatement.
Pero kung nagulat man siya, mukhang ganoon din ang nararamdaman ni Tristan nang matuon sa kaniya ang paningin nito.
They were both shocked.